Cyril is very engrossed in reading when someone sit beside him. Nasa library siya ngayon at piniling dito na siya magbasa dahil naisip niya na kapag pumunta siya sa haven niya ay makikita na naman niya roon si Adam at sirain ang araw niya. Nagdisisyon na kasi siya na siya na ang umiwas sa lalaki kung wala itong balak na gawin iyon. Sa may malayong mesa pa nga siya naupo dahil walang tao rito at tahimik ngunit ito at may nakapansin pa rin sa kanya at umupo pa talaga sa tabi niya. Kunot ang noong nilinga niya ang tumabi sa kanya at nang makitang si Adam pala iyon ay agad nasira ang timplada niya. Huminga siya ng malalim at malakas na isinara ang librong binabasa niya. Bakit nandito ang taong ‘to? “You again?” Ngumiti ito at kinuha ang librong binabasa niya at tinignan ang title niyon. “Nag

