ALEXIS JAVIER Nagmamadali akong pumasok sa loob ng room ko dahil bigla na lang akong natauhan sa pagiging intrimitida ko. "I could not believe you did that stupidity, Alexis! Bahay mo 'to? Bahay mo?" Para na tuloy akong tanga na kinakausap ang sarili ko. Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama nang bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya tumayo na naman ako at kinuha ang gadget. Unregistered number na naman? Ano na naman 'to? Sino na naman ba 'to?! Sabagay, hindi ko masasagot ang tanong ko kapag hindi ko sinagot ang putris na tawag na 'to. "Hello!" Galit talaga ako kaya galit din ang bungad ko. "Alexis?" 'Tang ina, boses lalaki at kilala pa talaga ako! "Sino 'to?" "Si Rocky 'to. Nasaan ka?" "Rocky Aguirre? Iyong ja—" I stopped. Hindi ko dapat siya bigyan ng informat

