Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Wala na akong pakialam sa ano mang sabihin ng mga taong nadadaanan ko at bakit ako umiiyak. Iisa lang ang klaro sa'kin ngayon... I need to find him. Sa pagdating ko sa Viex Dine ay kaagad akong sumugod sa counter. It's Sunday, nandito sya tuwing linggo... "Ma'am T-Thea," sambit ni Sarrah. Marahan kong pinunasan ang mga luhang nasa aking pisngi. "Nasa'n sya?" Tukoy ko kay Ralph. Nakita ko paano nya inayos ang suot n'yang apron nang marinig iyon. "W-Wala sya rito, Ma'am." Sagot nya. Unti-unting dumapo ang kamay ko sa aking bibig... Nasa'n ka, Ralph? Gusto kitang makita... Gustong gusto kitang mahagkan. Hindi na ako nag-abalang tanongin pa si Sarrah. I know Ralph. 'Pag may pinupuntahan sya ay hindi nya 'yon sinasabi sa kahit kanino man. Maging sa'kin...

