RHANNDALE SAINT Pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa salamin. Kitang-kita ko ang marka sa likod na iniwan sa akin ng mga lalaking iyon. At sa tuwing nakikita ko ito ay bumabalik sa alaala ko ang mga hirap ko habang nagpapagaling. At dahil sa ginawa nila ay hindi ko napuntahan ang mahalagang araw sa buhay ng babaeng pinakaimportante sa buhay ko na hanggang ngayon ay hindi ko magawang harapin… Unti-unti kong minulat ang mata ko. Nanlalabo ito kaya kumurap-kurap ako. Nang luminaw ang paningin ko ay tumambad sa harap ko ang puting kisame. Nilibot ko ang tingin sa loob, walang tao. Bumangon ako ngunit napadaing ako ng maramdaman ko ang kirot sa katawan ko— partikular sa likod ko. Ininda ko ang sakit at umalis ako sa kama. Naglakad ako patungo sa pintuan ngunit natumba ako. Hinang-hina a

