Kabanata 11

2174 Words
"Okay ka lang, Yet?" Tanong ni Marcos sa akin na nagpaayos sa akin sa paglalakad. Halos magtago na kasi ako sa kanya habang dumadaan kami sa gilid ng field. Nag wa-warm up ang buong soccer team na hindi kalayuan sa amin. Hindi ko alam pero parang ayoko atang magtagpo ang landas namin ni Ralph ngayon, halos hindi ako makatulog kagabi kakaisip sa mga sinabi nya. Feeling ko nga mukha akong zombie ngayon dahil sa laki at itim ng eyebags ko. "A-ah, oo. Bilisan na natin baka ma late na ako," at tumawa ako ng konti sa kanya bago binilisan ang paglalakad. Nahabol nya naman agad ako. Halos hindi ko malihis ang aking ulo sa gawi ng field, ramdam ko rin 'yong panlalamig ko. Why am I feeling this way? I would not be able to calm down hanggang hindi ako nakakalayo sa field na 'to. Napahinga ako ng malalim nang makarating na nga kami sa high school building. May kalayuan na rin sa field. "Alas syete ng umaga pa lang," napalunok ako nang mag salita si Marcos. Nasa palapag na kami ng aking classroom at ngayon nalang ulit sya nakaimik. Masyado ata akong na excite makaabot sa room na hindi ko na ulit na pansin na kasama ko pala si Marcos. What an attitide, Ayet. "A-ah, eh, may tataposin kasi akong--ano, assignment..." And I forced a smile at him. Kumunot ng konti ang noo neto pero napatango nalang din. "Sige, papasok na ako. Salamat sa paghatid." Wika ko habang nakangiti sa kanya. Ngumiti naman sya, and guess what... In just a snap, umayos ang t***k ng puso ko... Kumalma. It feels good seeing it. Parang biglang na refresh ang kaluluwa ko. Nag mukhang brillante si Marcos sa mga mata ko, kuminang sya dahil sa kanyang pag ngiti. Mas lumapad ang ngiti ko. Hays. "Mag-aral ka ng mabuti. Text me whenever you want." He said and tapped my head. Hindi maalis ang ngiti nya sa akin hanggang sa tumalikod sya. Napabuntong hininga na lang talaga ako at nakangiting tinahak papasok ang aking classroom. "Masyado kang pahalatang crush mo si kuya Marcos, bes," bungad ni Emy sa akin nang makaupo ako sa aking upuan. Iilan pa lamang kaming nandito, since maaga pa naman. "H-ha? Hindi, ah." Pagtatanggi ko. Pinilit kong ikubli ang aking ngiti pero hindi ko ito mapigilan. What a good way to start my day. "Sus. Deny pa more." Sabi nya habang nakangiting nakakaloko sa akin. Minsan naiisip ko rin na ang weird ni Emy para maging kaibigan ko. "Ay, beh! May chismis nga pala ako sa'yo! Gosh!" at kinirut pa nito ng mahina ang aking braso. Kitang-kita ang excitement sa mga mata nya. 2nd day pa nga lang na magkakilala kami pero kung makaasta ito, parang since birth friendship kami, ah. "Make sure na may pake ako, ha." Wika ko na kinatawa nya naman. "Hindi ko alam pero siguro?" Sabi pa neto habang natatawa. Pala tawa 'tong si Emy, yung tawang wagas at ang lakas-lakas pa! Agaw atensyon na tawa talaga. "Spill it." I said, huminga naman sya ng malalim na kinatawa ko ng mahina. Kumuha pa talaga ng bwelo. "Nag post kagabi si ate Zarrah!" At isinigaw nya talaga ito dahilan upang mapalingon sa amin ang iilan naming kaklase. Napapikit ako ng mariin sa kahihiyan. "Hinaan mo nga boses mo..." Naiinis kong sabi sa kanya. "Umabot ng 1k reactions 'yon! Hindi mo ba nakita?" Wika nya na waring walang pake-alam sa mga taong nakatingin na sa amin. "Hindi kami friends." Mahina kong sagot. Ayokong marinig ng mga kaklase kong interesado naman ako sa pinagsasabi ni Emy. "Naku! Grabe talaga, beh! Wait lang may screenshot ako dito," at inilabas nya ang kanyang iPhone at ipinakita sa akin iyong screen capture nya. 'I don't have plans on giving up on us. I'm trying my best to fix this... I need your cooperation' Iyon ang laman ng post at tama nga sya, ang raming reactions at comments. Parang boto ang buong campus sa relasyon nila. "E, ano?" Iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Ayokong ipahalata sa kanya at sa kanilang nakikirinig sa usapan namin na may pake-alam ako... Kahit ang totoo n'yan... Bigla na lamang akong nalungkot na hindi ko alam bakit. Parang bigla na lamang umurong ang dila ko at hindi ko na alam kung ano ba dapat ang sabihin. Iba ang pakiramdam ko sa aking nabasa. Somehow, I feel guilty or feeling ko may kasalanan ako... I don't know pero iyon ang nararamdaman ko ngayon. Mixed emotions. "Andaming nag mention kay Marcos sa post nya! Pero ni isa ay walang pinansin si Marcos kahit online naman ito. Ni hindi nga nya ni-like, e." Wika nya na halos lumuwa na ang labi dahil sa sobrang nguso neto habang nagsasalita. "Ahh." At tumango-tango ako sa kanya. "Walang ni isang varsity na lalaki ang nag comment sa post ni ate Zarrah. Mukhang takot ata sa kay kuya Marcos, pero may isang nag react na nakakaloka! Nag-HAHA si kuya Ralph!" Dugtong nya pa. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na sabihin. Ayokong mag bigay ng kumento. "Kahit kailan bitter talaga 'yang si kuya Ralph sa love life ni kuya Marcos," at bumuntong hininga pa sya. Halatang fan na fan sya ni Marcos, e. Nakakapagod pakinggan ang kaka-kuya nya. "Sabi na, e. Hindi pa talaga nakaka-move on si ate Zarrah kay kuya Marcos. Halata naman, e. May chance pa sila! Don't you think?" Ang lapad ng ngisi nya habang sinasabi iyon sa akin. Nagkibit balikat lang ako. "Nasa kanila naman 'yon." Sagot ko. Tumahimik din si Emy sa kakadaldal nang dumating ang aming guro. Ibinigay ko ang buong atensyon ko at hindi pinansin iyong minu-minutong chismis ni Emy sa akin tungkol sa kung ano-ano. Hindi talaga sya napapagod kakadaldal, e. Nang mag bell para sa break ay akmang tatawagan ko na sana si Marcos nang maalala ko iyong sinabi ni Emy. Hindi naman sa nag a-assume akong may kinalaman ako sa kung anong problema nila ni Zarrah, ayoko lang talagang makadagdag sa issue nila. Imbis na sila iyong magkasama at mag-ayos ay ito ako... Nakakapit kay Marcos. Nauna na akong lumabas ng room at nagpasyang pumunta sa cafeteria nang mag-isa. Napalihis ako ng daan nang makitang makakasalubong ko ang buong soccer team. Nagbabakasakaling hindi pa nila ako nakikita. Sumunod ako sa likod ng isang matangkad na lalaki upang matakpan ako. Hindi ko alam kung nandyaan si Ralph pero mabuti nang sigurado. "Oy!" At may kumalabit sa akin. Pagtaas ko ng ulo galing sa pagkakayuko ay nakita ko si Cedric. Nakangiti ito sa akin, ngumiti naman ako ng pilit sa kanya. Muntik na akong mapabuga ng napakalakas na hininga nang makitang wala si Ralph. Huminto silang lahat sa akin. "Pupunta kang cafeteria?" Tanong ng isa pang ka team nila. Maalahanin ako sa pangalan pero noong panahong nagpakilala sila sa akin ay wala ako sa wisyo kaya ang pangalan lang nung si Cedric ang naalala ko. "Oo, e. Kayo?" Sabi ko. Pansin ko kasing papunta naman sila sa building namin. "A-ah, wala! Sa cafeteria rin. Sabay na tayo?" Sabi nung isa na sinang-ayonan ng lahat. Napatawa nalang ako ng kaonti. Okay lang naman sa aking kasama sila, wala namang issue doon. Wala rin naman si Ralph. "Hindi mo ba tatanongin kung nasaan si boss?" Wika ni Boy at tumabi pa talaga sa akin. Napakunot ang noo ko pero nagsalita rin ako hindi kalaunan, "Nasan sya?" Hindi ko alam kung pansin ba sa boses ko na ako'y napipilitan lamang. "Lumipad papuntang Europa," sagot neto na nagpagulat talaga sa akin. "Anong Europa? Kagabi lang kaming magkasama, ah." Hindi ko na napigilan ang aking sarili sa pag bulalas. Anong gagawin nya sa Europa? Sabay-sabay nila akong inasar dahil sa narinig. "Swerte ni boss!" Rinig ko pang bulyaw nung isa. "Anong gagawin nya do'n?" Tanong ko kay boy. Ngumisi muna ito bago sumagot "Business thing," Hindi na ulit ako nakapagsalita hanggang sa makatapos akong umorder. Nagsama-sama kami sa isang table na hindi ko alam kung mabuting ideya ba iyon, pansin ko kasi ang mga matang nakatingin sa akin. Dagdag pa na ang ingay-ingay nila. Binilisan ko nalang ang aking pag kain. Kinakausap naman nila ako pero tanging oo at hindi lang ang nasasagot ko. Minsan ay tumatango at umiiling lang ako bilang tugon. Naistatwa ang tingin ko sa papasok na babae sa cafeteria. Malapad ang ngiti nya sa lahat habang papasok ito. Dumiretso sya sa counter nang nakangiti pa rin. Bakit ang galing nilang magpanggap ni Marcos? Kailangan ba talagang ipakita nila sa lahat na masaya sila kahit hindi naman talaga? Mapapansin ang tingin ng mga estudyante sa kanya. May iilan syang pinansin at kinausap na tila ba'y okay lang ang lahat. Na walang nangyaring break up sa kanila ng long time boyfriend nya. "Papalapit si Marcos, Thea." Napatingin kaagad ako kung nasaan nakaduro ang nguso ni Ianne. Papasok na rin ng cafeteria si Marcos. Kasama nya si Glenn na assistant captain nya sa basketball team. Kaagad na dumapo ang mata nya sa akin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Nandito rin sa loob si Zarrah... Nakarinig na ako ng bulong-bulongan nang dinaanan lamang ni Marcos si Zarrah na nakapila sa counter. Lumapit ito sa akin. Ayoko mang silipin si Zarrah pero sinilip ko ang reaction neto. Nakangiti sya sa kanyang kausap kahit halata namang napansin nya na si Marcos. Mas lumapit pa si Marcos sa table namin na talaga namang nagpanginig sa akin. Hindi ko alam kung tatayo ba ako o ano. Diretso ang tingin sa akin ni Marcos habang nakapalupot ang kanyang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Kalmadong-kalmado sya. Hindi nakangiti pero hindi rin naman nakasimangot. Emotionless stares. Natahimik ang aming table. Nasindak din naman sila kahit papaano sa presensya ni Marcos na nakatayo na ngayon sa harap ng table namin, specifically staring straight at me. "Tapos ka nang kumain?" Nagulat ako sa kanyang sinabi at pag ngiti neto. Ngiting billion worth. Mamahaling ngiti. Ngiting kung tawagin nila ay 'Makalaglag panty'. Grabe! Sobrang hot! Sobrang guwapo! Sobrang nakakamangha! "Ah, eh, yes..." Yun na lamang ang nasagot ko. Sa tingin ko'y bigla nyang nakuha ang kaluluwa ko. Parang naging alipin nya ako na bigla na lamang akong napatayo. "Hatid na kita sa classroom mo." Nakangiti nitong sabi. In just a swift, napatabi na ako sa kanya. Ibang klase ang nadudulot ng mga ngiti nya sa akin. Sa tingin ko'y handa kong i-offer ang kahit ano makita lang ang mga ngiting ganito. "Mauna na ako." Pamamaalam ko sa soccer team na tulalang nanunuod sa amin. "Bakit hindi mo ako tinext?" Tanong ni Marcos sa akin. Bakit kaya gano'n? Kahit naka braces sya ay ang ganda ng mga ngiti nya? Paano nalang kaya pag wala na 'yang braces nya, 'di ba? "A-ay, sorry..." Wika ko habang palabas kami ng cafeteria. Gusto kong titigan at titigan na lamang sya upang pagmasdan ang mga ngiti nya pero sa tangkad neto ay nahihirapan akong itingala sya habang naglalakad kami. "Alam mo 'yong kantang Let your hair down ng Magic?" He suddenly asked. Umiling naman ako. Hindi ko pa naririnig iyon maging ang title neto ay hindi pamilyar. (PS. He isn't Marcos' portrayer. Ito iyong version na kinanta nya and pwede na rin nating sabihin ganito kaganda ang boses nya) Napaawang ang bibig ko nang bigla syang kumanta "There she goes, there she goes, there she goes. There's nothing better than my beautiful woman..." Nakatingin ito sa akin habang kumakanta. Napahinto ako sa paglalakad gano'n din naman sya. Tila wala syang pakialam sa mga estudyanteng nadadaan sa amin at pinagpatuloy ang pagkanta. "Even though, even though, even though, It's not always heaven, we still fly together." Diretso kong tinititigan sya sa mata habang kumakanta sya. His voice is enough to give me goosebumps pero iyong lyrics ng kanta... It flutters my heart. "To me you are more than just skin and bones You are elegance and freedom and everything I know So come on and... Baby let your hair down Let me run my fingers through it, We can be ourselves now Go ahead, be foolish, No one's on the clock now Lying in this simple moment, You don't gotta worry now Just let your hair down..." Tinapos nya ang kanta hanggang sa chorus neto at pagkatapos ay ngumiti sa akin ng napakalapad. Naiwan akong nakatulala sa kanya. Hindi ko masuklian ang kanyang ngiti... Hindi ako makagalaw. His song touched my soul, again. Parang niyayakap ng kanyang boses na gusto ko na lamang magpalunod dito. "Stop giving me that kind of stares." Natatawa nyang sabi at inakbayan ako upang maituloy ang paglalakad namin, buong puso naman akong nagpatangay sa kanya. "I might lose my control..." Halos pabulong nyang sabi. Kinilabutan ang buong katawan at kaluluwa ko. Hindi ako makapagsalita... "To me you are more than just skin and bones You are elegance and freedom and everything I know." Naiwan ang lyrics na yan sa utak ko sa buong araw. I end up downloading it on my phone and listened to it repeatedly hanggang sa makatulog ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD