DYNASTY SERIES
Present:
"Goddess In Bed "
HABANG nagkakagulo sa labas wala namang pakialam si Czarinnah. Nakabantay sa kanya si Lydia eto ang naghatid nang kanyang agahan, as usual wala naman talagang ibang magdadala noon sa kanya eto lang ang pinagkakatiwalaan ni Randolf pagdating sa kanya..
"Nabalitaan mo ba ang nangyari sa labas nang bahay mo?" tanong ni Lydia..
"Anong nangyari?" pagkakaila ni Czarinnah..
"So hindi mo alam..?" pangungumbinsi at paninigurado ni Lydia..
"Hindi.." muling sagot ni Czarinnah..
"Hindi ko nakita ang bangkay pero putol daw ang ari nang lalaki at may gilit ang leeg na syang kinamatay marahil nang biktima.." paliwanag ni Lydia..
"Hhhhmmm.. Baka pinagtripan nang kapwa nya adik.." patuloy pa rin sa pagsubo nang pagkain si Czarinnah, habang si Lydia pinagmamasdan namang maigi ang alaga tiningnan nya eto kung wala nga ba eto kinalaman sa nangyari..
"Wag mo akong titigan Lydia nang ganyan.. Alam ko ang kahulugan nyan, wala akong kinalaman doon, at alam kung dika sang-ayon na aksayahin ang lakas ko para lang sa walang kwentang bagay..
"Okay. Mainam na ang maliwanag ayoko gagawa ka nang hakbang na kapwa natin ikakapahamak.. Sige na magtapos kanang kumain at mag haharvest ata ngayon sa sanctuarium mo.." wika pa ni Lydia..
"Umalis ba si randolf?" tanong nang dalaga..
"Natutulog ata. May mga bisitang dumating nang madaling araw, may mga dala nanamang sasakyang mga nanakaw.." pagbibigay balita ni Lydia..
"Hhhmmm... Okay maliligo lang ako.. Mabuti at wala tayong bantay.." masayang wika ni Czarinnah..
"Wala!? Nandyan si Pogi sa labas nakabantay..!" ang tinutukoy ni Lydia ay si Lucio..
"Duwag naman yan eh, takot pa kay Randolf.." nakangiting saad ni Czarinnah..
"Sinong di matatakot sa isang Randolf Gwen.. Uy Czarinnah wag mong kakantiin yang body guard, kawawa naman ang lahi nang batang iyan, baka mamatay lang nang wala sa oras.." nakangiting wika ni Lydia..
"Sige.. Basta ba hindi sya bad sa akin eh.." makahulugang ngiti ni Czarinnah. Saka tuluyan etong pumasok nang banyo.
Habang naliligo ang dalaga, inilabas naman ni Lydia ang pinag-kainan nilang dalawa, inabot nya eto sa body guard na iniwan ni Randolf at pinakisuyuan nalang ni Lydia na ihatid sa mga katulong. Agad din naman syang pumasok sa loob at inihanda ang damit nang dalaga. Nang matapos si Czarinnah na maligo tinawag nya si Lydia para iabot sa kanya ang towel. Si Lydia na din ang nagpunas nang katawan nang dalaga, sya din ang nag-apply nang body lotion dito.. Nang makapag suot nang underware ang dalaga, si Lydia na rin ang nag blow dry nang buhok ni Czarinnah..
"Lydia lalaki ba o babae ang anak mo..?" tanong ni Czarinnah..
"Lalaki. Sayang nga hindi ako nagkaroon nang babae kase naman, nangyari na agad noon ang pananambang sa amin nang pamilya nang hayop na ama ni Randolf.." maikling kwento ni Lydia..
"Siguro sobrang miss mo na sila anu?" tanong ni Czarinnah..
"Oo Czah.. Sobra pero minsan sumasama din ang loob ko, hindi ko kase alam kung ni minsan ba hinanap man lang ako nang pamilya ko o hindi.. Kaya noong minsan may malaking raid na naganap dito, ang saya ko akala namin makakalaya na kami pero ayun wala pa rin tiklo pa rin ang mga pulis.." sabay palatak ni Lydia..
"Hayaan mo Lydia mas paghuhusayan ko ang gagawin ko para pareho tayong dalawa makalabas na dito, ako wala naman akong inaasahan na naghihintay sa akin, kung hindi lang dahil sayo at sa paniningil ko kay Randolf, dito nalang ako magpapaka buro sana.." wika ni Czarinnah.
"Naku kapag handa na ang lahat, makakalabas na rin tayo dito.. Kaya halika na at naghihintay na ang mga orchids mo.." hinawakan pa ni Lydia ang kamay ni Czarinnah at magkasabay na sila lumabas nang silid nang dalaga..
~~~
"Good morning Ma'am! " bati sa kanya ni Lucio nang nasa labas na sila nang silid.. Lumingon lang si Czarinnah dito sabay lakad na rin palabas.
"Suplada.." mahinang wika ni Lucio nang di sya tugunin ni Czarinnah. Nang marinig naman ni Czarinnah ang lalaki muli nya etong nilingon at tiningnan nang masama..
"Hindi ko pinpansin ang mga lalaking bahag ang buntot.. Sa amo mo nalang ikaw sumipsip wag na sa akin! " pahaging pa ni Czarinnah..
"Hellow! Ano ang tema nyo? Para kayong mag-lovers ah.. Nandito kaya ako.. Magkakilala ba kayong dalawa?" sabat naman ni Lydia..
Nasa unahan sina Lydia at Czarinnah habang nasa likod naman si Lucio nang dalawang babae. Eto na rin ang nagmaneho nang vehicle car na nandoon patungong Sanctuarium de Orchidias. Talagang patay na patay sya sa ganda ni Czarinnah. Iba ang dating sa kanya kapag nakikita eto, di nya maintindihan kung mahihiya o magmamayabang sa babae, ngunit ayaw naman nyang ma-on the spot na mabaril nang amo kaya iniingatan nya ang kanyang nararamdaman para sa sinasabing pag-aari nitu.. Nang makarating sila nang sanctuarium si Lucio pa ang umalalay kay Czarinnah, dahil may kausap si Lydia sa cellphone nang mga oras na iyon.. Eto ang kauna-unahang pagkakataong nahawakan ni Lucio ang kamay nang dalaga, napakalambot nang palad nitu at ang liit nang mga daliri halatang wala talaga etong ginagawa, nang maibaba nya ang dalaga lihim pa nyang inamoy ang kanyang palad dumikit ata sa kanyang mga kamay ang pabango na iwinisik ni Czarinnah sa buong katawan nitu. Hindi naman nakaligtas kay Lydia ang ginawa nang body guard kaya nilapitan ni Lydia eto habang abala na si Czarinnah..
"Mag-iingat ka lang, wag mong uuliting gawin yon, maraming tauhan si Randolf baka mapahamak sa ginagawa mo, kung mahal mo ang buhay mo kalimutan mo ang nararamdaman mo para sa alaga ko.." paalala ni Lydia dito.. Umatras naman si Lucio nang marinig ang sinabi ni Lydia..
Nakatayo lang pareho ang dalawa at tinatanaw si Czarinnah sa pag mamando sa pumuputol nang mga orchids. Pumitas pa nang isang pirasong orchids ang dalaga at inipit sa tenga nitu. Magiliw na pinag mamasdan eto ni Lucio sa di kalayuan, habang ang tumatakbo sa kanyang isip, magkasama silang dalawa ni Czarinnah sa isang beach, silang dalawa lang naghahabulan sa tabing dagat at nang maabutan nya ang dalaga, yakap nya eto at nagpagulong-gulong sila sa buhanganinan.. Napakasaya ni Lucio habang tumatakbo sa kanyang isipan ang dalaga.. Kung hindi pa sya hinampas ni Lydia, hindi matatauhan ang lalaki..
"Czarinnah magpahinga ka nalang muna, mukang may bisita si Randolf mamaya, isasalang ka raw nya sa stage.." bulong dito ni Lydia..
"Anu? Bakit isinalang na nya ako kagabi ah.." bulong din ni Czarinnah..
"Mukang may bisitang di matanggihan, hinihiling ata na mapanood ang best show sa club.." tugon ni Lydia.
~~~
"Mas makakabuting dumito ka nalang muna Jc nang sa ganoon, makita mo ang buong Palasyo natin. Welcome ka dito sa ganda nang mga sasakyang dinadala mo, wala akong masabi, at ang lahat nang tao napaka husay nilang mag retoke nang mga sasakyan.. Kaya naman pasasalamat ko na rin sa'yo anu mang oras na gusto mong maglagi para matapos ang lahat nang proyekto natin pwede ka tumambay.." anyaya ni Randolf kay Jc. Isa si Jc sa kilalang magaling magnakaw nang sasakyan, ang grupo din ni Jc ang syang nagpapagandang muli sa mga nakaw na sasakyan para maibenta eto nang mas mahal na halaga o depende sa klase pa rin nang sasakyan na kanilang na-Carnap. Pumasok sya sa Dynasty nang sa ganoon mas malaki pang halaga ang kanilang kitain, kilala nya si Randolf kaya pinilit nyang mapalapit dito. At pasukin ang mundong kinabibilangan nang isang Randolf Gwen..
"Wala naman akong karapatang tanggihan ka, ikaw ang boss kaya sino ba naman ako para tanggihan ka.. Balita ko nga marami kang mga magagandang babae dito balatuhan mo naman ako nang isa.." biro pa ni Jc..
"Hayaan mo't bibigyan kita, basta pumunta ka mamaya sa club.. Maayos naman na ang tutuluyan nyo di ba? " tanong ni Randolf..
"Maayos na maayos Randolf. Salamat.." nakipag kamay pa si Jc sa amo nya ngayon..
Matapos na mag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang transaksyon, si Czarinnah naman ang pinuntahan ni Randolf sa mansyon nitu. Agad syang tumuloy sa kwarto ni Czarinnah. Lumabas naman si Lydia nang pumasok ang amo sa silid, wala man lang eto pasabi na darating o pupunta sa silid ni Czarinnah..
"Hi baby! Oh wala bang kiss si Randolf dyan.." bati ni Randolf dito..
"Hmp! Nagtatampo ako sayo, dika pumunta dito kagabi eh..!" tila batang wika ni Czarinnah..
"Naku may mga bisita kase kagabi kaya hindi na ako nakapunta dito.. Oh kumusta ka naman? Nag-enjoy ka ba kagabi?!" tanong ni Randolf..
"Okay lang.." matipid na sagot ni Czarinnah, sabay himas nang dalaga sa pagka lalaki ni Randolf..
"Mamaya may show uli tayo ha.. May bisita kase tayo.. Kailangan nating magpakitang gilas kung gaano tayo kagaling.." wika nang lalaki..
"Ganun ba? Okay lang wala namang problema, gusto mo umpisahan na natin ngayon eh.." sabay pumaibabaw si Czarinnah sa lalaki at pinupog naman nang halik ni Randolf ang mga labi nang dalaga.. Ngunit ilang segundo palang sila nagkikiskisan nang kanilang labi, si Randolf na ang umawat.
"Just reserved your energy for tonight.. And wag kang lalabas nang mag-isa Nandyan si Lucio sya na muna ang magbabantay sa'yo.. May namatay kase sa Hotel mainam nang mag-ingat tayo, alam mo namang kung gaano kita kamahal ayokong masasaktan ka o kakantiin nila ni dulo nang daliri mo.." mahabang litanya ni Randolf..
Ngumiti naman nang napaka tamis si Czarinnah sa lalaki.. Matapos hipu-hipuin ni Randolf ang maselang parte nang pagkakababae ni Czarinnah at saglit na sinisipsip nitu ang n****e nang dalaga, agad namang nagpaalam eto kay Czarinnah.. Tumango nalang si Czarinnah. Lihim syang nagpapasalamat kapag alam nyang aalis eto at iiwanan lang sya..
~~~
Dala nang pagod din nang nagdaang gabi hindi na muna nag-ensayo si Czarinnah at naiintindihan naman ni Lydia iyon. Kailangan din magpahinga nang kanyang alaga, lalo na't isasalang etong muli ni Randolf sa torohan ngayong gabi. Kaya hinayaan nalang nyang makapag-pahinga ang dalaga.. Iniwan nya eto sa silid at nakabantay naman si Lucio sa labas nang kwarto kaya wala namang problema kung iiwanan nya si Czarinnah.
Kinagabihan si Lydia ang naghatid nang gamot na ituturok kay Czarinnah, pasalamat nalang silang dalawa at ang tagapag-alaga ang madalas utusan ni Randolf, ngunit nakatikim na rin naman si Czarinnah nang droga, dahil kapag nagtso-tsongke si Randolf minsan tinatawag talaga nitu si Czarinnah at pinapasalo sa kanya, kaya alam din ni Czarinnah ang pakiramdam nang nasa alapaap na dulot nang droga..
"Lydia parang ayoko na ata, iturok mo nalang yang gamot sa akin nang sa ganun talagang wala ako sa sarili.." tila gusto na din ni Czarinnah maiyak nang oras na iyon sa kanyang kalagayan.. Wala namang nagawa si Lydia kundi ang yakapin ang alaga..
"Wag kang mawalan nang pag-asa. Kaunting tiis nalang Czarinnah at makukuha na rin natin ang gusto natin, uminom kanalang nang alak, mas mainam pa iyon, kesa magpaka lango ka sa bawal na gamot.." pagpapalakas naman ng loob ni Lydia sa alaga..
"Hayy.. Nakakapagod din pala, diko akalaing mapapagod ako pag ganito palagi.." reklamo muli ni Czarinnah sabay tungga nang ibinigay na alak ni Lydia..
Nang lumabas si Czarinnah, inalalayan pa sya ni Lucio muntik na kase syang mabuwal.. Napadami ang alak na nainom nya.. Kitang-kita ni Lucio ang lungkot sa mukha ni Czarinnah, parang may kirot na biglang lumapat sa puso ni Lucio nang makita ang itsura nang dalaga, awang-awa sya dito. Durog na durog ang kanyang puso sa t'wing nakikita nyang ganito ang lagay ni Czarinnah..
"Kaya mo ba? Naparami ata ang ininom mong alak eh, groge ka na oh.." wika ni Lydia nang maihatid si Czarinnah sa back stage nang club..
"Kaya ko, ako pa.." bubulul-bulol namang sagot ni Czarinnah..
Hindi naman iniwanan ni Lydia ang dalaga sa likod alam nyang nalasing eto sa tinunggang alak. Habang nanabik naman ang mga manonood sa harapan nang entablado, nasa harapan din sina Randolf, Jc at Lucio.. Magkatabing naka upo sina Randolf at Jc habang si Lucio nakatayo naman sa gilid ni Randolf.. Naunang magsalita ang emcee nang club, ipinakilala ang Reyna nang Dynasty Palace.
"Gentle men, ang babaeng inyong pinapangarap, ninanais na makaniig at makasama. Pwede nyong makita, ngunit kahit kailan hindi magiging inyo, at kahit kailan hindi ninyo mahahawakan sa inyong mga bisig.. No other than Ms. Czarinnah!" masayang pakilala nang emcee kay Czarinnah..
Ilang sandali pa umakyat na rin nang stage ang dalaga, nagsimula ang mahaliparot na tugtugin na sinabayan nang pag giling nang katawan ni Czarinnah. Habang ang lahat nakatingin kay Czarinnah na unti-unting tinatanggal ang damit. Ang pares nang mata ni Jc di nya maialis sa babaeng tila wala sa sarili na sumasayaw. Kuyom ang dalawang kamao nang lalaki, galit na galit sya sa nakikitang ginagawang kahalayan nang babae. Nilingon ni Jc si Randolf na tuwang-tuwa pa habang pinapanood ang sumasayaw sa stage.. Mas lalong nagalit si Jc sa kasusyo nang makita ang reaksyon nitu. Ngunit nasa kalagitnaan nang pagsasayaw si Czarinnah nang mawalan eto nang malay tao, nagsigawan ang lahat sa pagkabigla. Awa at panghihinayang ang makikita sa mga mata nang kalalakihan, awa dahil inisip nang mga eto na hindi nakayanan ni Czarinnah ang gamot, at panghihinayang dahil hindi matutuloy ang show nang gabing iyon. Mabilis na kumilos si Jc para daluhan si Czarinnah ganun din naman si Lucio. Dalawang lalaking nagkukumahog na puntahan ang dalaga sa stage.
"Hayaan nyo sya at wag nyong lalapitan! Ako lang ang pwedeng humawak at lumapit sa kanya!" galit na wika ni Randolf nang makita ang dalawang lalaking aakyatin sa stage si Czarinnah. Kaya mabilis namang nagkatinginan ang dalawang estrangherong lalaki sa isa't-isa. Kapwang bigo na mahawakan o malapitan man lang ang dalaga. Nakita nalang nila pareho na buhat na ni Randolf si Czarinnah. Wala etong malay, nakasunod naman si Lucio kay Randolf habang si Jc nakatanaw lang sa papalayong walang malay na si Czarinnah..
~~~to be continue