"Ayos ka lang ba?" tanong ni Ruth sa kanyang anak.
Nanatiling balisa si Rose. Hindi malaman kung paano magsasalita, nabigla sya sa nakita. Hindi nya inasahan ang presensya ng taong hindi nya rin inaasahang nakaligtas sa trahedyang 'yon. Tiningnan nya lang ang Ina, tsaka sya umiling. Bago pa man makaalis sa lugar na iyon ay muli nyang nilingon ang kumpolan ng mga estranghero nakikisali sa mga pustahan.
Buhay sya?
Ang tinutuloy nya ay ang kaibigan ni Jack. Ang kasama nitong lalaki sa barko, hindi sya makapaniwala. Gusto nyang puntahan ang lalaking iyon at tanongin kung paano sya nakaligtas. Ngunit hindi maaari, dahil mukhang puno na ng salapi ang bulsa nito, at sya naman ngayon ang wala maski isang dolyar sa bulsa.
May kung ano sa isip nya ang hindi matahimik, buhay si Fabrizio na hindi nya lubos inakala, Si Jack rin kaya?
Huminga sya ng malalim tsaka pumikit ng madiin, imposible ang iniisip nya dahil nakita nya mismo ang paglubog ni Jack sa tubig. Hindi namalayan ni Rose na naibaba nya ang suot na balabal sa ulo, dahilan upang lumantad ang mukha n'ya. Agad nya na sana iyong ibabalik ngunit huli na.
"Rose?"
Nanlamig sya sa kinatatayuan nang marinig ang boses na yon. Saka nya ito nilingon, doon nakangiti sa kanya si Fabrizio, sinisipat ang kabuoan nya. Nakangiti parin itong nagbalik ng tingin sa mukha nya, saka sya gumanti ng pilit na ngiti. Hindi parin sya makapaniwala.
"Masaya akong makita ka, n-nakaligtas ka." nasabi ni Rose habang may kung anong kaba syang nararamdaman.
"Masaya rin akong makita ka, ang totoo ay mahabang kwento kung paano ako nakaligtas." napapatangong sagot ni Fabrizio, nakangiti parin.
Maging si Fabrizio ay mukhang hindi inaasahan na makita si Rose. Ang ngiti nya ay napapalitan ng pagkatulala. Hindi nya inasahan na sa dami ng lugar sa Amerika ay makikita nya si Rose sa palengke ng kagaya nya noon, mahihirap na tao. Hindi nya maiwasang maisip na mukhang bumaliktad ang mundo nilang dalawa. At alam nyang ang mga tingin ni Rose ay may kahulogan, para bang may hinahanap ito ngunit ayaw sabihin ang pangalan, mata lamang nya ang gamit nya sa pangingilatis. Mukhang hindi parin nya nakakalimutan si Jack.
Malakas ang t***k ng puso ni Rose, may mali. Panay ang lingon nya sa paligid, para bang kanina pa may nagmamasid sa kanya mula sa malayo. Ngunit may kung ano rin sa kanya na maging sya ay hinahanap kung sino man iyon, kakaiba ang pakiramdam, para syang nasa isang laro na silang pareho ang taya. Napalunok sya saka isinuot ang balabal, muli nyang tiningnan si Fabrizio.
"Ganon ba?" utal paring tanong ni Rose.
Ngumiti at tumango si Fabrizio. Gusto nyang matawa sa sarili at sa taong alam nyang ramdam ni Rose ngayon. Kapag nagkakaroon ng tyempo ay nililingon nya ang pwesto kung saan nagtatago ang mga matang kanina pa nagmamasid kay Rose. Nais nyang batuhin ng isda ang nagmamay-ari ng mga matang iyon at sabihan ng inutil dahil hindi ito marunong magtago. Alam ni Fabrizio na kakaibang babae si Rose, malakas ang pakiramdam nito, kaya hindi na sya magtataka kung ramdam nito ang mga matang kanina pa nakatingin sa kanya.
"Saan ka nakatira? ihahatid na kita." presinta nya kay Rose, agad naman itong umiling.
"H-Hindi na, ayos lang ako, kasama ko si Mama." sagot ni Rose tsaka pilit na ngumiti.
Tanaw ni Fabrizio ang paglapit ni Ruth sa gawi nila ni Rose, kaya agad syang yumuko upang magbigay galang. Nagulat pa sya nang hawakan sya nito sa balikat, saka sya nag-angat ng tingin sa Ginang, nakangiti na ito sa kanya.
"Isa na lamang akong mananahi ngayon, hindi mo na kailangang yumuko sa akin." nagulat sya sa sinabi nito.
"Nais ko po itong gawin, bilang pag galang."
"Salamat."
Napatango sya tsaka ngumiti. Halata nga sa kanilang postura ang kinsadlakang buhay. Mukhang hindi na kagaya ng dati ang mag-ina. Ngunit hindi parin naman nawawala ang kapangyarihan sa itsura ng mag-ina, hindi kumupas ang ganda ni Rose, ganoon rin ang Ina nitong si Ruth.
"Namamalagi kayo rito sa probinsya ng Amerika? nakakamangha." nakangiti nyang tanong sa mag-Ina, natigilan pa sya ng hindi sumagot ang mga ito.
Agad nyang nai-wasiwas ang kamay upang tanggalin ang ano mang pumasok sa isip ng mag-Ina dahil sa sinabi nya. Hindi pang-iinsulto ang gusto nyang iparating.
"K-Kung iniisip nyo po naㅡ"
"Alam kong namamangha ka dahil nagagawa naming mabuhay sa ganitong klaseng mundo... tama ka, nakakamangha nga."
"Ganoon nga po hehe."
Tumango syang muli tsaka ngumiti sa mag-Ina na nakangiti parin sa kanya.
"Mauna na kami." paalam ni Rose.
"A-Ah sige, mag-ingat kayo." kumaway si Fabrizio sa kanila.
Nang maglakad na palayo ang mag-Ina ay nakahinga ng maluwag si Fabrizio, para bang nabunotan sya ng tinik. Hindi sya isang batikang aktor ngunit napakagaling nyang gumanap bilang isang matipunong lalaki, na ang totoo ay puno ng kabaliwan ang utak. Saka sya tatawa-tawang naglakad patungo sa kaibigan na kasalukoyan paring nagtatago.
"Isa ka talagang inutil." natatawa nyang pang-aasar dito.
"Talagang malakas ang pakiramdam nya."
"Sinabi mo pa, akala ko nga ay babatohin nya ako ng samo't-saring tanong kanina." naitukod ni Fabrizio ang siko sa pader, tsaka nakangiwing tiningnan ang kaibigan.
"Mas magugustohan ko pa kung isda ang ibabato nya sayo."
Natawa si Fabrizio habang napapa-iling. Kung maaari lang ay baka binato na nga talaga nya ng isda ang kaibigan. Pinag-krus nalang nya ang mga braso, tsaka tiningnan ang kaibigan na nasa daang tinahak ng mag-inang Rose at Ruth ang paningin.
"Ayos ka na ba?" tanong ni Fabrizio dito.
"Ano sa tingin mo ang ibabalita ko kay kuya pagbalik natin do'n? na muntik na akong mahuli ng nobya nya?" inis na pagbabalik tanong ng binatilyo habang nakasimangot kay Fabrizio.
"Oo kase isa kang inutil."
"Manahimik ka nga kung ayaw mong ipalapa kita sa pating."
Naisuko nalang ni Fabrizio ang dalawang palad habang natatawa. Ilang araw na nilang sinusundan si Rose, at ngayon lang sya nagkaroon ng tyempong kausapin ito. Sinisigurong ligtas at maayos ang lagay. Nalaman ni Caledon na buhay pa si Rose, at nais nitong kunin ang dyamanteng kwintas sa dalaga, maging ang paghigantihan ang pagtataksil ni Rose ni noon ay nais nitong gawin.
"Hangga't maaari ay iligtas nyo s'ya sa kahit na anong paraan, naiintindihan ninyo?"
Napailing si Fabrizio nang pumasok sa isip nya ang utos na iniatas sa kanila, tsaka sya tahimik na napangiti at naglakad paalis.
__________
©The movie 'TITANIC'