Tumayo na kaagad ako nang marinig ang bell. Kailangan kong makausap si Marcos. Ilang oras akong lutang dahil sa nalaman ko. Hinanap ko iyong pangalan nya sa contacts at tinawagan kaagad iyon.
"Ayet, nasan ka?" bungad nya. Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "Nasa room pa. Ikaw?" Isinuot ko ang bag ko and waved at some of my classmates na mga nakilala ko.
"Hindi ka sasabay samin sa canteen?" Tanong ni Emy. Umiling ako sa kanya and mouthed "May pupuntahan ako,"
"I'll fetch you. Wait me ther--"
"No. Hindi na. Pababa na rin ako. Nasan ka ba?" I said while almost running. "Sorry," sabi ko sa lalaking nabunggo ko. Nakita ko paano kumunot ang noo nya pero nang makita ako ay unti-unti ring napalitan iyon ng ngiti. I smiled at him at pinagpatuloy na ang pagtakbo pababa ng building.
"What the? I am on my way there." He said. Mas binilisan ko iyong pagtakbo nang may mabangga na naman ako. This time, sobrang lakas na talaga dahilan upang mapaupo ako sa sahig. Oh, shet. Ang sakit ng pwet ko.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Bwesit, e." Bulyaw nya sa akin at inayos yung nagusot nyang damit. Pinilit kong tumayo pero hindi ko nagawa dahil sa kirot ng pwet ko, kaya nanatili akong nakaupo sa sahig. "I'm sorry. Nagmamadali kasi ako," paghihingi ko ng tawad habang inaayos ang skirt ko. Pansin ko kasi ang iilang matang nakatingin na sa akin. Nice. Sobrang nice. First day na first day, Ayet.
"H'wag kasing tatanga-tanga girl," she said while rolling her eyes at me. I find it irritating.
Nag try ulit akong tumayo... Salamat at nakaya ko. Ininda ko ang kirot at ambang ipagpapatuloy ang paglalakad nang "Anong pangalan mo?" Pigil ng babaeng nabangga ko habang hinahawakan ang braso ko. Masyadong mahigpit iyon.
"Thea," sagot ko at pilit inalis ang kamay nya pero ang higpit ng pagkakahawak nya sa braso ko. "Ano bang problema mo?" wika ko at halos iwakli na ang kamay nya upang maalis lang ang hawak nya sa akin.
"You're not familliar. San ka galing?" Tanong nya na hindi ko mawari kung anong punto nya upang hawakan pa ang braso ko. "Does it bother you? Get your hands off me." Matigas kong sabi. I don't like being beaten up. I don't like fight. I don't like the way she holds me. No one ever did this.
"You heard her, bitawan mo sya." Nanindig ang balahibo ko nang marinig ang boses na 'yon. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilang 'di mapangiti. Nilingon ko sya at nakita ko paano naniningkit ang mata nya sa babaeng nakahawak sa akin. Unti-unti syang lumapit at sapilitang inalis ang kamay ng babae sa braso ko without harming me. It is like magic.
"So, you like her eyes Ralph?" she said while almost greeting her teeth. Galit na galit sya na halos umapoy ang kanyang mata habang nakatitig kay Ralph.
"Is it really your business to meddle in everybody's life? I expected more from you." Diretsong sabi ni Ralph sa kanya dahilan upang umamo ang mata ng babae. Ang lakas ng epekto nun sa kanya na hindi mapagkakaila dahil sa pag-iba ng ekspresyon ng mukha nya. Batid ko ang mas malalim na rason sa tinginan nila. Sigurado akong hindi ito dahil sa pagbangga ng babae sa akin.
"I'm sorry," she suddenly said while looking at Ralph. She is almost crying. Somehow, naawa ako sa kanya... Alam kong may mas malalim syang problema kay Ralph kaya ganito na lamang ang epekto sa kanya nang pagdating ni Ralph.
"It's okay." Wala sa sarili kong sagot. Nakita ko sa hindi kalayuan si Marcos habang nanunuod sa amin. Wari ko ay kanina pa sya nandyaan dahil nakasandal na sya sa pader.
"Sige, ma-mauna na ako." The girl said at tumakbo na sya pataas ng stairs. Naiwan ang tingin ko kay Marcos na nakatingin na rin sa akin. Gusto kong lumapit upang pagmasdan ang mata nya... Kung malungkot ba talaga ito.
"Are you okay?" tanong ni Ralph na tinanguan ko na lamang atsaka tumakbo papunta kay Marcos. Hindi ko alam pero gustong-gusto ko syang yakapin ngayon. Nang makalapit ako ay kaagad ko nga syang niyakap. Ayokong tingnan ang mata nya kahit gaano ko man ito ka gustong pagmasdan.
"Okay ka lang ba?" tanong nya. Hindi sya umalma sa pagkakayakap ko, hinayaan nya akong yakapin sya. Maybe he's too weak right now para alisin ang yakap ko.
"Okay lang ako. Ikaw?" I said while still hugging him.
"Bakit naman ako hindi magiging okay? Ikaw kaya 'yong inaway," sabi nya sa pagitan ng tawa. Why can't he just be rude at me just like the usual? Why can't he just act like the way he really feels? Why can't he just be Marcos? The cold and the rude Marcos...
"Hindi nya ako inaway," I managed to answer kahit halos pumiyok na ang boses ko.
"E, bakit ka nakayakap d'yan? Wala kang excuse!" Wika nya habang natatawa.
Wala na rin akong nagawa kundi ang bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. "Break na kayo, diba?" Tanong ko habang nakatitig sa mata nya. Walang kahit ano akong nakita do'n. Parang hindi sya buhay. Walang ka buhay-buhay ang mga titig nya. His eyes are pure emotionless. Ang lungkot. Hindi hindi, mas malungkot pa sa iniisip ko... Wala na itong buhay.
"Oo," diretso nyang sagot. Nawala ang mga ngiti nya. And from there, I declared...
"Bakit hindi ka umiiyak?" Tanong ko. Ayokong maging ganito ka straight forward pero kailangan nya ito. Kailangan nyang ilabas ang sakit na nararamdaman nya.
"Why would I?" Balik nyang tanong. Napanguso ako sa sinabi nya. Bakit ba sya ngiti nang ngiti?
"It's all in the past now. How can I move on kung pilit kong babalik-balikan iyon, diba?" Pagpapatuloy nya pa. Ngumiti sya sa akin at ginulo iyong buhok ko.
"Tara sa canteen," nakangiti nyang sabi at inakbayan ako. Ngayon ko nalang din na realize na ang bilis-bilis na pala ng t***k ng puso ko. Halos wala akong ibang makita habang tinatahak namin ang daan papunta sa canteen. Ang tanging naiisip ko ngayon ay 'yong mabilis na t***k ng puso ko at ang kamay nyang naka-akbay sa akin. How can he be this clueless? Hindi nya ba alam kung ano ang epekto ng pinanggagawa nya sa akin? Is it really an advantage kung ang tingin sa'yo ng crush mo ay sobrang bata? Would it make any difference? Of course, it would. Hindi nya ako maakbayan ng ganito kung hindi bata ang tingin nya sa akin...
Sabay kaming nag-order at naghanap ng table. Sobrang bait nya sa akin na halos napapaisip na ako kung si Marcos ba talaga ito. Ito ba talaga ang tunay na Marcos o ang Marcos na pinipilit mag move on kaya pinipilit ring umaktong masaya? Maybe, I should just understand him.
"Pretty face!" Napalingon ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Ngumiti ako kay Tyler nang makita ko sya. Wala syang kasama.
"Hi, Tyler!" Bati ko sa kanya. Ngumiti ito nang napakalapad sa akin. "Uhm, Tyler si Marcos nga pa--"
"No need! Kilala ko sya, PF." Nakangiti nyang sabi habang umiiwas ng tingin kay Marcos. May problema ba sila?
"PF?" Nagulat ako sa biglaang sabat ni Marcos sa harap ko. "Pretty Face, dude." Sagot naman ni Tyler. Kahit kailan talaga ay napaka-intimidating ng mga tingin ni Marcos.
"Naka-order ka na? Sumabay ka na samin." Aya ko kay Tyler. Kaagad naman itong naupo sa tabi ko nang walang pag-aalinlangan. Oh, I didn't expect that.
"Bakit sa kanya ka nakatabi? Dito ka sakin." Sabi ni Marcos na talaga namang nagpatindig sa mga balahibo ko. Pansin ko rin na medyo na apektohan si Tyler sa sinabi ni Marcos kaya kaagad na pumanhik ng upuan papunta sa tabi ni Marcos.
"Okay?" Iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko.
"Sa'yo na 'to." At ibinigay ko ang aking burger kay Tyler. Tinanggap nya naman agad ito. Why is he acting that way? Parang naging instant patay gutom sya.
"Basta galing talaga sa type mo tanggap agad, no?" Mahinang sabi ni Marcos kay Tyler na narinig ko naman. Napahinto sa pag kain si Tyler at pilit na ngumiti kay Marcos.
"Binangga ka raw ni Faith kanina?" Tanong ni Tyler habang ngumunguya. Napatawa ako ng kaonti sa kanya.
"Faith? Iyong babaeng humawak sa braso ko?"
"Oo. Hay nako, baliw na talaga ang babaeng 'yon." Saad pa nya at kumagat ulit sa burger.
"Ano ba ang relasyon nya kay Ralph?" Tanong ko naman.
"Hindi ko rin alam, wala namang sinasabi si Ralph, e. Tanong mo kay Marcos baka may alam," wika nya habang ngumunguya. Napalipat naman ang tingin ko kay Marcos.
"Faith's his ex." Kaagad na sabi ni Marcos na nagpalaki sa mata ko. "Seryoso?" Malakas kong sabi. Tumango-tango naman si Tyler. "Basta hindi ako nagsabi n'yan," aniya.
"Is it a big deal? Why can't he just broadcast it? Ex nya naman talaga si Faith." Iritadong sabi ni Marcos at sumubo rin sa large burger nya.
"Ayokong mapagbuntongan ng galit ni Ralph sa susunod na conference, so shut up nalang ako." Kalmadong sabi naman ni Tyler.
"Weak." Kumento ni Marcos, sinamaan naman sya ng tingin ni Tyler. Magkakilala nga talaga sila.
Hindi ako slow para hindi maintindihan iyong pinag-uusapan nila pero hindi ito sobrang klaro. Hindi ko na rin sila tinanong pa, malalaman ko rin 'yon as time passes.
"Ay ang sweet nyo ni kuya Marcos, Thea, ha!" At sinindot-sindot pa ni Emy iyong tagiliran ko. Mukhang wala syang pakealam sa mga pinagsasabi ng teacher namin.
"Oy, mag kaibigan nga lang kami. At bata tingin no'n sakin," sabi ko sa kanya habang nasa harap ang tingin. Ayokong mahuli kami ng teacher. First day pa naman.
"Sus. Sa ganda mo ba namang 'yan? At duh! Hindi ka mukhang Senior High Student 'no," sabi nya. "Shh mamaya nalang tayo mag-usap." Saway ko sa kanya nang tumingin ang guro sa amin.
"Mauna na ako, Emy." Pamamaalam ko sa kanya sa pagkatapos na pagkatapos ng last subject namin. "Uy! Pupunta kami NBS, gusto mong sumama?" Pahabol nya pang tanong.
"H'wag na. Sa susunod nalang," sigaw ko pabalik sa kanya at tuloyan nang lumabas ng classroom.
Mabilis akong naglakad papuntang gymnasium. Gusto kong manuod ng training nina Marcos. Mula sa labas ay rinig ko na ang spike ng mga sapatos at ang hampas ng bola. Mas na excite akong pumasok. Pagpasok ko ay mas umalingawngaw ang ingay ng bola at sapatos. Mukhang may pratice game sila ngayon. Umakyat ako sa bleachers at umupo sa itaas. Marami ang estudyanteng nakikinuod din dito. Ang iilan nga ay nag che-cheer pa sa tuwing may nakakapuntos.
Napangiti ako nang makita si Marcos. Hindi maipagkakaila na sya iyong sobrang angat sa lahat, ang galing nyang mag handle ng bola, at ang angas-angas nyang tingnan habang tumatakbo. Sobrang guwapo nya. Halos gusto ko ring maki-sigaw. Effortless nyang nakukuha ang mga puso ng babae sa simpleng pag-agaw at pag dribble nya ng bola. Naka jersey sya na may NEU na print sa harapan at number 29 sa likod. How can he be this cool without even trying?
Hindi ko na talaga napigilan ang aking sarili sa pagsigaw nang i-shoot nya ng 3 points ang bola. Halos lumundag-lundag ako at humiyaw sa saya. Sobrang guwapo nya habang nakikipag-apiran sa teammates nya nang mai-shoot nya ang bola. Tapos na iyong laro. Oh my Gosh, my heart, my soul, my feels.
Nagulat ako nang may tumuro sa akin sa kanya na teammate nya rin. Nataranta ako at kaagad na napaupo. Oh, shet. Kumaway sya sa akin na wala na rin akong nagawa kundi kawayan sya pabalik. Kaagad kong inayos ang uniform at ang buhok ko nang makitang tumatakbo sya paakyat sa bleachers, papunta sa akin. Bigla na namang bumilis ang t***k ng puso ko.
"Nandito ka pala, hindi ka man lang nag text." Nakangiti nyang sabi habang pinupunasan ang katawan nya gamit ang towel. Pinilit kong i-pirmi ang eyeballs ko upang hindi dumapo ang tingin sa iba, sa ano, sa ibang parte.
"Hindi, okay lang. Gusto ko lang manuod. Mahilig kasi ako sa basketball." Sabi ko at tumawa ng kunti. Sobrang nahihirapan na ang mata ko. Ang hirap tumingin ng diretso sa mata nya kung ganyan ka pawisan ang katawan nya.
"Oh, talaga? Baba ka." Wika nya at ini-abot ang kamay nya sa akin. "Bakit naman?" Pag-aalinlangan ko.
"Tara na." At hinatak nya ako. Wala na rin akong nagawa kundi ang magpatangay sa kanya. Dinala nya ako sa gitna ng court. Nagsingitian sa akin iyong mga teammates nya. Mukhang wala ang coach nila ngayon.
Kumuha sya ng bola at ibinigay sa akin. Kinuha nya rin iyong suot kong bag. "Anong gagawin ko?" Gumagapang ang kaba sa akin.
"I-shoot mo," sabi ni Marcos habang hawak ang bag ko. Kenekeleg eke.
"Hindi ako marunong." Saad ko. "Hindi naman 'to try out. Just try." Nakangiti nyang sabi.
Huminga ako ng malalim at pumwesto. "Go, Yet!" Litanya ni Marcos bago ko inihagis ang bola.
Narinig kong nagpalakpakan ang lahat ng players. Napangiwi naman ako.
"Ang lakas! Grabe!" At mas lumakas pa ang hiyawan nila. Padabog kong kinuha ang bag ko kay Marcos.
"Oh, bakit? Ang galing mo kaya! Umapaw sa ring board! Ang lakas mo!" Pumapalakpak na sabi ni Marcos. Hinampas ko sya ng mahina.
"Shoot na sana, e. Nalakasan mo lang ng konting-konti." Kumento pa nung isa. Nginisihan ko sya. "Alam kong magaling ako, no need for your applause." Sarkastiko kong sabi na nagpatawa sa kanila.
"Pinagpawisan ka," sabi ni Marcos sa akin at binigyan nya ako ng towel. Bagong towel. Malinis at amoy Marcos na towel. Hindi na ako nagdalawang isip pa upang gamiton iyong pamunas sa noo ko at sa aking ilong upang mas madama iyong amoy ni Marcos.
Hmm. Amoy shower gel nya. Amoy Marcos. Amoy Heaven.