“Krypton!” sigaw ko. Gusto kong takbuhin ang nagliliyaaab na kotse, pero kung gagawin ko ‘yon, tiyak na tatadtarin ako ng bala ng mga kalaban. ‘Tāng–ina kayo! Ba’t n’to pinasabog ang sasakyan ni Delaser? Anong ipaliliwanag natin ngayon kay boss kung magtatanong ‘yon? Sasabihin ko na aksidenteng sumabog ang sinasakyan niyang kotse?” narinig kong sermon ni Tayler sa mga kasama nito. “Ang sabi mo, Tayler ay katapusan na ni Delaser at ‘yong tomboy, kaya pinasabog ko na. At saka, para wala na tayong problemahin at pagsakitan pa ng ulo,” pahayag naman ng kasama nito. “Gago! Kailangan natin si Delaser dahil siya ang kailangan ng boss natin! Iyong tomboy lang sana ang tinarget ninyong patayīn dahil iyon ang tinik sa diskarte natn! Mga bobo talaga kayo! Hindi n’yo ginagamit ang utak ninyong b

