It's already 2 years since that tragedy happened...
"Dawson?"
Nahilot ng dalaga ang sintido habang laman parin ng kanyang isip ang nangyaring trahedya. dalawang taon na ang nakalilipas simula nang mangyari iyon, ngunit sariwa parin ang ala-ala non sa kanya. Halos hindi s'ya makatulog gabi-gabi, bangungot ang dulot niyon sa kanya. Ramdam nya parin ang lamig ng gabing nangyari iyon.
"Rose Dawson?"
Nilingon n'ya ang punong sastre nang tawagin s'ya nito. Tsaka s'ya pilit na ngumiti at nagpatuloy sa pag aayos ng mga tela, iniha-hanay n'ya ang mga tela depende sa uri nito.
"Ayos ka lang ba? mukhang hindi mabuti ang iyong pakiramdam?" tanong ng punong sastre.
Sa isip ni Rose ay gusto n'yang sabihing simula noong mangyari ang pinaka-malaking trahedya na naganap sa buong buhay n'ya ay hindi na kailanman bumuti ang kanyang lagay. Ngunit hindi n'ya iyon pwedeng isatinig sapagkat kailangan n'yang magtrabaho.
"Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, ngunit ayos lamang ako." sagot n'ya tsaka ngumiti.
"Sigurado ka?" paniniguro ng sastre, hindi na s'ya nagsalita, pagtango nalang ang naisagot n'ya.
Nang maglakad na palayo ang punong sastre ay tsaka s'ya nagpakawala ng malalim na hininga. Itinuloy na lamang n'ya ang ginagawa. Nakakatawang isipin na namumuhay s'ya sa uri ng buhay na dati ay pinapangarap n'ya lang. Napangiti s'ya sa naisip.
Tama, pinangarap n'ya ang maging mahirap, ang mapabilang sa third class. Nagsimula n'yang pangarapin iyon nang makilala n'ya si Jack. Noon palang ay napagtanto na n'ya, aanhin nga ba naman n'ya ang kayamanan kung hindi naman s'ya masaya? kung puro kalungkotan lang ang dala ng buhay na iyon sa kan'ya, na halos ang buo n'yang pamilya ay nasa pera at yaman ang atensyon. Hindi tulad ng mga estranghero na namamalagi sa ibabang bahagi ng barko noong mga panahong iyon, lahat sila ay masaya, wala mang salapi sa bulsa ngunit nagagawang umindak at tumawa na para bang walang naghihintay na problema sa kanila.
Naisip n'ya si Jack. Siguro ay kung nabubuhay pa ito ay masaya nilang nilalaro ang mga magiging anak sana nila. Laman ng kan'yang imahinasyon ang lahat ng mga bagay na pinangarap n'yang gawin kasama si Jack. Malungkot mang isipin na sa imahinasyon na lamang n'ya nabubuhay ang lalaking pinakamamahal n'ya, ngunit hindi parin s'ya pinanghinaan ng loob, kailangan n'yang mabuhay dahil iyon ang pangako n'ya.
"Rose..." nilingon n'ya ang likuran nang marinig n'ya ang boses ng Ina.
"M-Mama."
"Ayos ka lang ba?"
"Ayos lamang ako, wala kayong dapat ipag-alala."
Ngumiti si Ruth Dewitt Bukater, pilit na inaaral ang mata ng anak. Alam n'ya kung kailan ito nagsisinungaling at kailan hindi, s'ya ang Ina kaya ramdam n'ya ang anak. Maging s'ya ay hindi parin makalimutan ang trahedya, kaya batid n'yang iyon ang dahilan kung bakit tulala ang anak, araw-araw itong hindi makausap ng maayos, minsan lamang tumawa.
"Kasalanan ko... kung bakit ka nagkakaganyan, patawarin mo ako, Rose." ang sana'y laman lamang ng kan'yang isip ay naisatinig n'ya.
Namasa ang asul na mga mata ni Rose habang nasa Ina ang tingin. Hindi n'ya inakalang lalabas iyon sa bibig ng Ina. Hindi n'ya kailanman naisip na hihingi ito ng tawad, lalo pa't alam n'ya ang ugali ng Ina. Hindi s'ya nagsalita, niyakap lamang n'ya ang Ina.
Mahina na ang katawan nito, isa rin itong sastre. Ang dating Doña ay nakaupo na ngayon sa matigas na upoan at tinitiis ang sakit ng kamay sa pagtatahi. Naaawa s'ya sa kalagayan ng Ina, kaya kahit wala s'yang alam sa pananahi ay nagpumilit s'yang magtrabaho, pinalad naman s'yang makatulong sa mga ito.
"A-Ayos lang ako..."
"Kung hindi lamang sana kita itinali kay Caledon at magpunta dito sa Amerika para sa inyong kasal ay baka maayos pa ang lahat..."
Niyakap na lamang n'ya ang Ina. Pinilit n'yang hindi maluha dahil sa bangungot na iyon, ngunit hindi n'ya kailanman pinagsisihan na sumakay sa barkong iyon. Ang Titanic ang naging daan para sa kanila ni Jack. At alam n'yang kahit pa hindi mangyari ang trahedyang iyon ay hindi parin s'ya maikakasal kay Caledon, dahil sasama s'ya kay Jack gaya ng dati n'ya pang plano. Walang sino man ang may kasalanan sa nangyari.
Pagkatapos magtrabaho ay naglakad na ang mag-ina upang umuwi. Takip silim na, at iyon ang pinakahihintay ni Rose. Naalala n'ya kung sino ang kasama sa huling takip silim n'ya sa Titanic, walang iba kundi si Jack.
"Mauna na kayo, Ma. May pupuntahan lang ako." paalam n'ya sa Ina.
Numiti si Ruth sa anak, tsaka nagtuloy sa pagpasok sa kanilang munting tahanan. Nagsimulang maglakad si Rose papunta sa pinakamataas na burol, prente s'yang nakaupo sa madamong lupa doon habang tanaw ang buong lungsod ng Amerika. Naipikit naman ni Rose ang mata tsaka iminulat iyon ng may namumuong luha. Hanggang ngayon ay hindi n'ya parin matanggap na wala na ang pinakamamahal, nasa isip n'ya parin ang huling mga salitang sinabi nito.
"Makinig ka Rose, makaka-alis ka dito... mabubuhay ka pa... at magkakaroon ka ng maraming anak... makikita mo pa silang lumaki... mamamatay ka pang matandang-- matanda ka na, saka ka pa mamamatay... hindi dito... hindi sa gabing 'to... hindi sa ganitong paraan naiintindihan mo ba ako?"
"Ang pagkapanalo ko sa ticket na 'yon ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko... kase dahil don, nakilala kita..."
Napahawak s'ya sa dibdib ng may maramdamang kirot doon. Masyado paring masakit. Sa ilang araw na kasama n'ya si Jack ay labis n'ya itong minahal, na maging ang pangarap ng kanyang Ina ay binitawan n'ya para dito. Huminga s'ya ng malalim, tsaka nagtuloy sa pagluha. Pilit n'yang itinatatak sa isip na wala na si Jack, hindi na ito kailanman babalik, hindi n'ya na ito kailanman makikita, ni wala s'yang litrato ng binata. Ngunit may parte sa kan'yang puso na ramdam parin si Jack.
"Mahal na mahal kita." nasabi n'ya tsaka muling umiyak.
Hindi n'ya alam kung paano makakalimutan ang sakit. Kung paano mawawaglit ang ala-alang yon. Ang gusto nyang maiwan ay ang ala-ala lamang ni Jack, wala ng iba.
Kinuha n'ya ang dyamanteng kwintas mula sa blusang suot n'ya. Tsaka iyon tiningnan. Alam n'yang hinahanap ito ngayon ng lahat, dahil ito na ang pinakamahal na bagay na maaaring mahawakan ng tao. Ngunit kailaman ay hindi n'ya ninais na ibenta iyon upang magkaroon ng salapi, ni hindi ito alam ni Ruth na Ina n'ya. Nais n'ya itong bitawan balang araw, sa oras na matanggap n'ya na lahat.
Huminga muna s'ya ng malalim. Tsaka tumayo at tumanaw muli sa kalangitan na unti-unti nang dumidilim. Ngumiti s'ya tsaka yumuko.
"Kahit wala ka sa tabi ko... K-Kahit wala ka na... Patuloy parin kitang mamahalin Jack... Mamahalin parin kita..."
-----
©:The Movie 'TITANIC'