MITCHELL MONDRAGON When I left Alexis in Jade's room ay sinundan ko kaagad si Red. Prente siyang naglalakad pababa ng hagdan na para bang kanya ang buong mundo. I don't know why she didn't use the elevator instead. "Red!" tawag ko para agawin ang atensyon niya. Lumingon siya akin nang may blangkong mukha. Gumilid siya sa railing at huminto. Hinayaan niyang dumaan ang tatlong nurse at isang doctor. When they greeted her, tinanguan niya lang ang mga ito. She's too serious at alam ko ang dahilan. Nagmamadali akong lumapit sa kanya. "Sasabay ako sa baba. I hope you don't mind. Saan ang punta mo?" Tinuro niya ang harapan na building. Isang ice cream parlor and pizza house ang nasa tapat mg hospital nila. "Sa tapat lang." Nang makaagapay ako kung nasaan siya ay nagsimula uli siyang

