Chapter 53 Sabrina's POV "Sab...Love..." naalimpungatan ako nang may tumapik-tapik sa balikat ko. It's Darren. Nasa gilid siya ng kama ko at bahagyang nakatingkayad para magpantay kami. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko using his thumb finger. Napansin kong nakasuot na ulit sa akin ang pantulog kong pinagtatanggal niya kagabi. Malamang siya rin ang nagbalik. "Why?" aantok-antok na tanong ko at napangiti pa siya nang hinagip ko ang braso niya para yakapin. "Uuwi na ko habang medyo madilim pa. May pasok pa kasi tayo mamaya." Umandar ang kapilyahan ko. "Isa pa Da…" ungot ko saka ko inilagay ang kamay niya sa ibabaw ng dibdib ko. "Sabrina!" napapitlag ang kamay niya at napatayo. Napabangon ako at natawa. Alas tres na pala ng madaling araw nang mapatingin ako sa wall clock. "Ka

