Ian's POV
"Liit,bantayan mo si Inay may aasikasuhin lang ako,bumili na ako ng makakain mo." Sabi niya sa kapatid.
"Kuya bakit parang andami naman yata ng pagkain na binili mo?" Tanong ng kapatid niya.
"Ah,oo baka di ako makabalik agad mamaya." Sagot niya.
"Kuya saan ka pupunta?" Usisa pa nito.
"Wag nang maraming tanong Liit,sige na aalis na ako." Paalam niya sa kapatid.
Iniwanan din niya ng pagkain ang dalawa pa niyang kapatid sa bahay nila at ibinilin niya sa nanay ni Boyet.Hindi siya sigurado kung makakabalik siya ngayong gabi.
Lumabas agad siya sa ospital upang puntahan si Tony na kasalukuyang naghihintay sa kanya sa labas.
"Bilis papa Ian hapon na tayo." Nagmamadaling sabi ni Tony na nakatayo sa tabi ng owner type jeep nito.
Malandi itong sumakay sa sasakyan nito at binuksan agad ang makina.Hindi si Tony ang tipo ng mga bakla na nakabihis pambabae,T-shirt at pantalon ang suot nito na hapit sa katawan Kaya naman mas lalong halata ang malaki nitong tiyan.Maliit lamang itong lalaki at nasa mahigit kwarenta na ang edad.
"Nakuha ko na ang result mo." Pahayag nito."Pasado ka."nakangising sabi nito ,na nahiling niyang sana may sakit siya pero paano naman ang nanay niya kung sakali.
Kung anu-ano ang pinagawang eksamin sa kanya ni Tony. Lahat na ata ng medical pinagawa na sa kanya,maging ang sperm count niya.Parang may ideya na siya sa ipapatrabaho sa kanya ni Tony, pero di muna siya nagtanong.Ayaw din nitong sabihin kung ano ang eksakto niyang gagawin, mamaya na lang daw pagdating sa Maynila.
Gabi na ng dumating sila sa Maynila at tumigil sila sa isang malaki at napakagandang hotel.
"Hanggang dito na lang ako,hinihintay ka na sa loob." Sabi nito sa kanya.
Naguguluhan siyang tumingin dito.
"Hindi ka sasama?" Kinakabahang tanong niya,sa di malamang dahilan.
"Hindi naman ako kailangan dun at isa pa pagpasok mo sa lobby ng hotel,may mag-aasist sayo.Sige na bumaba ka na,gagabihin ako lalo sa biyahe." Taboy nito sa kanya.
Napilitan siyang bumaba sa sasakyan ng lalaki.
"Huwag mo ng alalahanin ang mga kapatid mo pati na din ang nanay mo,ako na ang bahala sa kanila." Makahulugang sabi nito at ngumiti pa saka mabilis na pinasibad ang sasakyan.
Kaya wala na siyang nagawa kundi ang atubiling pumasok sa loob ng hotel.
Pagpasok niya sa hotel ay di niya alam kung bakit parang alam at kilala siya ng staff ng hotel base na din sa uniporme na suot ng lalaking halos kaedad lang din niya na mahigit dalawampo ang edad.
"Sir,good evening,this way po sunod po kayo sakin." Mabait na sabi nito.
Bantulot na sumunod siya na sumunod dito,naiilang siya na naglalakad sa loob ng hotel.Ngayon lamang siya nakapasok sa ganitong lugar na napakaelegante,sa chandelier na nasa lobby ay halatang mamahalin.May mga nakasalubong din sila na halatang mayayaman.
Pumasok sila sa elevator at nakita niyang pinindot ng lalaki ang number twenty five.
"Sir,narito na po tayo." Nang lumabas sila sa elevator at naglakad patungo sa isang pintuan.
"Sa-salamat." Sabi na lang niya.
Hindi niya malaman sa sarili kung kakatok o Hindi na lang at lilisanin ang lugar na iyon.
Paano ba naman,Hindi sa kanya sinabi ni Tony kung ano ba talaga ang gagawin niya at kung sino ang maghihintay sa kanya sa loob ng silid na ito.
Sa tingin niya ay sinadya ng baklang yon na wag sabihin sa kanya ang totoong gagawin niya.Kahit may ideya na siya kung ano ang gagawin niya pero mas gusto niyang marinig mismo dito.
Aalis na sana siya sa harap ng pinto ng kwarto ng maalala niya ang inang walang malay na nakahiga sa ospital.
Napansin niyang nakabukas ng bahagya ang pintuan kaya unti-unti siyang pumasok sa loob.
Kung anong ganda ng lobby ng hotel ay mas lalong maganda ang loob ng silid na pinasukan niya.
"Tao po." Sabi niya pero walang sumagot kaya naglakad siya sa loob sala.
Naisip niyang baka nagkamali ang pinagdalahan sa kanya ng staff kanina.
May nakita siyang isa pang pintuan na sa hinuha niya ay kwarto iyon.
"Tao po,may tao ba dito." Malakas na sabi niya.
Dala ng kuryusidad ay bahagya siyang sumilip sa loob ng kwarto pero walang tao.Narinig niyang may lagaslas ng tubig na nagmumula sa kung saan.
"Baka nasa cr yung tao." Bulong niya sa sarili.
Minabuti niyang bumalik sa sala at naupo upang hintayin ang kung sinuman na nasa loob ng banyo.
Nagulat siya ng biglang mamatay ang mga ilaw sa buong paligid.
Nakatayo siyang bigla,pero natigilan din siya agad ng may nagsalita.
"Let's start."aniya ng isang tinig ng babae.
Naramdaman niyang may humawak na malalambot na kamay at hinila siya sa isang braso niya.
"Ha?teka lang anong -saan tayo pupunta?"nauutal na tanong niya sa babae tumugon.
"Ano ba talaga ang gagawin natin,pakipaliwanag sakin." Kasabay niyon ay pinalis niya ang kamay ng babae.
Narinig niyang tumawa ito ng nakakaloko."So,di mo alam,why are you here?stupid."narinig niyang wika nito.
"Hindi."mabilis niyang sagot.
" Simple lang Mister.. Errr...whatever..isa lang ang gagawin mo kailangan mo akong MABUNTIS."Tahasang sagot nito.
Parang nayanig ng lindol ang kinatatayuan niya sa mga narinig mula sa babae.
"You don't have to worry about the payment,I will give it to you in cash right after na mabuntis mo ako.Pero ibibigay ko na sayo ang paunang bayad mamaya."pagmamalaki pa ng sabi ng babae.
Nanliliit siya sa mga pinagsasabi ng babae,kahit nahuhulaan na niya ang magiging trabaho ay di pa rin niya masikmura ng marinig ito.Labis-labis ang nadarama niyang pagtapak sa ego niya,para sa babae ay ganun lang kasimple ang kagustuhan nito.At palibhasa may pera ito, palagay siguro niya ay lahat ng bagay ay may katapat na salapi.
Ano pa nga bang magagawa niya,isa siya sa mga taong magpapakababa dahil sa mahigpit na pangangailangan .