Matapos ang pag-uusap ni Wommie at Aru, lumabas ang dalaga mula sa opisina na may ngiti sa labi. Magaan na ang pakiramdam niya, at napagtanto niya na mabait naman pala ang boss niya. Sakto namang gabi na kaya nagsisi-uwian na rin ang ibang empleyado. Balak hintayin ni Wommie si Trooper na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakikita. Hahanapin niya na sana si Trooper ng biglang may tumawag sa kaniya. "Wommie," napalingon siya sa tumawag sa kaniya at nakita niya si Clarissa na nakangiti sa kaniya. "Ma'am? May kailangan po kayo?" Umiling si Clarissa at hinawakan ang kamay niya. "Nag-usap na ba kayo ni kuya?" Tumango si Wommie. Siguro alam ni ma'am Clarissa iyong mga pangbabackstab ko sa kapatid niya. Sabi ni Wommie sa isipan. "Alam mo Wommie, masayang masaya ang kapatid ko ngayon. Mabai

