Chapter 2 Treat

1941 Words
HINDI namalayan ni Aljane na oras na para mag-out kung hindi pa siya sinabihan ni Ria. Natatawa na naiiling siya habang papalabas ng hospital. Masyado siyang nag-enjoy sa pangalawang araw niya sa bagong trabaho. Siguro dahil mas malaki ang hospital at mas marami silang pasyente na kailangan asikasuhin. Matamis na ngiti ang nakaukit sa kanya labi habang naglalakad sa hallway ng hospital kung saan ang daan palabas ng mga empleyado. Malapit na si Aljane sa may exit nang may tumawag sa kanyang pangalan kaya naman napahinto siya at dahan-dahan na lumingon. Kumunot ang noo niya nang makita ang isang gwapong lalaki na papalapit na sa kanya na may ngiti sa mga labi nito. At sa suot nito ay sigurado si Aljane na isa itong doctor. “Ano kaya kailangan niya?” bulong niya sa sarili habang hinihintay ito na tuluyan makalapit sa kanya. “Hello to you, Nurse Aljane Samira Samson,” malawak ang pagkakangiti nitong bati sa kanya. May pagtataka sa mukha niya itong tiningnan. Pangalawang araw pa lang niya at may mga naipakilala na sa kanya pero hindi niya natatandaan ang lalaking nasa harapan na isa sa mga ‘yon. Dahil kung isa man ito imposible na makalimutan niya sa taglay nitong kagwapuhan. “I know I’m handsome,” umawang ang labi niya sa tinuran nito, “but I just want to give it to you.” Dumako ang tingin niya sa kamay nito na may hawak na… ‘Oh noh! It's my ID.’ “Nakita kong nalaglag kaya hinabol kita. Bago ka ba rito?’ Bumalik ang tingin ni Aljane sa lalaki at saka siya tumikhim. “Ye-yes po, Doc, sa akin nga po ‘yan at pasensiya na po naabala ko pa kayo. Hindi ko po kasi napansin na nahulog, salamat nga po pala,” nahihiya niyang wika saka akmang kukunin na ang kanyang ID nang mabilis ‘yong inilayo kaya naman nagtataka siyang bumaling dito. “Thank you was not enough. How about you treat me a coffee? May malapit na coffee shop lang diyan sa may tapat,” wika nito na ikinakurap ng mga mata ni Aljane. Kanina nang sabihin nito na gwapo ito ay nahanginan na siya sa lalaki tapos ngayon ang lakas ng loob na magpalibre dahil napulot nito ang ID niya. Doctor naman ito pero magpapalibre at sa kanya pa talaga. Huminga nang malalim si Aljane saka seryosong tumingin sa kaharap na nakangisi pa talaga habang tinatapik ang ID niya na hawak nito. “Doc, wala po akong oras na makipagbiruan sa inyo saka pagpapasalamat lang po ang kaya kong ibigay. Mukha naman po kayong mayaman kaya siguro kaya niyong i-treat ang sarili n’yo dahil tulad nga ng sinabi niyo, bago pa lang po ako rito at wala pang sahod,” sabay irap ni Aljane at hablot sa kanyang ID na ikinagulat ng doctor pero wala na itong nagawa nang mabilis niyang isuksok sa bag ang ID saka isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya. “Uulitin ko, maraming salamat po sa pagpulot sa ID ko. Happy self-treat, Doc.” Pagkasabi niyon ay tinalikuran na niya ito at nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng hospital. Nang makatapak si Aljane sa labas ay naramdaman niya ang presensiya sa kanyang tabi kaya naman nilingon niya ‘yon at nakita niya ulit ‘yong lalaki kanina. Hindi niya napigilan tumaas ang kilay. “Don't look at me like you want to slap my handsome face—” “What do you need?” nakataas pa rin ang kilay na tanong niya. Hindi naman siguro nito gagamitin ‘yon against sa kanya lalo at out of duty na siya. “Ang taray mo naman pero ako na lang mag-treat sa ‘yo kung ayaw mo ako i-treat. Pa-welcome treat ko sa ‘yo dahil gwapo naman ako, kaya tara.” Napailing na lang si Aljane dahil sa sobrang hangin nito pero dahil ito naman ang manlilibre ay hindi niya ‘yon hihindian mukhang hindi naman ito masmang tao dahil doctor nga ito, ‘di ba? Nang muli tingnan ni Aljane ang lalaki ay nakahubad na ang suot nitong doctor coat at kausap na ang isang guard na nakabantay saka niya nakita na inabot nito ang white coat at muling bumaling sa kanya. “Let’s go,” aya nito na para bang matagal na silang magkakilala. “By the way, I am Dr. Desmond Ocampo,” pakilala nito. “Mukha ka naman matino kaya sige payag ako basta treat mo, ah. At kilala mo na ako kaya no need to introduce myself,” wika ni Aljane na ikinangiwi ng lalaki. “Grabe ka naman sa akin. Of course, matino ako huwag ka lang maghuhu—” “Oo na, tara na at lumalakas ang hangin,” natatawang putol ni Aljane sa iba pa nitong sasabihin saka itinulak pa ito sa may kanang braso, feeling close. Sabay silang tumawid sa kabilang kalsada kung saan naroon ang cafe na kanilang pupuntahan. ‘Hindi naman siguro masamang sumama sa kanya. Sayang naman kasi at libre ‘yon. Sa panahon ngayon madalang na lang ang taong manlilibre at kung may kapalit man ito, bahala siya sa buhay niya.’ Iyon ang nasa isip ni Aljane habang patungo sa cafe. Binati sila ng security at mukhang kilala nito ang lalaking kasama. “Magandang gabi, Doc, Ma’am,” masiglang bati ng guard sa kanila. “Magandang gabi, Kuya Dino,” nakangiti ring bati ng doctor na kasama niya habang siya ay isang matamis na ngiti ang sinukli sa pagbati nito. “What do you want?” tanong nito sa kanya nang makalapit sila sa harapan. Agad nangningning ang mga mata ni Aljane noong makita ang mga naka-display na cake sa salamin na estante pero kasabay no'n ang paglunok niya nang makita ang presyo. Grabe naman ang mamahal, tapos isang slice lang. “May napili ka na ba?” Napapitlag si Aljane sa tanong na ‘yon at nahigit niya ang kanyang hininga. Pakiramdam niya kasi ay ang lapit-lapit nito sa kanya. Na para bang kapag lumingon siya ay may mga parte ng mukha nila ang magtatama. Tumikhim siya para alisin ang tila bara sa kanyang lalamunan at malalim siyang napabuntung-hininga nang maramdaman niya ang paglayo nito kaya agad-agad siyang umayos ng tayo. “U-uuwi na lang ako. Sa-salamat na lang sa treat,” nautal pa siya kaya halos batukan niya ang sarili. “Take out mo na lang kung talagang nagmamadali ka, sana huwag mo ng tanggihan, Nurse Aljane. Pa-welcome ko sa ‘yo,” pagpupumilit nito kaya sino ba siya para tumanggi kaya naman pumili na siya at baka magbago pa isip nito. Nakakatakam pa man din ang cheesecake at mukhang masarap talaga. Nang sabihan siya nito na maupo muna ay walang salita niya itong sinunod. Nakakita siya ng pwesto sa may bandang dulo. Nang makaupo siya ay bumalik ang tingin niya sa doctor. Hindi pa rin siya makapaniwala na ililibre siya nito. Nasisiguro niya na hindi ito basta-basta na doctor lang sa hospital kaya naman kinuha niya ang cellphone saka niya sinubukan na i-type sa góogle ang ibinigay nitong pangalan. “Mabuti na lang at tumanggi ako na i-treat siya kundi, wasak ang bulsa ko,” bulong niya sa sarili habang nagtitipa sa kanyang cellphone. “Dr. Desmond Ocampo.” Nanlaki ang mga mata niya nang sunod-sunod na article ang lumabas. Pinindot niya ang isang article kung saan ang title ay ‘All about Dr. Desmond Ocampo’. Habang binabasa niya gamit ang mga mata ang tungkol sa lalaki ay hindi niya maiwasan panliitan. Hindi pala basta-basta ang lalaking kasama tapos ang lakas ng loob niyang tarayan ito. Hindi naman niya kasi akalain na ganito kataas ang katungkulan nito sa ospital tapos magaling at mayaman pa. “Are you stalking me now?” Napapitlag si Aljane nang marinig ang boses nito na may halong panunudyo at nanggagaling sa likuran niya, tumama pa nga ang mainit nitong hininga sa kanyang balat. Mabilis niyang isinara ang cellphone saka tumikhim. Nang tingnan niya ang lamesa ay may nakalapag ng dalawang paper bag saka niya naramdaman ang pagtayo nito sa gilid niya. “Are you satisfied with what you read?” “Tapos na po ba? Uuwi na apo ako,” magalang na tugon ni Aljane at bahagya pang yumuko. Bigla siyang nahiya. “I like how you acted before, don't mind what you just discover about me. I want you to be my friend,” bakas ang sinsero sa boses ni Dr.Desmond kaya naman napaangat ng tingin si Aljane rito. Seryoso ang mukha nito habang ang mga kamay ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon at ang mga mata ay nakatitig sa mga paper bag. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kakaiba para dito. “Iyong kagwapuhan ko na lang ang isipin mo.” Sabay tingin sa kanya na may ngisi pa kaya naman hindi niya napigilan na hampasin ito sa may bandang tiyan na ikinatawa lang naman nito. “Nakakainis ka, akala ko pa man din seryoso ka na tapos, ewan ko sa ‘yo.” Tumayo si Aljane saka sinilip ang laman ng paper bag, pareho lang naman ang laman pero ang isa ay tatlong hiwa ng cheesecake ang laman. “Thank you sa treat, Doc. Next time, ako naman at dahil nilibre mo ako, sige friends na tayo.” Akma niyang kukunin ang paper bag na may isang slice ng cheesecake nang unahan siya nito. “Sa akin ‘yan at iyong isa ang sa iyo,” wika niya na ikinabalik ng tingin niya rito. “Pero tatlong slice ‘yon—” “Yup. Mukha kasing kulang pa sa ‘yo ang isang slice.” Sinamaan niya ito ng tingin na sinuklian naman nito ng pagkindat. “Dr. Ocampo.” Sabay silang napatingin sa tumawag sa doctor. “Nandito ka rin pala Nurse Aljane at mukhang nagkakasiyahan kayo.” Matiim ang titig na ibinigay ni Dr. Dominic kay Aljane bago inilipat kay Dr. Ocampo. “Dr. Salazar,” bati naman agad ni Dr. Ocampo rito. “I treat our new nurse pa-welcome ba.” Tumaas ang kilay ni Dominic saka ibinalik ang tingin kay Aljane. “Off duty na ba kayo?” seryoso pa rin nitong tanong. “Opo,” sagot ni Aljane. “I'm on break,” tugon naman ni Dr. Ocampo saka humarap kay Aljane. “Nagmamadali ka, ‘di ba? Sabay na tayo lumabas.” Kinuha agad ni Aljane ang paper bag na naiwan sa lamesa. “ Mauna na kami Dr. Salazar.” Nagulat si Aljane nang hawakan siya sa baywang ni Dr. Ocampo at iginiya na palabas. Dahil sa gulat ay hindi na niya ito napigilan at hinayaan na lang pero hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang matalim na tingin ni Dr. Salazar. Nakahinga lang nang maluwag si Aljane nang tuluyan sila makalabas ng coffee shop at binitawan na rin siya ni Dr. Ocampo. “Salamat, Doc.” “Call me Desmond, nasa labas naman tayo saka friends na tayo, ‘di ba?” Natawa na lang si Aljane sa tinuran nito dahil parang nagpapacute pa sa kanya. “Oo, na. Mauna na ako at baka ma-late ka na rin. Salamat ulit dito.” Itinaas niya pa ang hawak na paper bag. “Hatid na kaya kita.” “Hindi na. Diyan lang ako sa malapit kaya kering-keri ko na. Sige po, salamat ulit.” Nang ngitian at tanguan siya nito ay tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad pero hindi niya napigilan na sumulyap sa loob ng coffee shop at dahil glass wall ang nakapalibot ay kitang-kita ang loob no'n. At nagsalubong ang tingin nila ni Dr. Salazar, pero bakit parang galit ito kung makatingin sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD