"Don't forget to call me 'pag may kailangan ka or problema. Be a good girl here," and papa patted my head. Napangiwi ako at tumawa. Paulit-ulit na nya iyong sinasabi sa akin. Tumawa na rin si tita na nasa tabi nya.
"Ayet's not a kid anymore. Kayang-kaya nya na ito," at ngumiti si tita sa akin. Sya palagi ang nagiging savior ko kay papa, she has always defended me.
"Ah, basta! Matigas pa naman ang ulo neto, tumawag ka sakin araw-araw ha," sabi nya, wala na akong nagawa kundi ang tawanan sya. "Yes, po." natatawa kong sagot.
Hindi rin sila nagtagal ni Papa since may trabaho pa sila. I have my own room in this dorm as expected, masyadong maarte si papa para hayaan akong may kashare sa isang room.
Ang saya ko dahil for the first time, I will be living with my own. Hindi sa pagiging independent dahil may sumusustinto pa rin naman sa akin pero at least diba, mapapatunayan ko sa sarili ko na kaya kong tumayo mag-isa. At kailangan ko rin namang sanayin ang sarili ko, not everyone will stay long.
Matapos kong i-arrange iyong mga gamit ko which took an hour ay lumabas na ako ng kwarto, bumungad sa akin ang maliit na sala. Ngumiti ako sa iilang nandito sa sala na nanood ng television, puro kami babae sa dorm na ito kaya I feel comfortable.
Sumilip ako sa aking relos, it's 1pm. Kaya pala kumakalam na ang tiyan ko, hindi pa pala ako nakakapag lunch. Since hindi naman talaga pwedeng magluto dito sa loob ng dorm ay kailangan kong bumaba sa ground floor upang kumain, nandoon ang cafeteria.
Nanlumo ako nang makita ang napakaraming tao. Mahaba din iyong linya sa counter. Mas lumapit ako sa counter upang silipin iyong mga pagkain. Puro ulam at kung ano-ano pa na hindi hinahanap ng sikmura ko. Mapili din kasi ako sa pagkain.
Lumabas ako ng building upang maghanap ng tricycle na maihahatid ako sa lugar kung saan iyong mga restaurants na nakita ko the last time.
Nang makarating kami sa restaurant na gusto ko ay agad ko nang inabutan ang driver ng singkwenta pesos at pumasok na sa loob ng resto. Hindi karamihan ang tao sa loob na syang nagustohan ko.
Nakangiti ako habang nag o-order sa sobrang pagkasabik sa pagkain. Napagod talaga siguro ako nang husto sa pag-aayos ng mga gamit ko sa dorm.
Hindi ko na naalala pa ang aking phone sa sobrang paghihintay ng pagkain. Nakasunod iyong tingin ko sa waiter habang inihahatid nya iyong mga pagkain sa ibang customer. Sa tuwing may lumalabas na waiter, I keep on wishing na it's my order. Napapanguso ako bawat disappointment. I am this hungry.
Wala na akong panahon pa para intindihin iyong group of boys na nasa hindi kalayuang table lang mula sakin na walang tigil ang kakatitig at kakangisi sa akin. May iilan pang nagsisikuhan. Oh, come on, I hate cowards. Why can't they just go here and ask of what they want? Ang we-weak, e. Gusto ko mang irapan sila ay wala na akong panahon pa para do'n. Ibinalik ko ang tingin sa counter and "Thank God," mahina kong bulong nang ilapag ng waiter ang aking order.
"Enjoy your meal, ma'am" sabi nya na nginitian ko na lamang.
I am expecting him to go at iwanan ang table ko pero he remained standing there kaya itinaas ko ang aking tingin sa kanya.
And there, nagulat ako sa aking nakita. Sya si Ralph Jimenez. Iyong nanghingi ng f*******: ID ko na naka chat ko rin sa f*******:. I am on my first bite kaya mabilis kong nilunok muna iyon bago makapag salita.
"Ralph?" tanong ko. I'm sure sya ito. Matandain kasi ako sa pangalan maging sa mukha, isa iyon sa mga nakakagulat na ability ko. Marami ang nagugulat sa tuwing nakikilala ko sila kahit isang beses palang kami nagkita.
"Naalala mo ako. I feel flattered." He playfully said. Napatawa naman ako.
"Dito ka nagtra-trabaho?" nakangiti kong tanong. "Well... Sort of," sagot nya.
"Ahh, mapapadalas na tuloy ako dito," natatawa kong sabi.
"Wow. That's great! So, nakapagpa-enroll ka na ba?" sabi nya. Ang lakas ng dating ng ngiti nya, maybe he knows that kaya pala-ngiti sya.
"Ahh oo, last week. First day ko ngayon sa dorm," nakangiti kong sagot. Isn't it amazing na sobrang komportable naming mag-usap na para bang matagal na kaming magkakilala? He's kind of out going, and I like it.
"Should I say... Enjoy your stay here or?" natatawa nyang sabi na nagpatawa na naman sa akin. There is something on this guy na kahit hindi naman nakakatawa iyong mga sinasabi nya but the way he delivers it, parang ang saya pakinggan? it's strange.
"Thank you, then." sagot ko naman.
"Maybe, you should eat for now. Let's just talk again later. Once again, enjoy your meal," nakangiti nyang sabi and he even winked at me at the last part. It didn't look kadiri, bagay naman sa kanya. Napatawa na naman ulit ako.
Masaya kong inubos iyong meal ko and agad nang hinanap ng aking mata si Ralph. Nakita ko naman sya agad na nasa counter. He's just standing there like a boss, paboritong impleyado ito siguro.
I am just happy that I got my first friend here in Era.
He gestured me to wait for a minute at hinubad iyong apron nyang suot, tumango naman ako. Kinuha ko ang aking cellphone and checked my appearance there. Nakasuot lang ako ng white v-neck shirt at ripped jeans. This is my comfy kind of clothes.
He came back on my table in totally new get up. I wondered kung humingi ba sya ng pahintulot sa manager nya at pinayagan agad sya... Nakasuot na sya ngayon nang black shirt and a black cap. Mas tumingkad iyong pagiging mestiso nya sa kanyang suot.
"Let's go?" tanong nya. Tumayo naman ako at "Hindi ka ba papagalitan ng boss mo? I mean it's lunch time... Bakit break mo ba?" I asked him.
Napatawa sya nang kaonti at umiling "Okay lang. Tara na," sagot nya na nakapagpa-kibit balikat sa akin. Nauna akong lumabas habang nakasunod sya sa aking likod.
"So, what are your plans for today?" he asked. Englishero talaga sya, sosyaling waiter. Napangisi ako.
"Wala naman. Bagong lipat lang ako dito at tapos ko na rin'g ayosin iyong mga gamit ko. Palaisipan rin sa akin kung ano ang gagawin ko ngayong araw," sabi ko. Palihim ko syang pinagmasdan. He doesn't look like a waiter at all. He looks like a half American, half Japanese, and another half of Filipino. Hindi ko ma wari kung ano talaga ang kanyang lahi.
Mestiso, brown eyes na medyo may pagka chinito, overwhelming lips, and ang sobrang tangkad nya. Nasa 2nd or 3rd year college na siguro ito. Don't make me wrong, casual lang sa akin na i-appreciate ang beauty of a mankind.
"Uhm..." tila nag-iisip sya sa lugar na pwede naming puntahan. Even his gestures look so elegant. Biglang nagbago iyong image ng isang waiter sa akin. Lesson learned, don't judge a person by how they look.
Inilabas nya ang kanyang cellphone and shocks! He's using iPhone! HE IS NOT A WAITER. But! What is he doing there? Hindi hindi. Baka bigay lang sa kanya 'yan. Napakagwapo nya at hindi malabong magkagusto ang isang mayaman sa kanya kaya binigyan sya nitong mamahaling phone. It's iPhone 7 plus for heaven's sake.
"Is it done?" may kinakausap sya sa kanyang phone. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. I'm getting confused.
"Okay." Aniya at binaba ang phone. A bossy attitude. Sobrang feeler naman na waiter 'to. Nakakainis na 'yong sobrang kaartehan ha. Tinalo pa ako.
"Are you really a waiter there?" naka-kunot noo kong tanong sa kanya. Hindi ko na talaga napigilang itanong.
Natawa na naman ulit sya. Hindi ko magawang tumawa dahil sa kuryusidad. Masyado syang maarte para maging waiter.
"What do you think?" natatawa nyang tanong. I playfully rolled my eyes. "Oo o hindi?" balik kong tanong.
"Well, I can be a waiter, a cashier, I also cook, and I used to check the costumers..." Nakangisi nyang sabi. Mas lalo lang napa kunot ang noo ko. "Ha?"
"Nag tra-trabaho ako dun, okay na?" natatawa nya paring sabi. Napataas ang kaliwa kong kilay. What is he trying to say? Hindi ko gets!
"Tara! I know where to go," and he just suddenly put his hand on my back leading me to a way he wants to go. He's not that touchy at all, nagulat lang ako.
Sumakay kami sa taxi at sinabi nya sa driver kung saan kami ihahatid na hindi ko masyadong narinig at dahil narin siguro na hindi pamilyar sa akin ang tawag sa lugar na 'yon.
Kinakabahan at natatakot na dapat ako ngayon, I am in a taxi with someone na hindi ko pa gano'n ka kilala. Hindi ko alam pero sobrang komportable at harmless syang kasama. For now, I need to trust my instinct and my instinct says na hindi sya masamang tao. He must thank my instinct for that.
"What were you thinking, young lady?" pormal nyang tanong with his teasing voice.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"School Campus," at ngumisi sya. Napakunot na naman ulit ang noo ko.
"Bakit tayo pupunta roon?"
"I have a meeting and you'll come with me. After that, gagala tayo." And he smiled like an idiot. Feeling close pa ata 'to sakin. The "gagala tayo" does not suit him.
"Anong meeting yan? Ano ka teacher?" natatawa kong sabi. Tumawa rin naman sya ng maliit. "Varsity meeting, po."
"Anong nilalaro mo?"
"Soccer, po." and he even changed his voice na parang bata.
"Drop the 'po', it does not suit you." I said while laughing.
"You are talking to me like your little brother, so maybe I should treat you respectfully." And he did his idiotic smile again.
"Anong gusto mo? I-kuya kita?"
"Even if you really look matured like you're in 19 or in 20's, still you should act like your age; act like 16, Thea." He looks playful but he sounds serious. He looks like a puzzle. Hard to guess and to... fix.
"I only call 'kuya' those I am not comfortable with and they are the people I don't want to be close with. Those who are called with their first names should consider themselves lucky." And I gave him my trying hard idiotic smile, too.
"Should I consider myself lucky, then?" nakangisi sya habang tinatanong iyon.
"Why bother, KUYA?" at mas ngumisi ako. I playfully rolled my eyes at him and flipped my hair.
Napatawa nalang din ako nang tumawa sya. Maybe I should be the one to call myself 'lucky' I made him laugh.
Pagdating namin sa pinto ng conference room ay pinigilan ko sya sa pagpasok.
"What?" tanong nya looking at my hand na pinipigilan sya sa kanyang braso. "Dito lang ako. Ikaw nalang pumasok" sabi ko sa kanya.
"Why?" he act like he's clueless about my hesitation. "Have you gone mad? It's exclusive for varsity players only! And I'm just turning Grade 11 this opening! Plus! I'm a transferee!" naiiling kong eksplenasyon ngunit ngumisi lang sya.
"And then?" sabi nya pa. Halos gusto ko syang tadyakan nang bigla nya nang pinihit ang door knob at before I knew it nakapasok na kami.
Nakuha namin halos lahat ng atensyon ng mga taong nasa loob pati na rin iyong nagsasalita sa gitna. I awkwardly smiled at tiningnan iyong reaksyon ni Ralph. He's giving everyone expressionless stares.
Dumiretso kami sa bakanteng upuan sa likod. I am getting frustrated. I know how to act casual in every place I got in pero I don't know how to deal with me being out of place. I hate awkwardness.
Kinurot ko kaagad si Ralph sa kamay nang makaupo kami sa upuan. Mukhang hindi naman sya nasaktan bagkus ay mas lumapad pa ang ngisi nya sa akin.
Why is he so playful towards me and acting so cold at everyone? Wala man lang sya pinansin and I can see some girls na lumingon sa amin and smiled at him. Ni hindi man lang sya ngumiti pabalik. May kumausap sa kanyang lalaki na kaibigan nya siguro pero ang iikli ng sagot nya. Sobrang cold nya kung titingnan sa iba.
Wala akong maintindihan kaya panay ang pangingistorbo ko sa nakikinig na si Ralph na tinatawanan lang ako. Ibinalin ko ang tingin ko sa kanan and then I saw Marcos! Why is he here? Varsity player din sya? Agad akong nataranta. Hindi ko alam kung anong gagawin. Kaagad akong nagtago kay Ralph upang hindi makita ni Marcos ang gawi ko.
Hindi pwedeng hindi nya ako nakita kanina papasok sa room na 'to. Baka kung anong isipin nya at bakit ko kasama si Ralph... Oh, gosh.