MITCHELL MONDRAGON Shit! Sa peripheral vision ko ay nakita ko ang lalaking may hawak na na baril at nakatutok na iyon kay Lolo Mamerto! "Lolo!!!" sigaw ni Alexis kaya natauhan ako. Damn it! Kung gaano kabilis ang naging pagharang ko sa katawan ko para hindi ang matanda ang tamaan ng bala ay ganoon din naging maging ang pagtama ng bala sa katawan ko. This is great! What now, Mitchell? "Pasok na, Lola Anita!" sigaw ko habang nakikipagpalitan na rin ng putok sa lalaking nakatama sa akin. "Ayos ka lang, Lolo?" Na-shock na yata si Lolo Mamerto kaya hinila ko na lang siya papunta sa sasakyan na ilang dipa pa ang layo sa amin. May nagpaputok ulit! Napaigtad na naman ako nang may naligaw na bala sa bandang balikat ko pero balewala sa akin iyon dahil si Lolo Mamerto ang inaalala ko.

