Nagtataka si Wommie na walang Hut na bumalik. ‘Saan na ba yun?’ aniya at tumayo. Pumunta siya ng pinto, balak sanang buksan pero napahinto siya ng maalala na gabi na. Napabuntong hininga siya at bumalik sa kama niya. Hut told her na kukuha lang siya ng ice cream at babalik agad pero anong oras na ay hindi pa rin ito bumabalik. Si Rem ay naiinip na. Kanina pa niya hinihintay na humiwalay si Hut kay Wommie. Pero inabot sila ng gabi bago lubayan ni Hut ang dalaga. Inutusan niya ang dalawang tauhan niya kanina na pasukin si Wommie sa cabin at dalhin sa kaniya ngunit nakita niya na iyong mga naglilinis lang ay biglang dinampot ang dalawang hinire niya na tauhan at kinaladkad ito palayo sa cabin ni Wommie. Doon niya napagtanto na lahat ng mga empleyado na nasa barko ay bantay ni Wommie. ‘Ga

