DYNASTY SERIES Present: "Goddess In Bed " WALONG buwan. Walong buwan ang matuling lumipas mula nang maganap ang paghingi nang isang kamay ni Lucian kay Czarinnah, naging laman din sila nang internet, telebisyon at kung anu-ano pang website dahil na rin sa mga nitizen na nakakuha nang video nang araw na nagpropose si Lucian kay Czarinnah, at ang araw na iyon ang s'yang araw na pinaka masaya para sa dalaga. Sa walong buwan na lumipas sapat ang panahon para mapaghandaan ang gusto nilang kasal. Sapat na rin ang panahon para mapatunayan nila sa isa't-isa na mahal nila ang isa't-isa. Ang walong buwan ding lumipas ay mas naging malagkit at mainit ang pag-iibigan nina Czarinnah at Lucian. At kahit minsan wala ang dalagang narinig ni katiting na anu pa mang salita sa nakaraan nang dalag

