Chapter 85 Nakadapa ako sa kama nang maalimpungatan. Iinat-inat na tumihaya ako para lang magulat sa mukhang nabungaran ko. Darren? Tulog na tulog ang loko habang nakadapa rin at nakayakap sa bewang ko. Ang bigat ng ulo ko. Napakapa ako sa sarili nang mapunang wala akong damit kahit isa sa ilalim ng kumot. Kita na ang papasikat na araw na sumisilip sa bintana niya. Napabalikwas tuloy ako nang maalala ang nangyari kagabi. Jusko! Nag-ML talaga kami! I gave myself to this man! Naramdaman niya yata ang pagkilos ko at nagising na rin siya. "Sab…" masuyong tawag niya at bumangon. Hindi ako nagsalita. "Good morning…" nakangiting bati niya at hinalikan ako sa pisngi. Umiwas ako ng tingin. "Sabrina? Galit ka ba?" Unti-unting nangilid ang luha ko. "Sabrina may problema ba?" sumeryoso

