Pagkauwi ng mag-asawang Anastasia at Augustus sa ancestral house ng mga Villarin ay sinalubong naman sila ng anak nilang pangalawa—si Nolana na noon ay nasa sala ng mansion at abala sa hawak nitong libro.
"How are you my baby girl? Bakit gising kapa, hmm?" Bungad na tanong ni Augustus sa anak ng ito'y lumapit at nagbigay galang sa kanilang mag-asawa.
Nagtanggal muna si Nolana ng suot niyang salamin sa mata bago niya nagawang sumagot sa katanungan ng Ama.
"Hinihintay ko po si Kuya, Dad." Tugon naman niya.
"Ow, uuwi ba ngayon ang Kuya mo, talaga anak?" Nae-excite namang tanong ni Anastasia.
"Yes Nanay. Tumawag po si Kuya kanina. Nagpaluto nga po siya ng makakain. Puro beef menu ang gustong akinin ni Kuya Nanay." Turan naman ni Nolana sa Ina.
"Nagpaluto kana ba Nolana? Naku' excited na akong makita ang kapatid mo."
"Yes, Nanay---- si Mamita po ang nagpaluto." saad pa ni Nolana.
"Really? Oww.. My prodigal son is coming huh.."
"Aug' sobra ka naman yata sa prodigal son ah?" Saway pa ni Tasia sa asawa na siyang ikinatawa ni Augustus ng bahagya.
"Oo nga po Daddy' sobra kayo kay Kuya. He's not wasting our wealth on meaningless things, is he? He's spending it for the sake of people in need Daddy." Tumawa naman ulit si Augustus.
"Yeah' I know. And I am so proud of that brat. Hahahah.." naiiling-iling na saad ni Augustus.
Kahit naman matigas ang ulo ni Gideon, kahit pa ayaw nitong sumunod sa lahat ng gusto niyang gawin—hindi maitatangging proud siya para sa anak. Maraming matutulungan si Gideon lalo na ang mga mahihirap.
Gideon grew up to be a very serious person. When he says he doesn't want something, he really doesn't want it. May isang salita ang anak—katulad na lamang ng kagustuhan nitong maging isang doktor, na labis niyang tinutulan dahil ang nais niya ay ang pamunuan ni Gideon ang La-familia Valderama ngunit sa huli ang desisyon parin ng anak na maging isang doktor ang nanaig.
Walang kaamor-amor si Gideon pagdating sa mga negosyo ng pamilya—bagkus ay nagsusumikap ito bilang isang doktor ng bayan dahil isa iyon sa mga hangarin niya na makatulong at makagamot ng libre lalo na sa mga walang kakayahan sa buhay.
Gideon has his own medical practice. Ang isa ay nasa Cagayan, ang isa ay nasa Zambales at ang isa naman ay nasa Maynila. May shelter din siya para sa mga taong tuluyan ng nawala sa kanilang mga katinuan na patuloy niyang binibigyan ng atensyong medikal kasama ng ilan niyang mga kaibigan na doktor at sa tulong na din ng buong staff ng Villarin Mental Facility.
Gideon was born to carry the Valderama's name, but he preferred to use Villarin because for him, the Villarin blood that flows through his veins still holds great weight.
Hindi lingid sa kaalaman ng pamilya nila na mas gustong mamuhay ni Gideon sa simpleng pamamaraan. Ayaw niya sa magulong mundo na ginagalawan ng pamilya niya at mas gusto niya ay iyong manatiling pribado ang katauhan niya bilang isang doktor ng bayan.
* * * *
Mula Mandaluyong ay tinahak ni Gideon ang daan pauwi ng kanilang tahanan. Imbes na umuwi ito ng kanyang condo ay napagpasyahan niyang sa bahay ng kanyang Mamita at Daddy-Lo ito umuwi kung nasaan nandoon din ngayon ang kanyang mga magulang at mga kapatid na sina Nolana at Lunaria.
"Whoaww! Dahil tapos na ang laban ko' kakain naman ako ngayon ng madami. I think I really deserve to eat a heavy meal now. No more dieting for now, haha." Natatawa siya habang siya'y palapit ng palapit sa kanilang tahanan.
"No diet for tonight. Yeah, hahaha... I actually already ate earlier—what the----- that Adelaide Miller, wow~ that woman is so aggressive! Whoaww!" Napapangiti siya habang inaalala ang maiinit na tagpo sa kanilang dalawa ng CEO ng Miller Corporation.
"She had the nerve to initiate s*x, acting like she was an expert earlier and it turns out that she was a virgin. Tsk! She's a strange woman. She's a nuts!" Napapailing na sambit niya.
Walang kaalam-alam ang dalaga na siya ang personal nitong doktor. Mabuti na lamang at hindi siya nito nakilala dahil sa suot nitong maskara.
Adelaide has been diagnosed with a mental illness or what they call schizophrenia. Nakitaan niya ito ng mga sintomas, kagaya na lamang ng di-organisadong pananalita ng dalaga at pati ang hindi tamang pagkilos o pag-uugali na hindi angkop para sa isang tao na may normal na pag-iisip.
Kakaiba din ang dalaga kung manamit—at ayon pa sa Chairman ng Miller Corporation, palagi daw nilang nahuhuli ang anak na nagsasalita ng mag-isa at kinakausap ang yumao nitong Ina. Kung minsan pa nga ay tumatawa at umiiyak daw ito ng mag-isa, at kung minsan naman ay nagiging bayolente ang dalaga.
"Mukhang kailangan kong matingnan muli ang kondisyon ng babaeng iyon, ah' mukhang lumalala na." Hanggang sa naalala niyang nag-set pala ng appointment ang Ama ni Adelaide noong isang linggo pa—ngunit sa kadahilanang nasa ibang bansa siya kuno—kaya hindi na niya ito napag-aksayahan ng pansin.
Pagkarating niya ng kanilang tahanan—siya ay bumaba na ng kanyang kotse at nagtuloy-tuloy papasok ng kanilang kabahayan.
"Gidie, anak' namiss kita baby ko." Hindi na siya magugulat na makita ang Ina na masayang sumalubong sa kanya. Magda- dalawang buwan na din na hindi nila ito nakasama kaya naman alam niyang miss na miss na siya ng mga ito.
"Nanay---- namiss din kita. Bakit gising pa kayo?" Tanong niya saka ginawaran ng halik sa pisngi ang Ina.
"Kakauwi lang namin 'nak. Naku, pagod kaba anak? Halika, tatanggalin ko muna iyang hospital coat mo." Saad pa ni Anastasia, dahil dumating si Gideon ng kanilang tahanan na suot-suot ang kanyang white hospital coat, at maging ang kanyang stethoscope ay suot-suot din niya.
"Oh, you're home little squeaky! Kumusta ang pagiging isang doktor mo? Mahirap hindi ba? At sino ang mga nakakasama mo, I mean ang mga nagiging pasyente mo? Hindi ba't mga taong nawala na sa sariling katinuan? Kung nakinig ka lang sana sa akin----------" hindi siya umimik bagkus siya ay lumapit sa Ama upang makapagbigay ng galang.
"Aug' pwede ba?" Nag-uumpisa na naman si Augustus kaya naman sinaway na ni Anastasia kaagad ang asawa at tiningnan ito ng makahulugan.
Isang buntong-hininga ang itinugon ni Augustus. Hindi na siya umimik pa dahil pagdating kay Anastasia—alam niyang talo na siya.
Nagpatuloy silang lahat sa hapag. Sinaluhan nila si Gideon sa pagkain —dahil once in a blue moon na lamang nila ito nakakasabay na kumain.
"Ano'ng mayroon at ginabi kayo sa pag-uwi Dad? Did you and Nanay attend a party?" Masaya silang kumakain, kasabay ng masaya nilang kwentuhan.
"Nah! We didn't go to a party; instead, we came from the Arena to watch boxing." Sagot naman ni Augustus na siyang ikinatawa ni Gideon.
"Boxing? Hahahah.. At kailan pa kayo nahilig sa boxing Dad? Ni ayaw niyo nga akong magtry-out dati hindi ba?" Natatawang bulalas niya.
"I don't know son' pero dahil kay AGV nahilig ako. Gusto kong maging sponsor niya—what do you think my little squeaky?"
"Sponsor? Whoahow! King Augustus, one of the richest man in the country—magiging sponsor ng isang boxing fight? Wow! Are you sure of that Daddy?" Hindi mapatid ang mga ngiti sa labi ni Gideon.
Kung alam lang ng Ama na si AGV na iniidolo nila ay nasa kanilang harapan na ngayon.
"Yeah! Very sure. Can you help me make it son?" Hindi naman siya sumagot bagkus ay tumango-tango na lamang siya sa Ama.