Kinabukasan maaga pa lang maririnig na ang lakas ng kalampag ng mga kalderto at pinggan. Galit ang mama ni Gia. Nagdadabog ito na sinasadya ang pabagsak nitong paglalapag ng mga pinggan sa mesa at kasirola laman ang sinabaw nitong isda. Kasunod ang kalderto ng kanin. Ang ama ni Gia maaga umalis. Pumasok na ito sa trabaho. Natutulog pa ang magkakapatid. Pero ang Ina nila ay maaga gumising para magluto ng kanilang umagahan. Magluto nalang ay nagdadabog. Nagngingitngit ang mga labi nito sa inis ng umaga na umuwi si Gia. Masama ang nasa isip nito. Iniisip nito na may jowa ang anak kaya't madalas na ito kung gabihin sa pag-uwi. Isama pa ang bali-balita na may nobyo ito na madalas makita ng mga tsismosa nilang mga kapitbahay. Pabalibag nito na ibinagsak ang mga baso at kutsara sa mga bahagi

