Ian's POV
"Baby Cassidy,wag ka ng umiyak..ito na si papa." ipinaghehele niya ang anak na ngunit Hindi ito tumitigil sa pag-iyak.
Lumabas siya ng kwarto ng anak at nagtungo sa kwarto ng asawa.
"Ca-cassandra." marahan niyang kinatok ang pintuan nito.
"Why?''nakabusangot na tanong nito ng pagbuksan siya ng pinto." It's twelve in the midnight nangbubulahaw ka!''
"Ito kasing anak na-tin kanina pa umiiyak hindi ko alam Kung anong gusto niya." nauutal na sabi niya dito."Baby tahan na,wag ka ng umiyak."baling niya sa anak na patuloy sa pag-iyak.
"Idiot!mas lalong Hindi ko alam!ikaw ang nag-aalaga,dapat alam mo!''isasarado sana ulit nito ang pintuan ng pigilan ng isa niyang kamay.
"San-dali lang muna,bak pwedeng pakikarga mo muna si baby,tatawag lang ako sa mommy mo sa states." pahayag niya.
"Put her down on my bed." umuna itong naglakad patungo sa kama.
Hindi agad siya nakakilos sa kinatatayuan ng muli itong nagsalita.
"Tatayo ka na lang ba diyan sa may pintuan ng kwarto ko?Kung ayaw mo lumayas ka dito!''mataray na bulyaw ni Cassandra.
Nag-aalangan siyang humakbang papasok sa loob ng kwarto ng asawa,ito ang unang pagkakataon na nakapasok siya dito.Magmula ng bumalik sila mula sa Palawan ay namuhay sila bilang mag-asawa sa paningin ng publiko.Pero hanggang doon lang iyon dahil ibang-iba ang sitwasyon nila sa likod ng camera.Marami ang fans ng asawa ang kinikilig at masaya para sa kanila,akala ng mga ito nagmamahalan sila ni Cassandra.Ang masaklap pa ay maging kahit sa anak nila ay parang Wala itong pakialam.
" Bilisan mo,balikan mo agad si Cassidy,napagod ako sa buong maghapong photoshoot."maawtoridad na sabi nito ng mailapag niya ang anak sa kama.
"Salamat,mabilis lang ako." sagot niya saka nagmamadaling lumabas ng kwarto at nagtungo sa sala.
"Hello mom,magandang araw po."bati niya ng sagutin ng mother in law ang kanyang tawag.
" Hijo,napatawag ka,hatinggabi na dyan sa Phillippines,is there something happened?''nag-aalalang tanong nito.
"Pasensya na po Kung nakaabala ako,si baby Cassidy po kasi kanina pa umiiyak,Hindi ko po alam Kung anong dahilan." nahihiyang sabi niya,madalas ay ito ang tinatawagan niya kapag may problema siya sa pag-aalaga sa kanyang anak.
"Ian,baka kinakabagan icheck mo ang tiyan niya baka di siya nagburp pagkatapos uminom ng milk."sabi ng biyanan.
"Nagburp naman po siya kanina pagakatapos uminom ng gatas kanina.'' sagot niya.
"Okay,Kung Hindi ay tingnan mo baka puno na ang diaper ng ihi or my dumi.''turan nito.''Nasaan ang anak ko?tinutulungan ka na ba niya sa pag-aasikaso sa apo ko?''
"Pinakiusapan ko po siya na kung maari ay alagaan muna si Baby,para makatawag po ako sa inyo."sagot niya.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kausap sa kabilang linya.
"Hanggang ngayon Hindi pa rin niya matanggap na isa na siyang ganap na ina at asawa.Pagpasensyahan mo na sana siya hijo,nakikiusap kami na huwag ka na munang magtrabaho ng sa ganun ay maalagaan ng mabuti ang anak ninyo dahil Hindi maasahan si Cassandra sa bagay na iyan."
"Opo mommy,ako po ang bahala sa anak namin at huwag din po kayong mag-alala palagi ko pong inuunawa ang anak ninyo." paliwanag niya."Iniisip ko lang po ngayon ay Hindi maaring Wala akong trabaho,responsibilidad ko po iyon.''
"Huwag mo na munang intindihin iyon Ian,ang mahalaga ang anak mo.Mahirap na Kung sa katulong lang natin papaalagaan,Kami na muna ang bahala sa mga gastusin.Alam kong mahirap sa kalagayan mo ang walang trabaho,isispin mo na lang kailangan ka ng anak mo.'" mahabang paliwanag ng kausap.
"Sige po mommy,salamat." tugon niya
"Kami ang dapat na magpasalamat sayo Ian,dahil ikaw ang gumagawa na dapat ay obligasyon ng anak namin.Hindi siya nakikinig sa amin ng daddy mo,kami ang dapat sisishin Kung naging spoiled brat and self centered ang anak namin.''hindj ito ang unang beses na sinabi iyon ng kanyang biyanan.
" Naiintindihan ko po,magpapaalam na po ako,baka magalit lalo ang anak ninyo kapag hi di ako bumalik agad."wika niya.
"Sige.Kung anuman ang maging problema wag kang magdadalawang isip na tawagan Kami ng daddy mo."
Matapos makipag-usap sa biyanan ay agad siyang nagtungo sa kwarto ng asawa upang kunin ang anak nila.Nagtataka siya na sumilip sa loob ng mapansin niyang napakatahimik,Hindi na niya naririnig ang malakas na pag-iyak ng anak.
Nakita niyang nakahiga si Cassandra habang katabi ng anak nila at yakap ito.Mahimbing na natutulog ang mag-ina niya,gusto niyang isispin na kaya siguro umiiyak ang anak dahil gusto nitong nasa katabi ng kanyang mommy.
Nagdadalawang isip siya Kung gigisingin ang asawa para kuhanin si baby Cassidy.Kapag ginawa niya iyon ay baka magising ang anak at muling umiyak.Minabuti na lamang niyang lagyan ng kumot ang kanyang mag-ina at bantayan ang mga ito habang natutulog.
"Ang cute nilang tingnan na dalawa,malaki ang pagkakahawig ng anak ko sa mommy niya." napapangiting sabi niya sa sarili.
Bigla ulit siyang nalungkot sa isiping parang Hindi Mahal ni Cassandra ang anak nila.Makakaya niyang tanggapin na Hindi siya pakitunguhan ng maayos ng asawa pero nasasaktan siya para sa anak nila na Hindi man lang magawang pakitaan ng pagmamahal ng sarili nitong ina.
______
''Wake uppp...!"naalimpungatan siya sa sigaw at paghampas sa kanyang ulo ng unan ni Cassandra."What the hell are you doing here?''
"Sorry Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa may paahan ninyo ni baby Cassidy." hinging paumanhin niya dito at mabilisna bumangon.
"Bakit hindi mo siya kinuha kagabi?Bobo!''sigaw nito at mukhang masama ang gising.
"Baka kapag kinuha ko ang anak na-tin magising at umiyak na naman." paliwanag niya.
"Sh*t,lumayas na laying mag-ama dito sa room ko!get out!''sigaw pa nito.
"good morning baby." bati niya sa anak na mas nauna pa yata sa kanila nagising pero hindi tulad dati na umiiyak agad ito.Masasabi niyang madalas umiiyak ang anak nila,minsan naiisip niya baka mayroon itong sakit.Nakakapanibago ngayon dahil natulog ito ng mahimbing at good mood na naglalaro ng sarili nitong kamay.
"Doon mo na siya kausapin sa kwarto niya!bilis..."utos ng asawa.
Kinuha niya ang tatlong buwan nilang anak at lumabas ng kwarto ni Cassandra.
"Sir Ian,kanina ko pa hinahanap si baby Cassidy,akala ko po kinidnap na." nakatawang sabi ng Yaya ng anak niya.
"Doon Kami natulog sa kwarto ng mommy niya,umiiyak kasi kagabi." nakangiting pahayag niya.
"Uyy..si sir kinikilig nakasama sa kwarto si mam." panunukso ng katulong sa kanya,sa maikling panahon na nakasama niya ito ay naging magkasundo sila ng yaya ng anak at hindi rin lingid dito ang sitwasyon nilang mag-anak.
"Kuhanin mo na si baby Cassidy,ikaw na muna ang bahala sa kanya maliligo lang ako at mag-aalmusal." hindi niya pinansin ang panunukso nito.

"Sige po sir,nagluto na ako ng almusal ninyo ni mam,ipinagluluto ko pa din siya baka maisipan niya kumain kasabay kayo." nanunukso pa ring sabi nito.
Naiiling siyang iniwan ito at naglakad palabas ng kwarto.
"Ah,syangapala Gretchin mamaya mo siya paliliguan kapag nakabalik na ako."bilin niya sa katulong,kahit may yaya ang anak niya ay siya pa din ang personal na nag-aalaga dito.Binabantayan nito si baby Cassidy kapag may gagawin siya at pagkatapos nitong paliguan ang anak ay pinapagpahinga na niya ang katulong.Tinatawag na lamang niya kapag may kailangan siyang ipagawa dito.
" Sige sir,paiinumin ko na lang muna siya ng gatas."
Loveuall;;:miss A.
Please share and vote
Please join my group on f*******: w*****d updates assumer21