"O, edi masaya ka na?" I gave him a poker face. Parang si Papa rin sya, e! Halos gustong magkumot na lamang ako palagi tuwing lumalabas.
"What? You still look good in whatever you wear." He said while grinning. Pinagbihis ba naman ako ng leggings at mahabang shirt. Iyong tipong shirt na hindi kita ang pwetan ko at sa luwang nito, feeling ko'y mukha na akong naliligaw na tomboy dito sa beach.
"Now, I get to calm down." Mahina nyang sabi at palokong inakbayan ako. Para-paraan ka rin Ralph, e.
Nagsimula na kaming maglakad habang nasa balikat ko ang kamay nya. Hindi naman ito mabigat dahil mukhang hindi sya nagbibigay ng weight sa pagkakapatong nya dito.
Ang sarap sa pakiramdam ng hangin dito sa dagat. Sobrang ganda ng resort na ito na gusto ko na lamang tumira at ganitong tanawin ang unang makikita ko sa araw-araw. Hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan ang buong resort.
"You love this sight?" Tanong ni Ralph sa akin habang nakatingin sa dagat. Tumango naman ako. "I love everything about water, sand, and bright skies."
"By any chance, do you want to live beside the sea?" At ibinaling nya ang tingin sa akin.
"I would love to." I am smiling widely while saying it. The sea breeze just lift my mood always.
"Noted." Wika nya na nagpakunot sa noo ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin at pinagmasdan ang mga kaklase ko habang naglalaro sa dagat. May ilan pang kumaway sa amin, kumaway din naman ako pabalik.
"You don't have to treat my whole class." Mahinahon kong sabi habang diretso lang ang tingin sa mga kaklase ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa nya. "So, you know," natatawang sambit nito. Tiningnan ko sya and pouted. "Bakit mo naman ginawa 'to?"
"I really thought I won't be able to come back this week and you sounded really stress in our phone calls so I think this would make you better. Kaya ayun," mahabang eksplenasyon nya. Yes, mahaba na talaga iyon. "I'm a man of few words" sabi nga nya.
"Pera talaga galawan, e, no?" Nakangisi kong sabi sa kanya. "It's not about the money!" Reklamo nya na ikinatawa ko.
"Hindi nga." Pang-iinis ko sa kanya. Nagulat ako nang bigla nya akong buhatin. Bridal carry. Napasigaw ako nang mabilis syang lumapit sa dagat. Ayokong mabasa! Ang hahaba ng suot ko!
Patuloy lang sya sa pagbuhat sa akin papunta sa dagat. Hampas naman ako nang hampas sa kanya. Ang lakas ng tawa nya habang nakikita akong sumisigaw, enjoy na enjoy talaga syang nakikita akong ganito. Umamba syang ihahagis ako sa tubig nang bigla kong niyakap ang leeg nito ng napakahigpit. Hindi ako malalaglag, kung oo ay sisiguradohin kong sabay kami.
"Ralph! Ilayo mo ako sa tubig!" Sigaw ko sa kanya habang akap-akap pa rin ang kanyang leeg. Tawang-tawa ito na nag dulot na labis na pamumula sa maputi nyang mukha at taenga. Ang cute nyan'g tingnan.
"Ibabagsak talaga kita," natatawang sambit nito. Hinampas ko sya at nag inarteng parang naiiyak. Ayoko talagang mabasa dahil sa suot ko ngayon. It feels not right!
"One!" At nag bilang pa talaga ito. "Ralph naman, e," naiinis kong wika.
"Two!" Tawang-tawa talaga sya sa kanyang ginagawa. I think I don't have a choice. Basa rin naman sya dahil hanggang bewang nya na ang tubig.
"Three," he said at mabilis syang naglakad papalapit sa malalim na part ng tubig, unti-unti kong naramdaman ang basa sa aking katawan.
Sabay naming ibinaba ang ulo namin sa tubig.
Napabuga ako ng malakas na hininga nang maka-ahon kami. Ang tagal rin naming nakasisid sa tubig.
Unti-unting sumilay sa bibig ko ang ngiti nang makitang nakapikit pa rin si Ralph. Hindi nya maalis ang maalat na tubig sa mata nya dahil buhat-buhat nya ako.
Dahan-dahan kong hinawakan ang mukha nya. His pale skin is so red right now. Tirik na tirik kasi ang araw at tawa pa sya nang tawa. My system trembled as I touched his face. Parang bigla akong na kuryente, pero tuloy pa rin ang paghawak ko rito. Ito 'yong klaseng kuryente na gugustohin kong maramdaman palagi.
Inilapit ko ang aking kamay sa kanyang mata at hinaplos ang mga ito upang mawala ang tubig. He smiled at me widely nang makamulat sya. His smiles are so precious to see. Everything about him is slowly turning perfect in my eyes...
"Ibaba mo na ako," I said while pouting. Hindi ko mapigilan ang sarili kong magpa-cute at ma-conscious habang kaharap ang napakaguwapong nilalang na ito. His every features symbolizes a greek god. His deep brown eyes na may pagka-chinito, pointed nose, his adorable lips... They're all perfectly matched in his face. He doesn't look like a Filipino at all. His features are so special to be determined what genes does he have.
"It's too deep," nakangising saad nito. Napatawa na lamang ako. Ang lalim ng tingin nya sa mata ko, parang gusto ko na lamang malunod sa mga mata nya.
"Salamat po talaga kuya Ralph for this treat. Sobrang na-enjoy po namin," wika ni Emy habang nakangiting kumakain. Maging ang aming lunch at dinner ay sinagot nya. It happened pala na matalik na kaibigan ni Ralph ang may ari ng isang restaurant sa resort na ito kung saan kami kumakain ngayon.
"It's nothing," tanging sagot ni Ralph at ngumiti ito ng maliit. He's not really a people person. He is not good at talking to random people, maging ang mga kaibigan nya nga ay hindi nya ganoon'g kinakausap. Nagiging madaldal lang talaga sya 'pag ako ang kausap.
It's 9pm already. Ang plano ay uuwi kami ng 6pm pero dahil masyado kaming napasaya ay hindi na namin namalayan ang oras. So we ended up checking in sa hotel dito.
There are some na may dalang pera at may iilan rin'g sinagot si Ralph. After all, this is still his plan so responsibilidad nya pa rin kami. We are all high school students, sya lang itong nasa legal age samin kaya nasa kanyang shoulder lahat. I am still amazed
of him doing all of this just to make me feel better. It's a nice short getaway rin kasi saming magkaklase dahil andame rin naming ginawang outputs for the past days na talagang nagpa-stress sa akin.
Magkasama kami ni Emy sa iisang room ngayon. Kung meron man'g napakasaya ngayon except sa akin ay si Emy iyon. Sobrang swerte na raw nila na nilibre at nakasama nila sa isang hapunan si Ralph. Kilala naman daw talaga si Ralph sa Era na isa sa pinakamayayamang estudyante pero never in their wildest dreams daw na isa sila sa mapapalad na maaambunan ng kayamanan nito. Kadalasan daw ay soccer team at mga kaibigan nya lamang ang naililibre ni Ralph. Dahil nga hindi gano'n ka socialize na tao si Ralph. Napangiti naman ako.
"Generous naman talaga si Ralph." Nakangiti kong sabi kay Emy. Nakita ko naman paano nag-iba ang expression ng kanyang mukha. Hindi ko gusto iyon. "May something talaga sa inyo ni kuya Ralph, ano? Kaya pala hindi kayo pwede ni kuya Marcos dahil may kuya Ralph ka na. Ang haba ng buhok mo 'te!" At lumapit pa talaga sya sa akin sapilitang ni-flip ang buhok ko. Napailing na lamang ako sa kanya.
Funny how fast things happened. Parang kahapon lang ganito kami, parang kahapon lang iba ang gusto ko, parang kahapon lang ako dumating dito. Ang bilis pero at the same time ang raming nangyari. Mga pangyayaring babaon na sa isipan ko habang buhay. Mga pinakamagandang pangyayari.
In every step I took, iba-iba ang nakakasalamuha ko. Ang bilis! I can't help but to be amazed. Ang bilis ng transition ng buhay ko that I think may mga rason behind everything. Lord is preparing me for a larger trial in my life. He is letting me discover myself truthfully. Andame kong nakilala in a short period of time... And I'm asking, why? Bakit ko nga ba sila nakilala, I mean, nakilala ko lamang ang pangalan nila and their existence and that's all. Most of the time sa iilang tao lang ako nag tatagal talaga. Ang dami nga nila pero I didn't have a chance to spend a lot of time with them. Parang... Parang ipinakilala lang sila sa akin. They have their purpose someday, I know. Kakailangan ko sila balang araw and knowing them earlier would make a lot of difference.
Or maybe... Masyado lang akong mapili sa taong gusto kong makasama? I know how to be sociable but I can't hide the fact that I am a choosy person. I will talk to you if I need you or I need to. But when I talk to someone because I just want to, it's totally different. At iilang tao lamang ang kinakausap ko dahil gusto ko hindi dahil sa kailangan ko sila...
I smiled when I realized it. Akala ko ay nawala na iyong issue ko tungkol sa pang-iiwan pero nandito pa rin pala. Iilang tao lamang ang binibigyan ko ng tyansang kumonekta ang buhay ko sa kanila dahil takot ako... Takot pa rin akong maiwan nalang ng basta. I rather be the one who ran away than someone who's been left behind.
And I think I am slowly surrendering my cards on someone's table. Giving that someone a chance to enter my life. Giving them a chance to ruin a broken lost child, again.
***
"Thanks for the ride and everything, Ralph. Sobrang nag enjoy ako..." Nakangiti kong wika nang ihinto nya ang sasakyan sa harap ng dorm building ko.
"My pleasure," and he winked at me. Nagiging ugali nya nang gumanon sa harap ko.
"Mag ingat ka sa pag-uwi, ah."
"Opo." At bahagya akong napatawa sa kanyang tagalog accent. Masyadong naaddopt nya ata ang accent sa labas ng bansa na medyo ang awkward nya ng pakinggan mag tagalog.
"Goodnight, Thea."
Ngumiti ako sa kanya bago isinirado ang kanyang sasakyan. It's 8am in the morning, linggo. Kailangan ko ng mag-ayos kaagad, sasamba pa ako ng 10:45AM.
Nagmamadali akong pumasok sa gate ng church. Gusto kong nasa unahan ako 'pag sumasamba kaya medyo inagahan ko pa.
"Hey," at napalingon naman ako sa humawak sa balikat ko. Napangiti ako nang makita si Marcos. Ang lapad rin ng ngiti nito habang nakahawak sa kamay ng kanyang nobya, si Zarrah.
"Hi, Ayet," Zarrah waved at me while smiling. I smiled back at her.
I can see that they are both really happy. I can see it in their eyes. Sino ba namang hindi magiging masaya kung legal kayo, 'di ba? Sa mata ng tao at maging sa mata ng Diyos. Parehas naman silang nasa legal age na, e.
Kahit papaano ay I can still feel bitterness while seeing them together. I can't hid the fact na naging crush ko si Marcos... Hanggang ngayon pa rin naman pero hindi na ganoon ka lala. Tanggap ko nang hindi kami pwede kaya unti-unti na rin'g nag lessen ang feelings ko towards him. Everything he does for me, every time he sang me a song ay unti-unti nang nawawalan ng saysay sa akin. Nawala na iyong hope na baka gusto rin nya ako nang makita ko mismo kung gaano nya ka-mahal si Zarrah. No matter how he denied it, babagsak at babalik pa rin sya kay Zarrah. But still I'm thankful for him dahil pinasaya at pinakilig nya ako for a mean time. Okay na iyon sa akin.
Naging sya ang sentro ng mundo ko sa isang pagkakataon and hindi ko iyon pagsisisihan because he is still Marcos. The Marcos Suarez who I liked. The effortless perfect person I knew. No matter what happen to us, I will still be there for him. I owe him a lot.
Nang makapasok ako sa loob ng bahay sambahan ay kaagad na akong nanalangin. Nagpasalamat at nanghingi ng tawad sa Diyos sa lahat lahat. I can't help myself but to burst in tears while praying. Sobrang bait nya sa akin.
Lord, I will never get tired on thanking You for everything. I may not have the perfect life, but You made everything worthy, binigyan Mo ng sagot at solusyon ang lahat. Maraming salamat, po.