Kabanata 3

1326 Words
“I promised to your parents before na I will take care of you Vis. Gagabayan kita hanggang sa kaya mo na." nakangiting sambit ni Sapphire. “I’ll need you forever, Sapphire. Ikaw nalang ang pamilyang meron ako.” sambit ni Viserra. Ngumiti naman si Sapphire at niyakap ang nakakabatang kapatid. “Hindi kita iiwan, Vis.” sambit ni Sapphire. “As you should, you're a Marlowe, ate.” sambit ni Viserra. Gulat na napatingin si Sapphire kay Viserra. “Paano mo nalaman?" nanlalaki ang mata ni Sapphire na dumungaw kay Viserra, natawa naman si Viserra sa mukha ni Sapphire. “You look funny ate, narinig ko si mom and dad before, kaya alam ko.” sagot ni Viserra, tumango naman si Sapphire. “This is our parent’s last day of burial. Are you ready, Vis?” malambing na tanong ni Sapphire sa kapatid. “Yes ate, I am.” sambit ni Viserra, tumango si Sapphire at dinala ang kapatid sa upuan, kumuha ng pagkain ni Sapphire at nag salo silang dalawang mag kapatid. “Masarap ba?” tanong ni Sapphire sa kapatid, hindi ito sanay kumain ng philippine cuisine kaya tinanong niya ito, lalo na maarte ito sa pagkain. “Yes, masarap. Sinong nag luto?" tanong ni Viserra habang tuloy tuloy ang pag subo ng pagkain. “Niluto ko kanina habang tulog ka.” sambit ni Sapphire, nakangangang tumingin si Viserra sa ate niya. “What? marunong ako mag luto.” natatawang sambit ni Sapphire. “Hindi halata.” sambit ni Viserra at tinuloy ang pagkain. “Insulto ba ’yan?” natatawang tanong ni Sapphire, umiling naman si Viserra. “Saan ka natuto mag luto ate?” tanong ni Viserra pagkatapos nilang kumain. “Nag ta-trabaho ako noon sa isang kainan, sa pilipinas. Dahil kailangan ko ng pera pang tustos sa pag aaral ko, kailangan ko mag trabaho, doon ako natuto mag luto, tubong kapampangan ako, kaya nakuha ko ang galing sa pag luluto ng may ari ng kainan na pinag ta-trabauhan ko.” kwento ni Sapphire. “Mga tao sa pampanga ba, magagaling mag luto?” kuryosong tanong ni Viserra. “Not all, pero ’yung mga purong kapampangan talaga, asahan mo na masasarap mag luto, we have this tagline na ‘basta kapampangan manyaman' means basta kapampangan masarap, masarap mag luto, hindi ka mag sisisi.” nakangiting sambit ni Sapphire habang kinu kwento sa kapatid ang buhay niya sa pinas. “Mahirap ba ang naging buhay mo sa pilipinas?" tanong ni Viserra at yumakap kay Sapphire. “Mahirap, isang kahit isang tuka kami Vis. Hindi kami makaka kain kung hindi ako mag ta-trabaho, may sakit ang inay noon, habang ang itay ay puro sugal at inom ang alam sa buhay, kaya habang nag aaral ako nag ta-trabaho ako, hanggang sa hindi ko na nakaya, tumigil ako sa pag aaral at pinasukan ko lahat ng trabahong pwede ko pasukan.” sambit ni Sapphire habang hinahaplos ang buhok ni Viserra. “How did mom and dad found you?” nagtatakhang tanong ni Viserra. “Nasa pilipinas sila noon para bumili ng lupa na patatayuan nila ng bahay, nakita nila akong pagala gala sa daan, noong mga pahahon na ’yon, kaka libing palang ng magulang ko, sinaksak ni inay ang itay dahil sinasaktan ako nito dahil wala akong maibigay na pera dahil pinambili ko na ng gamot ng inay, at pagkain. Napuno ang inay, kumuha ng kutsilyo at sinaksak sa puso ang itay, inatake ang inay sa puso, hindi ko na sila nadala ng hospital. Buti tinulungan ako ng mga kapit bahay, binenta ko ang bahay namin, sakto sa halagang babayaran sa morgue noon.” sambit ni Sapphire, at ngumiti nang mapait nang balikan ang napag daanan niya. “I feel bad that you experienced all that alone.” malungkot na sambit ni Viserra. “No need to feel bad Vis, it made me strong. Those things that happened it the past made me realized that, I am now strong.” ngumiti si Sapphire at pinanggigilan ang kapatid. Kinabukasan ay libing na ng mag asawang Marlowe, nasa tabi niya si Viserra na tahimik na lumuluha. Sa isang linggong burol ng mga magulang nila, ni hindi nakita ni Sapphire na tumangis si Viserra, ngayon lang. Niyakap ni Sapphire ang kapatid habang hinihintay nilang matapos ang misa bago nila ihatid sa sementeryo ang mga magulang nila. Matapos ang misa, pinili nilang sumakay sa sasakyan kasunod ng sasakyan ng mga magulang nila. Patuloy ang pag iyak ng dalawang Marlowe sa loob ng sasakyan, iilan lang din ang sumama sa pag libing dahil sinikreto nila ang pagkamatay ng dalawang Marlowe. Pagkarating sa sementeryo, bumaba na si Viserra at Sapphire sa sasakyan, nag lakad sila patungo kung saan ililibing ang katawan ng mag asawang Marlowe. Nag salita ang pari at binasbasan nito ang dalawang kabaong, may hawak na tag sampung puting rosas si Viserra at Sapphire. Isa isa nilang tinapon ang mga rosas sa dalawang kabaong, pagkatapos nito ay, umupo na silang dalawa dahil hindi na nila kinaya ang bigat na nararamdaman nila. “Ate” hagulgol ni Viserra at yumakap ng mahigpit jay Sapphire. “Vis, hindi natin iiwan ang isa’t isa.” bulong ni Sapphire at yumakap pabalik sa kapatid. Pinanood nilang tabunan ang kabaong hanggang sa matapos ito, at maubos ang mga taong dumalo sa libing. “Dito muna tayo, masyadong malungkot sa mansyon.” sambit ni Sapphire, tumango at sumangayon si Viserra sa sinabi ng ate niya. “I don't want to remember mom and dad's lifeless body.” naiiyak na sambit ni Viserra. “Naiintindihan ko Vis, gusto mo bang ibenta ang mansyon?” tanong ni Sapphire sa kapatid. “Yes ate, and lumipat tayo sa maliit lang na bahay, ayoko sa malaki please.” pakiusap ni Viserra. “We will okay? kaya natin ito.” sambit ni Sapphire. Ilang oras pa silang tumigil doon at nag kwentuhan, habang kinakausap nila ang mga magulang nila. May naka handa nang lilipatan dahil maaga pa ginawa na ito ni Sapphire dahil alam niyang ipapa benta ni Viserra ang mansyon. “Gusto ko man huwag ibenta ang mansyon, pero habang buhay kong makikita ang trahedya na iyon.” sambit ni Viserra pagkapasok sa bahay na nilipatan nila, malapit ito sa kumpanya at iskwelahang balak pasukan ni Viserra. “Ako rin, malulungkot lang ako lalo.” sagot ni Sapphire. “Tinabunan ng trahedya ang mga masasayang alaala ko sa mansyon na iyon.” naiiling na sambit ni Viserra. “May mansyon o wala Vis, mananatili sa puso mo ang mga alaala nila mom and dad, walang mag babago, walang mawawala.” sambit ni Sapphire, ngumiti si Viserra at tumango. “You're right ate.” sagot ni Viserra at nag ikot ikot sa bahay. “This is enough for us, ayoko rin ng malaking bahay dahil masyadong malungkot.” sambit ni Sapphire. “Ako rin ate, tsaka this is perfect malapit sa kumpanya at school na papasukan ko.” sambit ni Viserra. “Yes, kaya ito ang pinili ko dahil alam kong magugustuhan mo ito.” nakangising sagot ni Sapphire sa kapatid. “Thank you ate, Sapp.” masuyong sambit ni Viserra at tumungo sa ate at yumakap.” “Tayong dalawa nalang Vis, pero pangako ko sa'yong aalagaan kita, sa abot ng aking makakaya.” bulong ni Sapphire sa kapatid. “Mahalin natin ang isa’t isa ate.” nakangiting sambit ni Viserra. “Smile often, I love seeing your smile, it makes your eyes sparkle.” sambit ni Sapphire, lumapad naman ang ngiti ni Viserra. “This?” nakangiting sambit ni Viserra. “Yes yes, that smile is my everything sister." sambit ni Sapphire at pinisil ang ilong ni Viserra. “Ate naman” kunwaring galit na sambit ni Viserra kaya natawa si Sapphire. “I’ll cook, what do you want, Vis?” tanong ni Sapphire sa kapatid. “Gusto ko ng kaldereta ate” sagot ni Viserra, tumango si Sapphire at sabay silang nag tungo sa kusina para mag luto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD