CHAPTER 7- You're so jologs

2428 Words
CHAPTER 7- You're so jologs “Ate, saan ka pupunta? Bakit bihis na bihis ka ata? Pero yung suot mo naman pantalon may butas." singhal na pagtatanong ng punahin ni Gwen ang suot niyang maong. “Bakit hindi ka, magpalit? Butas-butas na 'yan eh!" tudyo at turo pa nito ng hawakan ang mga parte ng maong na suot niya na may mga butas. “Nakakahiya!" bulalas pang maarte na sabi nito habang sinimangutan niya si Gwen. “Wag mo na pansinin. Style 'yan!" aniya ng biruin si Gwen at kinataas naman ng kilay nito. “Styleeeee! D-Daaaahhh." may pagpilantik ang daliri at muling sabi. “You're so jologs!" inismiran pa siya at kinatawa na lang niya at napailing. “Hindi naman Ikaw ang may suot. Bakit ba nangingialam ka?" bulalas niyang sita sa kapatid na nag-iinarte. “Kasi nga…" maarte pa ring bulas nito. “Look 'nga!" sabay turo sa kanyang suot “Did you see it??" nang humaba pa ang nguso at napabuga. “Ate Gia, tumapat ka lang sa salamin and ask yourself kung hindi ba ang sagwa tingnan? Tapos yung pantaas mo pa… ewww! Bata lang ang peg? Huh, Ate Gia? You're too old para magsuot ng ganyan… Except nalang at my age kasi nga baby pa rin ako maituturing. But on your stage…" Umiling-iling pa ito at nakangiwi ang nguso habang ang isang kamay nakahawak sa may baba na parang nag-iisip pa si Gwen at pinag-aralan ang itsura ng kanyang Ate Gia. Kasi nga para na rin itong rakista sa itsura na may hiwa at butas ang maong na suot na nauuso sa ngayon. Tapos ang damit niya na medyo faded pa ang peg na nagustuhan niya na isuot at ipareha sa maong niyang isuot. “Alam mong bata kaaaaa." sabi niya at pinisil ang magkabilang pisngi. “Oo nga naman at baby ka pa rin namin dito sa bahay, nang dahil Up until now, you're so innocent. at mukhang batang sanggol kung umaatungal. But look at yourself naman din baby Gwen. You're too young, but at your age, dapat naman siguro magmature ka na rin at college ka na rin di ba? Hindi ka na dapat nahahanay sa mga kabataan na paslit na pagala-gala lang diyan sa tabi-tabi." Pahayag na sabi ni Gia sa bunsong kapatid niya. Matulis ang nguso nito na nakaturo kay Gia habang pisil niya ang magkabila nitong pisngi at nginitian niya ang kapatid. “Sige na 'nga. Do what you want to do.." nakairap ito na tugon sa kanya. “And please lang wag kang umasta na you're too good sa mga suot mo." inis nito dahil sa hindi manalo-nalo sa kanyang Ate Gia. Wala naman kasi rin pambili ng bagong damit si Gia, at ang mga sinusuot niya ay mula lang sa ukay-ukay niya nabibili at madalas ay nireretoke niya lang para makasunod sa latest at maging IN sa paningin ng mga makakakita. Saka nagmumukhang bago pa nga once na kanyang ginawa at nilagyan ng arte lahat ng mga lumang damit niya. Naiingit pa nga minsan ang mga schoolmates niya at si Romina sa tuwing makikita ang mga lumang damit na suot niya na nagawa niya ng paraan na maging maganda sa paningin ng marami na tulad niya na nakakapuna sa galing ni Gia pagdating sa fashion sa paggawa ng paraan sa pag-recycle sa mga gamit, especially sa mga damit na sinusuot ni Gia. “Hindi ka naman galit? My little sister." aniya na bulalas ng pabiro at kinatawa niya ng muling humaba ang nguso ng bunso niyang kapatid. “May magagawa pa ba ako? Katawan mo 'yan at hindi akin. So, kung anong plano mo sa buhay mo eh! Just focus na lang at ako once na nasa right age na ako hahanapin ko naman ang future jojowain ko nang sa ganun I'm going to be happy not like you, Ate Gia na walang plan ata sa buhay na mag-boyfriend man lang kaya nga siguro madalas ka matsismis ng mga tsismosa nating mga kapitbahay nang dahil sa ayaw mo nga magjowa nang sila na lang gumagawa ng paraan na magkajowa ka kahit wala naman." sabay tawa sa pagbibiro nito sa kanyang Ate Gia. “What else? Buntis?" nang bumungisngis ito ng tawa habang naalala ang pag-iyak niya pa ng malaman na buntis raw ang Ate Gia niya at maisip na hindi na nito matutupad ang pangarap niyang makalipat din ng school, at ang masuportahan siya, nang kanyang Ate Gia, hanggang sa makatapos siya sa course na nais niya sana at hindi ang course na gusto ng parents niya na kanyang kinuha. “Tigilan mo ang pagsasabi na buntis ako, at baka mamaya lang marinig ka nila, Mama at Papa tiyak na mayayari na naman ako sa kanila sa mga tsismis na wala naman katotohanan pero ikinalat ng iba. At isa ka pa roon…" nang singhalan niya muli ang nakababata niyang kapatid at suwayin sa pagiging maingay nito habang nag-uusap sila at natutulog na ang mga Mama at Papa nila sa kanilang kwarto. Ang parents lang nila ang may kwarto. Para magkaroon ng privacy ang mga ito. Kesa naman na sila na ang siya na matutulog duon sa kwarto na tatlo, hindi sila kakasya sa kipot ng kwarto na pinag-tiyagaan ng kanilang mga magulang upang araw-araw na kanilang tulugan. “Tsuri na po Ate 'kong ubod ng jologs. Pero, sige na nga po at keribels na parang doorbells naman ikaw kung magdala ng 'yong outfit…" mabilis na pagbigkas ng inaasar ang kanyang Ate Gia. “Kaya sige na nga po at approved na po, and finally, lagi naman ako salute sa lahat ng outfit na maisip mo." aniya pang dagdag sa kakadaldal ni Gwen, nang pagkatuwaan ang suot ng kanyang Ate Gia. “Ate Gia, you'll get my support naman po always ehh! Kaya no problem at wala na akong kontra sayo. I close my mouth and eyes at hahayaan nalang po kita na lumabas ng aking masikip at makipot na tahanan na ganyan ang suot ng aming si Cinderella na sikat na sikat sa ating lugar." Saad pa rin nito at walang bayas, na isinisiwalat ang nasa isipan niya at lahat ng nais niyang sabihin sa kanyang nakatatandang kapatid. “Oh siya, lumayas ka na kung ayaw mong abutan ka pa ng ating mga mahal na magulang." tudyo na naman nito at itinulak siya papalabas ng pinto. “A-ano ba, Gwen nasasaktan ako." singhal niya ng ibinulalas ng masaktan siya sa pagtulak ni Gwen. “Ikaw naman, Ate ang arte mooooo." bulalas na tugon ng maarteng si Gwen. “Nasasaktan naman talaga ako. Ano ba?" pigil niya sa paghawak ng hindi niya gusto kay Gwen. Nasasaktan naman kasi talaga siya ng magawa siyang itulak ng nakakabata niyang kapatid. Hindi naman siya nagmamadali pero itong kapatid niyang bunso ay minamadali na agad siya sa kanyang pag-alis. Makikipagkita lang naman siya kay Romina ng sabihan siya nito ng tawagan siya na magkita sila sa lugar kung saan ay itinuro ng kanyang matalik na kaibigan. Kaya naman agad din siya nagbihis ng matapos ang talk show na pinapanood niya kangina. Agad din siya tumayo sa kanyang pagkakaupo at niligpit muna ang mga kalat-kalat niyang magazines at ilang mga aklat tungkol sa photography. “Ate Gia, pasalubong ko later ahh! Basta, ako na bahala magdahilan mamaya kila Mama at Papa, kung saan ka pupunta. Basta, wag mo lang makalimutan ang pasalubong mo sa akin, kahit wala na si Kuya Greg, ako nalang bilan mo." Sigaw-sigaw pa na pahabol ni Gwen sa kanya. Nagmamadali na rin si Gia, at gabi na rin talaga. Wala naman din siya pasok sa kanyang part-time job today at dahil sa nakipagpalit pa sa kanya ang kanyang kasama na siyang pumasok today upang bukas na siya naman ang day-off. Naglakad na si Gia, humanap na rin nang kanyang masasakyan papunta sa area na kung saan na naroroon na rin ang kanyang kaibigan. “Romina, bakit ang tagal ng kaibigan mo?" “Papunta na raw, wag ka naman mainip parang limang minuto pa lang naman tayo na dumating dito, nakapamainipin mo." maarte na tumugon, si Romina sa pinsan niyang si Alfred. Kasalukuyang na nasa isang coffee shop sila kung saan ay sinabi niya kay Gia na dito sila mga magkikita. “Kaya lang I have something to fix. Kailangan ko na umalis." anito na inihayag ni Alfred sa pinsan niya. “Girl?" “I have no comments on that. It was my private life. So there is no need to say or explain it to you." Mataray na sagot pero kinatawa din ng tumawa si Romina sa kagaspangan ng pagtugon ni Alfred. Alam niya kasi na nagbibiro lang ito. At sa lahat ng mga pinsan niya ito ang makulit at may kabalbalan kung magsalita at magbigay komento sa kanilang magpipinsan. Pero ang pinaka-close nga niya at kinatatakutan ay si Troy pero lahat naman ay kanyang kalapit at wala siyang masasabi sa apat niyang pinsan na sobrang babait. Nais nga sana niya makilala ni Alfred, si Gia kaya nga sinama niya ito maliban sa nais niyang itong kunin na model nila ni Gia, para sa kanilang school project na kailangan nilang ipasa na dalawa. As long as they have group projects at school, they are always in the same group as Gia and they have never separated as isang group projects. “Okay kung nagmamadali ka na, at need mo talaga na puntahan ang dahilan sa pagmamadali mo. Gorabels ka na nga, at baka mamaya ako pang masisisi sa pagiging late mo, sa meetup niyo ng kameet mo. Go ahead! Alissss!" halos ipagtabuyan na niya si Alfred na tawa-tawa na napailing na lang dahil sa pagtataray rin ng kanyang binibiro na pinsan. Wala naman kasi siya babaeng imeet today. Nais niya lang magmadali umuwi at may lakad silang magpipinsan, at hindi kasama si Romina dahil isang boy group date lang iyon. Lalabas sila ng kanyang mga pinsan para i-celebrate ang naging matagumpay na interview ni Troy kangina sa talk show ng kilalang journalist, anchor at magaling na TV host na pinakilig ng husto ni Troy habang nakasalang ito kangina sa isang live broadcast mula sa isang talk show ng sikat na host. Napakabilis ng naging biyahe naman ni Gia papunta sa meeting place nila ng kanyang kaibigan na si Romina, habang hindi sinasadya na nakasalubong niya si Alfred pero dahil hindi pa siya kilala nito at never pa niya ito na meet kahit once. Hindi niya rin makikilala talaga. At ganun din si Alfred na sa mga kwento lang ni Romina niya naririnig ang pangalan ni Gia. Habang si Gia, never pa nabanggit ni Romina ang mga pangalan ng kanyang mga pinsan sa kanyang kaibigan na si Gia. Saka bukod sa alam ni Gia na galing wi Romina sa mayamang pamilya. Wala na siyang alam sa iba pa nitong background. Maliban duon sa mayaman si Romina at madalas na manlibre sa kanya. Dali-dali na tumakbo na ni Gia sa lugar kung saan nakaupo at nakapwesto si Romina ng sabihan siya nito ng tawagan siya kangina ng malapit na siya bumaba sa harapan ng coffee shop na itinuro sa kanya ng kanyang kaibigan. Nahingal pa siya na napahinto pa muna at inilibot ang mata sa loob ng coffee shop. Hindi naman siya nabigo at nakita niya agad ang seryoso na kaibigan na ang mata ay nakatuon sa pagbabasa sa cellphone. “Nandito ka na pala!" gulat na gulat nitong inihayag ng mapansin siya habang hinihingal at halos kapusin sa paghinga. “Tumakbo ka?" nakatawa pa nitong tanong kay Gia. “Syempre! Baka iwan mo na ako at mainip ka rito." aniya habang putol-putol niyang pabiro na itinugon. Nakangiti rin syempre siya sa kanyang kaibigan na napatawa ng malakas habang sinagot ang sinabi na pabiro ni Gia. “Oo naman, ang tagal mo kaya… Inip na nga ako." “Mabilis pa nga ako." “Mabilis ka pa non?" bulalas nito. “Oo ahh! Anong oras na ba?" sabay niyang tanong sa kaibigan. “Past seven o'clock na kaya at mag 8 o'clock na nga." “Ayos lang pala ang dating ko." tugon niyang hayag mula sa paghigpit niya sa paghugot ng hininga. Ilang beses pa kasi siya muli na pa hugot ng hininga. “Maupo ka na nga muna." utos nito sa kanya at naupo naman itong si Gia. “Magtubig ka rin muna at nang mawala 'yang hingal mo." “Nagbibiro ka?" “Ikaw naman, nang mahimasmasan ka lang naman ka 'ko. Masyado ka naman chos.." “What?" “Wala ang ganda mo pala pag-pinagpapawisan ka na." aniya na nagbiro na naman, tugon ni Romina ng kanyang barahin at salungatin ang mga naging pabalang at pabiro na tugon din ni Gia. Nagtatawanan na lang sila, matapos ang masayang kulitan nila buhat sa isang araw na hindi nila pagkikita. Masyado nila mga namiss ang isa't-isa buhat ng mawalan sila ng pasok sa isang buong araw. Holiday kasi at kaya maging sila ay walang pasok ng ang kanilang mga professor ay tuwang-tuwa ng makatanggap ng announcement mula sa school head department na wala silang pasok. “Bakit mo nga pala ako pinapunta rito?" nang kanyang maalala, saka pa lang niya naitanong “Umalis na yung pinsan ko. Ang tagal mo kasi, ipakilala sana kita sa kanya at upang mapaki-usapan na rin natin na siya na maging model para sa gagawin natin art project." “Teka!" nang matawa pa itong si Romina ng maalala. “Hindi ako makakasama na gawin yung project natin. Pero, I'll make sure na papayag siya na kunin natin na model. Basta ikaw nalang bahala ahh! kasi naman mas mahusay ka rin naman sa ating dalawa. May lakad ako tomorrow…" “Tomorrow?" “Oo, bukas na." aniya na sagot nito sa gulat na si Gia. “Bakit bukas?" “Eh, kelan ba dapat?" bulalas nito pabalang. “K-kasi…" nang pag-isipan ng maigi ni Gia. “Bakit? May lakad ka rin ba?" umiling siya. “Anong problema?" “Kinakabahan lang ako. Syempre, hindi ko pa nga nakita yung pinsan mo. Tapos kukunin pa nating model? Hindi ba nakakahiya, tapos ay nakakailang na ako lang mag-isa---" “Ano naman?" Huminga ng malalim si Gia. “Okay, sige na nga." sagot niya na pagpayag sa kagustuhan ng kanyang kaibigan. Wala na nga nagawa si Gia at pumayag na siya sa gusto no Romina. Kumain lang sila, nagkape at bumili ng sweets si Romina at saka sila mga naghiwalay na rin dahil sa gabi na at paniyak ni Gia na kagagalitan na siya ng Mama at Papa niya. Expect na rin niya yun dahil sa gabi na nga siya uuwi ng kanilang Bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD