“Nasa bakasyon raw sila. Narinig ko lang sa isang mga tao na nagtratrabaho doon. Bakit ba kasi panay ang monitor mo pa din sa kanya? Bakit hindi ka nalang bumalik sa ibang bansa ng sa ganon matahimik na din iyang sarili mo. May bago ng kasintahan yung tao. Bakit hindi mo nalang hayaan sila maging masaya kesa ang ganito ang ginagawa mo... Nagpapakatanga ka lang talaga. Hindi ka maawa sa sarili mo." Lumuha ang mata ng babaeng pinagsasabihan nito. “Mahal ko siya. Alam kong sa lahat ng nangyari sa amin noon. Sa dami ng memories namin noon. Sa lahat ng pinagsamahan namin noon. Hindi ganun kadali ang kalimutan nalang at itapon. Alam kong ako pa din ang laman ng puso niya at panakip nalang ang babaeng iyon dahil sa pagkawala ko ng ilang taon. Pero alam kong oras na magpakita na ako sa kanya. Ti

