"Bakit ang tahimik mo? Iniisip mo ang nangyari kanina?" tanong ni Wommie sa nananahimik na si Aru. "Do you still like him?" kinakabahang tanong ni Aru. Natawa si Wommie at sinandal na muna niya ang bisekleta na hawak niya sa puno para malapitan niya si Aru. "Not anymore. Saka asawa na siya ni Grey noh, bakit naman ako papatol sa may asawa na kung pwede naman doon sa single at hot na gaya mo?" Agad na namula si Aru at nakagat ng mariin ang labi niya. Ang nag-aalalang mukha niya kanina ay napalitan ng tuwa. Tipong ngingiti siya tapos hindi. "Do you really know how to make me blush." Natawa si Wommie at yumakap sa binata. "Nagsiselos ka ba kay Rem kanina?" tanong ni Wommie. Kumibot ang labi ni Aru at tumingin sa kabilang banda. Si Wommie ang tipo ng babae na madaling paibigin. Kaya kun

