Chapter 69 Matamlay ang aso ko, ayaw niya kumain. "Bebe, chimcken ‘yan, ah? Favorite mo, bakit ayaw kainin? Not feeling well?" kausap ko sa kanya habang nakadapa lang siya sa dog house niya at bahagya lang na pumapaluypoy ang buntot niya. As usual may pasok na naman ako kaya doon muna siya. Lalo pa ngayon, may boyfriend si Mama, baka pag-initan siya lalo. Napabuntong hininga ko. Darna is not getting any younger na rin kaya siguro minsan tumatamlay na siya. Nilagyan ko ng dishwashing liquid ang ilalim ng pakainan niya para hindi langgamin. Ipinasok ko na rin sa loob ng dog house niya para hindi langawin. "Balik ako mamaya, pasok lang ako. Eat that kapag gutom ka na. Nandiyan na rin ang water mo. Good boy, ah?"paalam ko at hinimas pa ang ulo niya. Pumara na ko ng tricycle, naalala ko

