DYNASTY SERIES Present: "Goddess In Bed " KALMADO at di kababakasan nang takot si Czarinnah habang ang apat na lalaki panay ang ikot sa kanya at tila tinatakot sya. Dahil napunit ang kanyang damit, patuloy nyang inaayos yun at itinali, muli nyang tinapunan nang tingin ang dalagitang nakahiga sa laboratory table. Hindi nya alam kung buhay pa eto, di na gumagalaw ang babae. Napukaw ang kanyang iniisip nang sakalin sya mula sa likuran nang isang lalaki. Mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang leeg gamit ang braso nitu. Kalmado pa rin sya kahit na nasasaktan na ang kanyang leeg hanggang sa lapitan sya at daluhan pa nang dalawang lalaki, doon na kumilos si Czarinnah. Gamit ang kanyang pwersa, bumwelo sya para sipain ang dalawang lalaki sa harapan. Magkasabay silang napahiga nang lalaki

