Tulad ng usapan nilang magpinsan ay nagkita sila kung saan sila bibili ng smartphone nito. Hinayaan niya itong pumili ng gusto nito at bored na hinintay niya lang ito. Hindi niya pinansin ang mga sulyap ng saleslady na nagbabantay dito. Kahit naiinip na siya dahil animo sinasadya ng pinsan na magtagal doon ay kinalma niya ang sarili at pinigil ang sariling sipain ang paa nito. Gusto na niya ang pumunta sa bookstore para maghanap ng babasahin niya at dumeretso sa university pagkatapos. Nang makotento na ito sa tinitignan na cellphone ay agad na niyang binayaran iyon at lumabas. Napapakamot sa batok na sinundan siya nito. "Bakit ka ba nagmamadali?" tanong nito. "Pupunta ako ng bookstore," saad niya at sumakay sa kanyang sasakyan nang makarating sila ng parking lot. "Maghahanap ka na nam

