Ian's POV
"Ngayon ko lang nalaman na mayroon ka palang nerbyos,kanina ko pa napapansin na maya't-maya ang pagpunas mo dyan sa mukha mo." bulong ng kanyang best man na si Boyet.

"Sino ba naman ang hindi mag-aalala,kalahating oras na yata siyang late.Kapag di siya dumating hindi ko na makikita ang anak ko at alam mo iyon Boyet." mahinang paliwanag niya sa kaibigan.
"Alam mo naman ang mga babae matagal mag-ayos,kaya pare relax ka lang dyan." sabay tapik sa isang balikat niya.
Iginala niya ang paningin at nakita niya ang reaksyon ng mga bisita ang pagkabagot.Hindi niya kilala ang lahat ng naroon, tanging ang kanyng pamilya lamang at si Boyet ang bisita na kaniyang kilala.Hindi rin maitago ang pagkainip sa mukha ng ama ng pakakasalan niya dahil sa madalas na pagtingin nito sa orasang pambisig.
"Ayan na siguro pare nag-umpisa ng tumugtog ang piano at yung mga abay tinatawag,teka lang tinatawag na ako nung organizer." natatarantang paalam ng kaibigan.
Lalo siyang pinagpawisan,nadagdagan pa ng biglaang pagkabog ng dibdib niya.Tumikhim siya upang mabawasan ang nerbyos na nararamdaman at bahagya din niyang inayos ang suot na tuxedo kahit hindi naman talaga magulo.
Nag-umpisa ng maglakad sa isle ang lahat ng abay kasama ang tatlo niyang kapatid at si Boyet,matapos magmartsa ang lahat pati ang mga ninong at ninang na pawang di niya kilala lahat.
Nagsimulang pumailanlang sa kanilang pandinig ang panibagong awitin na tinutugtog sa piano ng isang kilalang pianista ayon kay Liit.
"Ayii....kuya....Perpect ang title a kinanta ni Ed Sheeran..nakakakilig..." hindi nakatiis na bigkas ni Liit na nasa may di kalayuan.

Sinenyasan niya itong wag maingay,pero hindi na siya pinansin ng kapatid,nakita niyang biglang natuon ang atensyon nito at ng lahat, sa entrance ng venue.Kunot-noo siyang sinundan ang tiningnan ng mga bisita.
May isang babae na nakasuot ng eleganteng damit pangkasal,kahit hindi niya nakikita ang mukha nito dahil nakatakip ng veil,para itong dyosa na mabagal na naglalakad sa gitna ng isle.Hindi siya kumukurap habang pinagmamasdan ang papalapit na bride sa kinaroroonan niya kasama ang ama nito.
"Man,my only daughter, CASSANDRA LETICIA BROOKS,I'll expect you to take care and love her." at iniabot ng matanda ang kamay ng babae sa kanya na agad din niyang hinawakan.
"Yes Sir James." bahagya pa siyang yumuko dito.
Sa kauna-unahang pagkakataon at ngumiti ito sa kanya."From now on tawagin mo na akong daddy,you are my son."tinapik siya nito sa balikat
"Salamat po da-dad." nahihiyang tugon niya,tumango ito saka sila iniwan.
Nang ganap na nasa harapan na niya ang kanyang bride na Cassandra Leticia pala ang pangalan ay lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya at may kakaibang epekto sa kanya ang pagdidikit ng kanilang mga palad.
Inalalayan niya itong makaupo sa nakalaang upuan para sa kanila sa unahan.Habang patuloy ang seremonya ng kasal at nagsasalita ang pari na nasa kanilang harapan ay hindi niya mapigilan ang utak sa patuloy at paulit-ulit sa lahat ng nangyari sa kanila ni Cassandra.Noon ay nahahawakan at nahahaplos lamang niya ang babae sa madilim na silid.Pero ngayon heto,kasama niya at may pagkakataon na siyang masilayan ang anyo nito,di tulad noon ay nag-iimagine siya Kung ano ang itsura ng babae.Hindi niya maipaliwanag pero may kakaibang kaligayahan siyang nararamdaman ngayon.
"Inuulit ko ikaw Ian Harvey Valdespina,tinatanggap mo ba si Cassandra Letecia Brooks bilang iyong kabiyak?"naipilig niya ang ulo ng marinig ang mga sinabi ng pari.
" O-opo father."nauutal na sagot niya.
Matapos niyang sumagot ay ang babae naman ang tinanong ng pari.Halos mabingi siya sa katahimikan dahil pang-apat na ulit ng tinanong ang bride ay hindi pa rin ito sumasagot.Maya-maya ay naulinigan niya ang bulungan ng mga bisita sa kanilang likuran.Maging siya ay nag-alala na rin sa hindi nito pagsasalita.
"Yes I do." mataray nitong sagot at saka lamang siya nakahinga ng maluwag.
"And now,I pronounced you husband and wife." pagtatapos na anunsyo ng pari."You may kiss the bride and congratulations both of you."nakangiting wika nito.
Hindi niya ipinahalata sa mga naroon ang panginginig ng kamay niya habang itinataas ang veil ng bride.
"Ikaw?"
"You?"
Magkasabay na bigkas nilang dalawa.Sandali lamang ang pagkagulat na rumihistro sa mukha nito.Pero siya ang labis na nagulat sa nalamang katotohanan.

"Siya ang babaeng nakabundol kay inay!" wika niya sa sarili at mulling bumangon ang galit na nararamdaman niya para sa babae.
Lumingon siya sa ina na tiyak ding nagulat sa nalaman na ang babaeng pinakasalan niya ay ang naging dahilan ng pag-aagaw buhay nito noon.Ngunit ng makita niya ang ina ay marahan itong tumango at ngumiti.Na para bang sinasabi na patawarin niya ang babae.
"Ano,tutunganga ka na lang diyan magdamag?"inis na bulong nito sa kanya pero nakangiti upang huwag mahalata ng mga tao sa paligid.
" kiss."sabay-sabay na sigaw ng mga bisita kaya napapahiyang hinalikan niya ang babae.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nahalikan niya ang babae pero naroon pa rin ang animo kuryente na dumadaloy sa kanyang buong katawan sa tuwing maglalapat ang mga labi nila.
Narinig niya ang palakpakan ng mga tao sa buong paligid.
"Congratulations Mr.Valdespina,you are a billionaire now." sarkastikong wika nito sa kanya ng nakangiti."Anong ipinakain mo kay daddy para di ka papirmahin ng prenuptial agreement?"
Tumikhim siya bago sumagot sa asawa."Ang anak ko lamang ang mahalaga para sa akin,wala akong pakialam sa kayamanan ninyo."malumanay na paliwanag niya.
Pagak itong tumawa sa isinagot niya."Hindi ako ipinanganak kahapon,stupid!"
Sasagot pa sana siya ng pagkaguluhan sila ng mga bisita,upang bumati.
"You look stunning,Cass."pinuri ito ng isa sa mga abay."I'm sure trending ngayon ang wedding mo sa lahat ng social network,magazines and sa television,ikaw na!" masayang sabi pa nito.
" Blablabla..whatever.."nakita niyang pasimple nitong inirapan ang kausap.
"Hmp,maldita ka talaga kahit kailan."nakangiting sabi ng babae." Dito na nga lang ako makikipag-usap sa groom."at binalingan siya.
"Hi Ian,right?" nakangiting bait sa kanya ng magandang babae.
"Oo."tugon niya.
" Ipapakilala ko na ang sarili ko tutal ayaw kang ipakilala sa akin nitong pinsan ko."tukoy nito sa asawa niya."My name is Nelle,your wife's cousin."
Tinanggap niya ang inilahad nitong isang kamay upang makipagshakehands sa kanya at nginitian ito.
"Let's go to the reception hall,I'm hungry."dali-dali itong naglakad at dumaan sa gitna nila ni Nelle kaya bago pa lamang nagdaop ang kanilang mga palad ay agad ding naglayo dahil sa kawalan ng modo ng napangasawa.
" Sundan mo na,pagpasensyahan mo na ang pinsan ko sanay na Kami sa ugali niya,sana mas habaan mo pa ang pasensya mo para kay Cass."mahinang sabi nito saka tumawa.
"Oo gagawin ko iyan.Sige,mauuna na ako,magkita na lamang tayo doon."at malalaki ang hakbang na naglakad upang sundan ang asawa.
"Tutulungan na kita sa wedding gown mo,ako na ang magtataas ng bahagya para makapaglakad ka ng maayos." mabilis na sabi niya at tinulungan ito.
"Pasalamat ka may ibang tao at media,next time kapag tayong dalawa lang wag na wag mo akong kakausapin at lalong wag mo akong hahawakan." mariing bulong nito sa kanya saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa hotel Kung nasaan ang reception hall na malapit lamang sa pinadausan ng kanilang kasal.
Loveuall;:::miss A.
Nalimutan ko ang unang reader na nanghula na si Cassndra ng MY INNOCENT WIFE si MADAM..pero ang galing mo.....paano mo naisip yun..hindi ko naman sayo sinabi haha.....
And tama si madam at ang nakabundol sa nanay ni Ian ay iisa.
Please vote and share...tnx for reading