TAMIE Bumuntong-hininga ako at nagmulat ng mata. Ilang oras na yata akong gising na gising pa rin ang diwa. Hindi ako makatulog, siguro dahil ay namamahay ako. Ilang segundo rin akong tulala habang nakatingin sa kisame. Mayamaya lang ay inis na tinanggal ko ang kumot sa katawan ko. Paano ba ako makakatulog nito? Gumawi ang tingin ko sa ibaba ng kama. Iniisip ko kung tulog na si Kuya Rhann, tahimik na kasi ito. Wala naman akong naririnig na hilik nito. Silipin ko kaya? Anong oras na ba? Kinuha ko ang phone sa taas ng aking ulo at tiningnan ang oras. Alas dyes pa lang pala ng gabi. Mayamaya lang ay pasimple ko siyang sinilip. Tumulis ang nguso ko dahil tulog na ito. Mabuti pa ang lalaking ito, tulog na, samantalang ako ay halos hindi na alam ang gagawin para lang makatulog. Mabuti n

