Kapansin-pansin ang pananahimik ni Adam kinabukasan. Hindi siya nito kinukulit hanggang sa makapag-ayos na sila para pumasok sa university ay tahimik pa rin ito. Inobserbahan naman niya ang mga kilos nito at malambing pa rin naman dahil inayos nito ang mga gamit nilang dalawa. He even carry their bag. Kahit nang sumakay sila sa sasakyan nito ay pinagbuksan pa naman siya nito ng pinto. 'Yon nga lang ay hindi ito umiimik. Hindi niya sigurado kung dahil sa naging conversation nila kagabi kung bakit tahimik ito but maybe he needs to do something about it. Pagka-park nito sa parking lot ay hindi pa rin ito nagsalita. Nang bumaba na sana ito ay hindi niya hinayaan ito at hinawakan ito sa kamay. Nilingon siya nito at nagtatanong ang matang tinignan siya. Kumilos siya at lumapit siya rito pagka

