Sister? Tanong ni Wommie sa isipan niya. Lahat napasinghap at nagulat. Kahit si Rem sa gitna ay nanlalaki ang matang nakatingin sa lalaking inakala niyang ang pangalan ay Trooper. "Ipapakulong mo ang chairman ng MGC?" galit na galit na sabi ni Clarissa. "Ano? Chairman?" hindi makapaniwalang sabi ni Rem. Dumating si Clark at Rod at naabutan nila ang commotion na nagaganap. "Oo, chairman ng MGC. Ang lalaking sinabihan mo ng walang hiya at plano mong pasisantihin ay ang kapatid ko. Si Warrius Malaque! Ang kapal naman yata ng mukha mo para sumugod dito at pahiyain siya." Umingay ang paligid at samu't-saring bulungan ang nagaganap. Lahat ay nagulat na ang nakikita nila araw-araw at nakakausap nila lagi ay ang boss pala nila. Na ang kasamahan pala nila sa trabaho na kinilala nilang si T

