Chapter Twenty-three

1342 Words

"Hindi ko inaasahan na biglang sasabihin ni Adam na nagkakagusto siya sa opposite s*x. Isipin mo kasi, 'Dad, marami siyang naging girlfriends at minsan pa siyang nag-uwi nang hindi natin alam kaya ngayon pakiramdam ko ay nagbibiro lang siya kanina," saad ni Tessy sa asawa niya na nagpapalit ng pantulog. Nilingon siya nito habang binubutunes ang damit. "Maski ako ay hindi pa rin makapaniwala. Ni hindi man lang siya natakot at kinabahan kanina. Kung hindi ako open-minded na ama niya ay baka nasaktan ko siya dahil sa gulat." Lumapit ito sa kanya at nahiga sa tabi niya. "Pero hindi ko pa rin alam kung papayag ako sa gusto niya na magpakasal sila ni Cyril. Bata pa lang sila at puwedeng magbago ang mga disisyon nila. Isa pa ay iniisip ko ang sasabihin ng mga tao sa kanila. Kahit pa sabihin na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD