ALEXIS JAVIER Dalawang araw na simula nang masayang agahan—tanghalian pala namin ng mga Zodiac at ito ako ngayon, ninanamnam ang init ng araw sa bakuran nila habang nakahiga. I feel like I belong in this house. Charot lang. Naghikab ako at nag-inat. Nakakatamad ang araw na 'to, sobra! Wala kasi si Jax na naging kakulitan ko habang nagpapagaling siya. Ngayon kasi ay nag-aaral na ang damuho. Ang mag-asawang Zodiac naman ay parating wala rito. Si Mitchell? Nako, ewan ko kung nasaan na ang tomboy na iyon. Hindi ko na nakita simula nang makatulog ako roon sa hospital. Haist, pero alam niyo? May nahahalata akonsa grandparents ko at hindi ko natukoy kung ano. Kapag kasi magkasama kami ni Tita Athena ay hindi lumalapit sa akin sila lolo at lola. Parang ang layo na ng loob nila sa akin… Maybe

