Nagpasalamat ako Lord at mahinahon tinanggap ni MOnet ang lahat. Hanga talaga ako sa asawa ko yun ang dali nyang tumanggap ng sitwasyon at makuha ang result na mahinahon kaya pala talaga siya ang pinaka sought after na abogado sa lugar namin. Napapanalo niya ang pinaka mabigat na kaso palagi at yun someimes ang naging alalahanin ko dahil baka pag-initan siya ng mga taong naungusan niya sa korte eh wala pa naman sinasanto. Matagal akong nakatulog sa kakaplano. Hihintayin ko na lalapit sa akin si Caressa tsaka ko ibigay ang gusto niyang mangyari. Kailangan ko makasiguro na hindi ako pagpeperahan ni Caressa gamit ang bata. Pwede ko din naman kunin ito sa kanya kunin ang custody pero alam ko na yun ang pinaka ayaw niya tuso din yun babaeng yun kung sa akin na ang bata wala na siyang makukuha

