CHAPTER FOUR

995 Words
NAWALA ang malawak na ngiting nakapaskil sa mga labi ni Jordan habang sinusundan ng tingin ang nagmamadaling pigura ni Caitlyn. “Tsk! Wala ka pa ring pinagbago, Cee. You still run away when you face an uncomfortable situation.” Umiling-iling siya. “And yet, you are still as beautiful as ever. Even now, you can still take my breath away,” dagdag ni Jordan sa isip sabay buntonghininga. Ang isang pamilyar na pakiramdam ay tila sumisingit sa puso niya. Tumingin siya sa pinto ng banyo kung saan pumasok si Caitlyn. Hindi pa rin ito lumalabas. Ipinilig niya ang ulo at sumandig sa pader habang nakahalukipkip. Namumutok tuloy ang muscles niya. “Kung inaakalang mong aalis ako dahil sinabi mo, nagkakamali ka. This is my chance. At hindi ko hahayaang mawala ang pagkakataong ito.” Bumalik ang kakaibang ngisi sa mga labi ni Jordan at matyagang naghintay sa babae hanggang sa lumabas ito. “Y-you’re still here!” gulat na saad ni Caitlyn. Nagkamot sa batok si Jordan. “Tawag din ng kalikasan. Alam mo ba ang CR ng mga lalaki?” Gusto na niyang batukan ang sarili. That was so lame, idiot! “Ah, iyon ba? Nasa kabila. Liko ka lang paglabas mo rito. O kung gusto mo naman, samahan na kita.” Maglalakad na sana si Caitlyn palabas nang pigilan niya ito sa braso. Pareho silang napatingin doon ng babae, bago niya ito nakuhang bitawan. Hindi niya alam kung naramdaman ba ni Caitlyn ang tila kuryenteng nanulay sa braso nito papunta sa kaniya. Bigla tuloy lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Para din siyang bumalik sa pagiging teenager dahil doon. “Sorry . . . Ang totoo kasi hinihintay talaga kita,” pag-amin niya. “Hinihintay mo ako? Why– I mean . . . dapat nauna ka na. Kanina ka pa hinihintay ng mga kaklase natin,” sagot nito na iba ang pagkakaintindi sa sinabi niya. “Well, let’s just say na ikaw lang naman ang gusto kong makita kaya ako umattend ng reunion.” “A-ako? W-why?” Huminga siya nang malalim at pinakatitigan ito sa mga mata. “I’ve missed you, Cee,” sinserong pahayag niya sa tunay na nararamdaman. “I want to catch things up with you. Gusto kong alamin kung kumusta ka na sa loob ng mga taong nagdaan. Don’t get me wrong, let’s just say I wanted to start all over again with you…” “Start wh–” “As a friend,” putol niya agad sa kung ano pa sanang sasabihin ng babae. “As… a… friend…” hindi naitago ni Caitlyn sa kaniya ang disappointment sa mga mata nito. “Yes. I know na nagkahiwalay tayo nang hindi man lang nagkakaayos. But, it’s all in the past. Mga bata pa tayo noon, may mga bagay tayong nagagawa na pinagsisihan natin dala ng kabataan natin. May pinagsamahan naman tayo, kaya, I guess, we should put all the things behind and start anew.” Hindi sumagot si Caitlyn sa sinabi niya. “It’s been almost ten years. I am sure marami ng nagbago sa iyo.” Bahagyang dumukwang si Jordan upang magkapantay ang mukha nila ni Caitlyn, hanggang sa halos iisang dangkal na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha sa isa’t-isa. “Hindi ka ba naku-curious if, how have I been this past few years?” Mariing kinagat ng kaharap ang pang-ibabang labi nito at para namang gusto ng pagsisihan ni Jordan ang ginawa. “I-ikaw . . . kung iyan ang gusto mo,” nauutal na wika ni Caitlyn. Lihim na napangiti si Jordan. “Let’s go then.” Hinawakan niya ito sa braso na bahagya nitong ikinaigtad. “O-okay.” Paglabas nila ng banyo ay napatigil si Caitlyn. “H-hindi dito ang papunta sa lounge.” “We’re not going back there.” Napakunot ang noo nito. “W-what do you mean?” “Sabihin na nating gusto kitang mas makausap ng sarilinan.” “B-bakit naman? Makakapag-usap naman tayo sa loob ng ta–” “Nah! I don’t think so. Mahaba-habang kumustahan ang magaganap kapag nagpakita pa ako sa loob.” Huminga ito nang malalim, bago tumingin sa direksyon ng lounge. Pagkatapos, hinarap siya nito. “A-alright. Let’s go.” Lumapad ang pagkakangiti ni Jordan. Pagkatapos inalalayan na niya ang babae patungo sa kaniyang kotse. Sa malapit lang ding restaurant sila nagpunta ng babae. “What would you like to drink?” tanong ni Jordan nang makaupo sila sa pandalawahang lamesa na nasa loob ng isang cubicle. “Ha? Ah, ikaw na ang bahala.” “Give us Viva Vodka and your chef’s special,” order niya sa waiter bago muling binalingan ang babae. “Are you sure na wala ka ng ibang gusto?” “Yes, okay na ako sa kung ano ang inorder mo,” alanganin ang ngiting sagot nito. Iniikot ni Jordan ang paningin sa loob ng cubicle. “This place is cozy and nice. Mukhang particular ang may-ari ng restaurant na ito sa privacy ng kanilang mga client,” pagbubukas niya ng usapan. “I am sure mas marami ka pang mga restaurant na napuntahan na mas maganda at mamahalin pa dito,” komento ni Caitlyn. Sumilay ang ngiti sa mga labi niya at mariin itong tinitigan. “Sinusubaybayan mo ba ako?” Madaling nag-iwas ng tingin ang babae. “Kahit naman hindi kita subaybayan, kilalang-kilala ka sa buong bansa. Laman ka ng mga business news simula nang mag-umpisang lumago ang negosyo mo, kaya hindi maiiwasang nalalaman ko ang ilang mga bagay tungkol sa iyo.” “Why do I feel na parang unfair sa side ko?” Mahina siyang tumawa. “Nalalaman mo ang mga nangyayari sa buhay ko, pero ako, kahit katiting na balita, walang narinig sa iyo.” Napatingin ito nang deretso sa kaniya. “D-did you look for me?” Marahan tumango si Jordan. “I admit it took me a while, bago ko naisipang ipahanap ka.” “B-but why?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD