Chapter 8: Rose Dawson

1344 Words
"Napaka sarap ng agahan natin!" natutuwang sambit ni Lucent habang naglalakad sa pasilyo, "Pero bakit kaunti lang ang kinain mo?" tanong nito kay Rose. "Hindi ako nasanay sa ganoong klase ng pagkain sa barko, mas nasanay ako sa mga inihahain sa itaas." "Eh pang-mayaman ang nasa itaas." "Nasubokan ko nang mamalagi sa pang-maharlika na bahagi ng barko." "T-Talaga?" Natatawang tumango si Rose dahil talagang namangha si Lucent sa narinig. Marahan silang naglalakad, naroon parin ang mga tanong sa tingin ni Lucent. "Mataas pala ang antas ng pamumuhay mo? eh bakit nandito ka sa ibabang bahagi ng barko?" "Dahil noon lang 'yon, iba na ang buhay ko ngayon." "Ano-anong mga eleganteng barko pa ba ang nasakyan mo dati?" "Ang Titanic." Hindi agad nakapagsalita si Lucent, dahilan upang mapangiti si Rose at mag-iwas ng tingin. Alam nyang hindi makapaniwala si Lucent sa narinig, maging sya rin naman ay hindi makapaniwalang buhay pa sya hanggang ngayon. "N-Nakakabilib, nakaligtas ka?" naroon parin ang pagkamangha sa mga mata ni Lucent. "Dahil may lalaking tumulong at nagligtas sa akin." nakangiting sagot ni Rose. "Sino naman ang matipunong lalaki na 'yan?" nanunukso ang tinig ni Lucent. "Ang nagmamay-ari ng apilyido ko, Dawson." "Kung gano'n ay sya ang iyong asawa?" "Sana... kung hindi lang sya namatay sa trahedya." Muling nagpatuloy sa paglalakad si Rose, naiwang tulala si Lucent, hindi muling makapaniwala sa narinig. Sa isip nya ay napakagulo ng buhay ni Rose, at napakalungkot. Iniisip nyang dahil sa mga nangyari sa dalaga kaya ito palaging tulala. Nakaramdam sya ng awa ngunit hindi na muling nagsalita, sumunod na lamang sya kay Rose. "Pupunta muna ako sa itaas na bahagi ng barko." paalam ni Rose kay Lucent. "Sige, mauna na ako sa kwarto." "Sige." Nagpatuloy sa paglalakad si Rose, tsaka inakyat ang hagdan. Nang marating nya ang pinaka-itaas ay sinalubong sya ng sariwang hangin at amoy ng karagatan. Napangiti sya habang saglit na pumikit, idinilat nya ang mata at tumingin sa paligid. Gayang-gaya nito ang disenyo ng Titanic, may mga upoan rin doon, at mukhang mas maraming tao ang nakasakay sa barkong ito kumpara sa naunang Titanic. Marahan syang naglakad hanggang sa marating ang barikada ng barko kung saan walang gaanong tao. Itinuon nya ang mga braso doon tsaka hinayaan ang tanawin na pagaanin ang loob nya. Napapangiti sya sa tuwing makikita kung gaano kapayapa ang tubig, masakit sa balat ang init dahil malapit nang mag-tanghali, ngunit hindi nya iyon alintana. Napapalingon sya sa mga batang maya't-mayang nagtatakbuhan sa likuran nya. Naupo sya sa upoan na hindi kalayuan sa tinayuan nya kanina. Tsaka sya prenteng naupo roon, patuloy paring pinapanood ang mga pasahero na masayang nagkukwentuhan kasama ang mga kaibigan. "Rose?" Naiangat nya ang tingin nang may kung sino ang nagbanggit ng pangalan nya. Tsaka sya marahang napatayo sa hindi inaasahang makita. Tumitig muna sya dito tsaka unti-unting napangiti, napaka-mapaglaro nga naman ng mundo, ang taong gumawa ng naunang Titanic ay narito ngayon sa ikalawang bersiyon nito. "M-Mr. Andrews? p-paanong....?" "Masaya akong natupad nga ang hiling ko noon na makaligtas ka, masaya rin akong malaman na muli kang narito." Nakangiti si Mr. Andrews kay Rose habang makikita ang pagka-galak sa mga mata nito. Si Mr. Andrews ang arkitekto ng barkong Titanic, huli itong nakita ni Rose sa harap ng orasan, hinihintay ang mga nalalabing oras ng barko bago ito lumubog, hindi sya makapaniwalang malikita nyo ulit ito makalipas ang dalawang taon. "Masaya akong malaman na nakaligtas kayo, Mr. Andrews." titig na titig si Rose sa Ginoo. "Siguro ay ako ang arkitekto kaya alam ko ang pasikot-sikot ng barko at kung paano ililigtas ang sarili ko." nakangiti at seryosong saad ni Mr. Andrews. "At narito ulit tayo sa panibagong Titanic, hindi alintana ang bangungot na iniwan sa atin nang nakaraan, hindi ako makapaniwala..." "Maging ako... Ngunit siguro ay kailangan kong itama ang ano mang pagkakamali ko noon, ito na ang pinaka-mapayapang paglalayag ng isang barko na mararanasan mo, dahil magaling ang kapitan na nakuha ko." Kumindat si Mr. Andrews tsaka inayos ang suot at sumbrero, "Dito mo ituloy ang lahat ng nasimulan mo." sambit nito tsaka naglakad palayo. Tahimik na napangiti si Rose, hindi nya inaasahan na buhay ang napakabait na si Mr. Andrews, noon pa man ay hanga na sya sa pagiging propesyonal nito. Nailinga nya ang paningin sa paligid. Hindi nya alam kung saan hahanapin si Jack, ni hindi nya alam kung saan magsisimula. Muli syang tumayo at naglakad papunta sa dulong unahan ng barko. Mas malakas ang hangin doon at talagang masarap sa pakiramdam. Tiningnan nya ang asul na tubig dagat, napakaganda niyon, ngunit kasabay ng pagkamangha ay ang kakaibang kirot sa puso nya, sa dagat nya huling nakitang buhay si Jack. Tiningnan nya ang bilis ng takbo ng barko, katamtaman nalang iyon. Natutuwa syang isipin na mukhang hindi na ang pagsulpot sa headline ng mga dyaryo ang nais makamit ng sino mang kapitan ng barko, mukhang ang kaligtasan na ng sino mang mga sakay nito. Napangiti si Rose sa lahat ng magagandang ala-ala na nangyari sa kanya sa loob ng limang araw sa barko. "Magaling ang kapitan na nakuha ko." Muling pumasok sa isip nya ang sinabi ni Mr. Andrews. Napatango nalang sya at nagtiwala, mukhang magaling nga ang kapitan, wala syang dapat ikabahala. Huminga sya ng malalim at muling sinalubong ang lakas ng simoy ng hangin. "Nagkita ulit tayo." Nandoon na naman ang pamilyar na tinig ng kung sino. Nang lingonin nya iyon ay nakita nyang naglalakad papalapit sa kanya si Jacob. Nasa dagat ang paningin nito, nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa habang naniningkit ang mga mata dahil sa liwanag ng araw. "Mag-isa ka na naman, nasaan ang kaibigan mo?" "Nasa ibaba." "Mukhang sanay ka nang mag-isa." Hindi sumagot si Rose at nanatiling nasa tanawin nalang ang paningin nya. Sinikap nyang hindi mailang nang maramdamang nasa kanya ang paningin ni Jacob. Nameke sya ng ubo tsaka mas iniwas ang tingin. "Ano bang nababawas sayo kapag nagsasalita ka?" narinig nyang tanong ni Jacob. "Anong klaseng tanong yan?" "Ang tipid mo naman kaseng magsalita." "Hindi kita lubosang kilala, ngunit kung makipag-usap ka sa akin ay parang kaibigan lang kita, bastos ka." "Ha! hahaha, kung tutuosin ay ako ang mas mataas sa ating dalawa, at hindi mo ako kinakausap kaya bastos ka rin, Miss." "Ano?" kumunot ang noo ni Rose. Sa isip ay tinatanong nya ang sarili kung narinig nya na ba ang ganitong diskusyon dati? "Pareho lang naman tayong bastos dito, hindi lang ako." "Kung ganoon ay umalis ka sa tabi ko, magbabastosan lang tayong dalawa." "Hahahaha may magandang naidulot rin naman ang pagtabi ko sayo, naiguhit kita, tingnan mo." Marahan pang tumingin si Rose sa hawak na papel nang binata. Doon ay nakita nya ang magandang pagkakaguhit sa kanya, nakatagilid ang mukha nya sa iginuhit na iyon ng lalaki, habang gayang-gaya rin ang pagkakatali ng buhok nya. Nakaramdam sya ng kakaiba, bigla ay napakaraming tanong ang pumasok sa isip nya, ang painting sa bahay ng pinsan ni Ruth Dewitt Bukater. "Magaling ka." tipid na papuri ni Rose, "Ano ang buo mong pangalan?" "Jacob Dalton, ikaw?" Napakurap sya sa narinig, ang JD na iyon na nakasulat sa ibaba ng painting ay nangangahulogang Jacob Dalton? sa isip nya ay imposible, paano nya napasok sa isip ni Jacob ang eksaktong pangyayari na iyon, sila lamang ni Jack ang tao noong nasa pinakadulo sila ng barko. "Kabastosan rin ang hindi pagsagot sa tanong." nakangisi pang sabi ni Jacob habang nakay Rose ang tingin. "Rose... Dawson." Pansin nyang natigilan si Jacob, kung ano man ang dahilan ay gusto nyang alamin ngunit ayaw nyang magtanong. Nag-iwas sya ng tingin dito bagaman nasa kanya parin ang tingin ng binata. Hindi ito makapaniwala at para bang ipino-proseso pa nito sa utak ang narinig. "Rose D-Dawson..." "Mukhang nabigla ka?" "Ang narinig ko kaseng pangalan mo ay... Rose Dewitt Bukater." sagot nito habang nakangiti na, "Wohoo! exciting 'to haha!" sigaw nito tsaka natigil sa pagtawa nang tingnan sya ni Rose. Hindi na lamang iyon pinansin ni Rose, muli syang nag-iwas ng tingin. Ngunit napangiti sya sa tuwing binabanggit nya sa isip ang pangalan nya. Rose Dawson... ______ ©The Movie 'TITANIC'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD