Chapter 28 "Ma, asan si Manong?" naitanong ko sa kabila ng kaba sa titig niya sa mga kamay namin ni Darren na magkahawak. Si Darren na rin ang kusang bumitaw kaya lumapit ako sa Mama ko. "Where have you been?" sa halip ay tanong niya. Seryoso ang tono niya. Hindi rin maipinta ang mukha. "Nagpaalam po ako kahapon sa inyo nasa birthday party ako pupunta." "Inabot ka ng umaga? Saan pa kayo nakarating ng lalaking 'yan? Ha!" There tumaas na ang boses niya. "Inabot kami ng ulan kaya hindi ako nakauwi. Nagtext ako kay Papa. Hindi lang naman kaming dalawa ang magkasama. Marami kami." "That's not the point!" "Eh, ano po ba? Safe naman akong nakauwi, eh. Walang nangyaring masama sa'kin." "Bad influence 'yang mga bagong kaibigan mo! Kababae mong tao, inuumaga ka kasama ang lalaki?" "Ma! W

