DYNASTY SERIES Present: "Goddess In Bed " NANG matapos ang klase ni Czarinnah, matyaga s'yang naghihintay sa may gate nang kanyang unibersidad. Ngunit halos sampung minuto nang lumilipas hindi pa rin dumarating ang kanyang kuya. Kaya naman nagpasya s'yang tawagan nalang eto. "Kuya nasaan ka na ba? Kanina pa ako dito eh.." wika naman ni Czarinnah.. "Prinsesa ko hindi ako makakarating, mag taxi ka nalang muna ha.. May tatapusin kase akong trabaho.. Mag-iingat ka.. Lub u.." wika naman ni JC. "Okay sige Kuya. Walang problema." tugon naman ni Czarinnah sa kapatid. Kinuha lang ni Czarinnah ang gamit at tuluyan na ring lumabas nang campus. Paparahin na nya ang isang taxi nang businahan s'ya nang isang sasakyan, hindi nya kilala iyon kaya naman umatras s'ya nang bah

