Ian'S POV
"Inay,mayroon po bang masakit sa inyo?" Habang inalalayan niya itong makahiga sa kutson dito sa kwarto kasama ng dalawa niyang kapatid.
"Huwag mo na akong alalahanin anak,maayos na ang pakiramdam ko." Napapangiting sagot ng kanyang ina.
"Inay,Hindi pa po kayo magaling,tingnan nyo di pa kayo nakakapaglakad ng maayos kailangan mo pa ng saklay." Sabi niya habang inaayos ang unan nito.
"Pasasaan ba at gagaling din ako." Nakukulitang sagot nito.
"Dapat lang po Inay, namimiss na kayo nina aling Marlen,sabi ko po sila na ang pumunta dito kapag minsan para makapaglaro kayo ng bingo."kwento niya.
Huminga ito ng malalim bago muling nagsalita." Anak,patawarin mo ako sa mga naging pagkukulang ko sa inyong magkakapatid."
"Inay,naiintindihan ko po kayo,baka kung ako po ang nasa kalagayan ninyo Hindi lang iyon ang gagawin ko." Pahayag niya.
"Hindi anak,Ian sarili ko lang ang iniisip ko ng iwan tayo ng itay mo.Nakalimutan ko na mayroong mas mahalaga sa buhay ko at kayo iyon,na aking mga anak." Umiiyak na paliwanag ng ina.
"Inay,mahal na mahal ka namin,ako kahit minsan Hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa inyo." Naiiyak sa sagot niya.
"Kailangan ko pa palang mag-agaw buhay upang magising sa mga pagkakamali ko.Alam mo anak,kung nasaan man ang nakabundol sakin pinasasalamatan ko pa siya." Nakangiting sabi nito at pinunasan ang sariling mga luha.
"Inay naman,muntik na nga po kayong mawala sa amin ng mga kapatid ko ng dahil sa taong yon." may himig ng inis na wika niya para sa nakabundol sa ina.
"Halika nga dito anak,namiss kita matagal na kitang Hindi nakayakap."
Naiiling siyang yumuko at yumakap sa ina.
"Inay namiss ko din po kayo."
"Salamat anak sa lahat,pangako babawi ako sa inyong magkakapatid.Sa oras na makapaglakad ulit ako maghahanap agad ako ng mapapasukang trabaho." Masayang sabi nito.
"Inay,sapat na po yung bumalik kayo sa amin ng ligtas.Kayang kaya ko na po kayong buhayin nay,ako pa." Kumalas siya mula sa pagkakayakap at ipinakita ang muscle niya sa isang braso at sabay silang nagtawanan.
"Sige na po Inay, magpahinga na kayo,mamaya pa siguro matutulog yung dalawa may ginagawa pa pong assignments sa sala." At kinumutan niya ito bago lumabas ng kwarto nito.
Walang pagsidlan ang kaligayahan na nararamdaman niya ngayon.Makalipas ang mahigit tatlong linggo ay himalang naging maayos ang lagay ng kanyang ina at Kanina lang umaga ay pinayagan na itong lumabas ng doktor.
Wala siyang naging alalahanin sa mga ginastos sa ospital ng nanay niya.Tinupad naman ng babaeng nakabundol ang pagsagot sa kalahati ng bill idagdag pa ang pagkakaroon niya ng perang panggastos sa lahat ng mga pangangailangan nila.
Walang alam ang pamilya niya kung saan nanggaling ang perang ginagastos niya ngayon. Ang tanging alam ng mga ito ay mayroon siyang napasukang trabaho sa Maynila. Nakiusap din siya sa mga nagbabantay sa kanya na dumistansya sa kanya upang Hindi mahalata ng kanyang ina at mga kapatid.Noong una ay nag-aalangan pa ang mga ito pero ng bandang huli ay pumayag na din at nangako siyang Hindi makakarating doon sa madam nila.
_____
Hatinggabi na ng dumating sila sa hotel,pagpasok niya dito ay mukhang wala pa ang babae.Binuksan niya ang ilaw sa sala at nagtungo sa kwarto upang siguruhin kung naroon ang babae.
Nagkamali siya dahil mahimbing na itong natutulog sa kama.Maingat siyang naglakad upang hawag makalikha ng anumang ingay at nagtungo sa banyo upang magshower.Nanlalagkit na ang buong katawan niya dahil kaninang umaga pa siya naligo.
Marahan siyang nahiga sa katàbi ng babae at naghanda na upang matulog.
"Bakit ngayon ka lang dumating,Kanina pa kita hinihintay!" Nagulat siya ng bigla itong yumakap sa likuran niya.Dama niya ang init ng katawan nito,kahit may damit sila pareho.Parang hinahanap-hanap na ng katawan niya ang babae.
"May inasikaso pa ako samin,pasensya na kung ngayon lang ako nakabalik."at humarap siya dito.
" Naiinip na ako,bakit hanggang ngayon Hindi pa ako nabubuntis.!"kung Siguro nakabukas ang ilaw ay nakikita niya ang nakasimangot nitong mukha.
"Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong mo,madam."at yumakap din siya sa babae.
"Mag-iisang buwan na tayong sumusubok,haist nakakainis!" Iritadong sagot nito."Kapag isang buwan na at wala pa ring nangyayari tapos na ang serbisyo mo sakin."
"May kakilala akong mag-asawa ilang taon bago sila biniyayaan ng anak."wika niya.
"Oh my god!you mean maghihintay ako ng isang taon,dalawang taon o higit pa!" Reklamo nito.
"Nakwento ko lang naman."
"Ahh..di bale na lang hindi na ako makakapaghintay ng matagal!basta!after one month at wala pa din,wag mag-alala babayaran pa din naman kita sa halagang pinag-usapan natin."mayabang na pahayag ng babae.
" Ikaw ang bahala madam."parang may kung anong panghihinayang sa boses niya peri Hindi siya sigurado.
"Nakakainis,napakalaki ng isinakripisyo ko para lang mabuntis!" Mainit ang ulo na sabi nito.
Sanay na siya sa magagaliting ugali ng babae pero hindi na lang niya pinapansin.Iniisip niya Hindi magtatagal at matatapos din ang trabaho niya dito.
"Kuhanin mo yung binili Kong toasted siopao nasa center table doon sa sala!"maawtoridad na utos ng babae at agad naman niyang sinunod.
"Bakit di na lang siya ang lumabas, para makakain siya ng maayos madilim sa kwarto eh." Bubulong-bulong na sabi niya habang nasa sala.
"Ano ba!bakit napakatagal mo!" Narinig niyang sigaw nito.
"Napakabossy talaga niya kahit kailan at wala akong karapatang magreklamo dahil binabayaran niya ako,kung di lang sana ako nagipit."at bumalik na sa kwarto.
Loveuall;:: miss A.
Please join my group on f*******: w*****d updates assumer21 and my page assumer21 Miss A world
Please vote and comment