TAMIE “Bakit ka ba ganyan sa ‘kin, Kuya Rhann? May tamang pag-iisip na ako kaya alam ko na kung ano ang tama at mali. Bakit ang higpit-higpit mo sa ‘kin? Bakit hindi ko pwede gawin ang gusto ko? Bakit kailangan naka-report palagi sa ‘yo ang lahat ng gagawin ko?” Tinigil niya ang daliri sa pagpasada sa labi ko at walang emosyon akong tinitigan. Kailangan ko maglabas ng hinaing ko at hindi ako basta tatahimik lang. “Wala naman akong gagawing mali na hindi mo magugustuhan dahil tinanim ko na sa isip ko na baka magalit ka. Ayoko magalit ka, Kuya Rhann pero wala pa nga akong ginagawa ay galit ka na.” “Ang hindi mo pag-paalam sa ‘kin, hindi ba mali iyon? You don't want to make me angry but why do you do things that you know I won't like?” “Sandali lang naman kasi ako. At saka nakabantay nam

