Chapter 32 Maganda raw ako. K. Sige na. Patatawarin ko na ‘to! Nasa eskinita pa rin kami matapos kong magtampururot dahil ayaw niyang tanggapin ang phone ko. Napangiti ako ng lihim saka tumingala sa kanya matapos kong iyakap ang mga kamay ko sa batok niya. "Sorry din. Sobra na yata ang pagkaclingey ko. Baka nauumay ka na? I just want to talk and see you most of the times kase...kaya binibigay ko 'yong cp sa'yo, bukod sa magiging useful din siya sa'yo. And token of appreciation na rin kasi tinutulungan mo ko sa studies ko." Napangiti siya at hinalikan ako sa noo. Napangiti ako. I feel peaceful and contented kapag magkayakap kaming ganito. Sobrang comfortable na ko sa kanya. And no one could ever feel me that way...kundi siya lang. "Hindi ako nauumay. Gusto ko nga 'yon, eh. Hayaan mo m

