TAMIE “Tamie, hijo, nagtimpla ako ng juice para sa inyo.” Pinatong ni Manang Susan ang baso na may lamang juice sa glass table. “Tikman mo rin ito, hijo na gawa kong cupcakes. Masarap iyan,” baling nito kay Prince. “Maraming salamat po,” magalang na sabi ni Prince. “O, pa'no, iwan ko na kayong dalawa.” Tumikhim si Prince ng kami na lang ang naiwan na dalawa sa sala, parang paraan niya ito para agawin ang atensyon ko. “I'm sorry, Tam kung puntahan kita ng walang pasabi. Palagi mo kasi akong iniiwasan at wala na tayong communication sa social media. Mas makakausap kasi kita ng maayos kapag sinadya kita rito.” Bumuntong-hininga ako. Nararamdaman ko naman ang sinseridad sa boses niya pero hindi n'ya na ako dapat puntahan dito. Isa pa, hindi ba s'ya natatakot kay Kuya Rhann? Unang pa

