Kakatapos lang ng meeting ni Wommie kasama ni Ambross at ng iba pang mga mahahalagang tao para sa project na itinatayo nila. Kasama nila ngayon si Clark at Rod. Ramdam ni Wommie na napapadalas siyang tinitignan ni Rod Chavez. At kung minsan, nakikita niya ito at Clark na nagbubulungan. Lumapit si Clark sa kaniya kasama ni Rod matapos ang meeting habang si Ambross ay kinakausap ang architect and engr. “Wommie,” “Sir?” Ngumiti si Clark sa kaniya at itinuro si Rod. “This is Rod Chavez. Asawa ng kapatid ni Clarissa,” aniya. Ngumiti si Wommie kay Rod at nakipagkamay dito. “Nice to meet you po sir Rod,” Narinig nga ni Wommie ang balitang may half-sister si Clarissa. “Nice to meet you Miss Wommie. So how’s Tro…I mean your boss?” Napatakip si Clark ng kamay ng matawa siya bigla at nag-iwas

