TAMIE “Oh, God!” Bigla niya akong pinaalis sa kandungan ko. “Go to sleep, Tamielina. Baka kung ano pa ang magawa ko sa ‘yo,” pagtataboy niya sa akin pero ramdam ko sa boses niya ang paghihirap. Kahit naguguluhan ay pumanhik na ako sa hagdan at tinungo ang silid. Humiga ako sa kama at pinikit ang mga mata ko. Sa pagpikit ko ay kaagad na nag-reflect ang mukha ni Kuya Rhann sa isipan ko. Kung dati ay dinidilat ko kaagad ang mata ko sa tuwing susulpot siya sa isip ko, ngayon ay nakangiting nanatiling nakapikit pa rin ako at ninanamnam ang tamis ng ngiti niya. Nangungusap ang kanyang mata na parang may ibig sabihin ang mga titig niyang iyon. Hindi naman ako nahirapan makatulog ulit. Sa katunayan ay masigla at masaya ang gising ko ng umaga. Pagkatapos ni Tristan magbihis ay bumaba na ito at

