Ang nakangiting si Serina ay agad na naging seryoso nang makita ang kaibigan niya na umiiyak. Halos matumba sila nang bigla siyang dambahan ni Wommie ng yakap. Napatitig si Serina sa mga tao sa likuran ni Wommie. "Why are you crying?" takang tanong ni Seri kay Wommie. Hindi makasagot si Wommie dahil patuloy pa rin siya sa pag-iyak. "Wommie, ang saya-saya mo pa nga doon sa barko bago tayo naghiwalay e. Bakit parang na byernes-santo ang mukha mo? Kung sinabi mo lang na iiyak ka sa bahay niyo, hindi na sana kita hinayaang umalis. Naghahanap pa naman sila mama ng isang anak I'm sure they'll like you." Biro ni Serina. Napasinghap silang lahat nang marinig ang sinabi ni Serina. Naniniwala na talaga silang hindi totoo ang cruise ship na sinasabi ni Wommie ngunit ngayon ay biglang napalitan an

