Late na nakauwi ang magka sintahan galing sa bahay ampunan kagabi kaya masarap ang tulog ni Deimos sa tabi ni Viserra, napag desisyunan ni Viserra na tumayo at kunin ang baril sa ilalim ng kama. “Sinwerte ka lang kahapon ng umaga, Dame. Ngayon hindi na.” bulong ni Viserra, hindi pa man niya na kakalabit ang gatilyo, naramdaman na naman niya ang pag baligtad ng sikmura niya. Itinago ni Viserra ang baril at tumakbo sa banyo at doon nag suka. Ilang minuto siyang nasa banyo. “f**k, this is not good" sambit ni Viserra at kinuha ang mga importanteng dokumento niya. Wala siyang itinira lahat kinuha niya at nag palit siya ng damit, pinag masdan niya sa huling pagkakataon si Deimos at ngumisi. “Swerte mo, sa susunod hindi kana magiging swerte.” sambit ni Viserra at lumabas ng kwarto, ginami

